CHAPTER 5: Dalaw

13 4 1
                                    

"Ate isang order po nitong adobo"

  Break time namin ngayon at nandito kami sa may kainan malapit sa building na pinagdarausan namin ng training.

Dapat sa fast food yung iba kakain pero since hindi naman kami lahat can afford eh napagdesisyunan namin na dito na lang kumain. Ang saya lang kc kahit kakakilala pa lang naming lahat eh close naman agad kami sa isa't isa. Ito yung isa sa hinahanap ko sa friendship yung belongingness idk maybe because may parte saken na kahit masaya ako sa buhay ko o nangyari saken parang feeling ko hindi ko pa rin matakasan yung nangyari noon. Hays drama! Hahaha.

Ayoko na nga di na masaya char'

Sa totoo lang lahat naman kami close pero may mas naging close ako bukod kay ms blonde hair na si Steve. Hahaha oops ang ganda pakinggan noh? Pero ang totoo nya palang name eh Esteban Jose Montemayor Jr. Oh diba lalaking lalaki. So ayun na nga ang pangalan nung bago kong frenny ay si Mereiah Angela Brinas

"Bebe, dito ka na tabe tayo"

"Ah sige bebe"

Napatingin samin si Mr. Yabang, yeah you heard it right I can't call him by his name medyo awkward mga erp.

Ewan ko naiinis nanaman ako sa kanya dahil sa nangyari kanina.
Hindi na ata matatapos ang inis ko sa kanya!

"Wew! Bebe!"

Napatingin sa kanya si Esteban, hahaha! Sa totoo lang ayaw nya papa tawag sa pangalan na yan, pangmatanda daw kc, ganda sya eh kaya nag iinarte Hahaha.

"Sinong bebe?"

"Ah eh ikaw hehe, hi stebebe"

"Hahahaha hindi ko akalain na joker ka pala korni nga lang pero natawa pa rin ako ikaw talaga Papa Vincent!" sabay hampas pa sa may balikat.

"Ah hehe ganon ba?

" Ay chaka, biglaang coldness nanaman charote"

Natawa na lang ako bigla dahil yung hitsura nya halatang naiirita dito kay bakla Hahaha.

"Oh saya mo naman girl share naman kung ano yan!"

"Ah wala haha naalala ko lang yung pinapanood ko, yung mga Yokai oo yun!" Hahaha sabay kanta ko ko pa nung theme song nung pinapanood kong cartoons.

Narealized ko na mukha pala kong tanga kc may hand gesture pa ko habang kumakanta. - _-

Napatingin na silang lahat sakin at sabay sabay na tumawa. Pinakamalakas kay bakla sunod yung dito kay Merang. Hahaha ang ganda nang naisip kong nickname para sa kanya. Mereiah Angela=Merang

Napatingin naman ako sa katapat ko which is si Mr. Yabang at  halatang nagpipigil sya ngumiti.

"Hays, Ikaw talaga kelangan namin sa pamilyang ito Alexa Hahaha laughtrip palagi amp!"

"Wow guys ah? Compliment or Insult?! Hahaha char' makainarte lang. Masaya ako't napapasaya ko kayo, walang anuman!" Tapos may pag bow pa ako.

Syempre napahiya nako lubos lubusin ko na.

"Pero seryoso guys, sobrang cool talaga ni ma'am Joe noh! Tapos galing nya pa mag deliver ng topic walang antok moments eh!"

Si Charina Maureen Teves naman yan may boyish vibes sya pero ang ganda nya sobra. Mukha ngang type sya nitong si Yabang eh. Nahuhuli ko kc sya na palingon lingon sa may banda namin ni Charina. Seatmate kc kaming dalawa.

" I agree. Tapos ang ganda nya pa at sexy!

Si Jester naman yan, gwapo sya pero hitsura palang masasabi mo nang babaero. Hindi naman sa judgmental ako ha! Di po ko ganon!

" Oo nga eh ang galing pa ng fashion style nya noh?! Idol ko na sya from now on!"

Si Aizelle naman yan, yung fashionista naming co-trainee.

"I think crush ko na sya"

Napatingin ako bigla dito kay Merang. Haha! Akala ko di na sya magsasalita eh. Mapapanis laway nya jan.

"Shocks! Ikaw bebe ha, crush ko rin kaya yun si Miss! Ano to bebe goals?"

Oh baka kung ano po isipin nyo ha, straight po ako. Hindi naman siguro masamang magka-crush sa kapwa mo babae, yun yong simpleng paghanga lang sa mga characteristic nya na parang gustong gusto mo. ganern!

After we had our lunch deretso na kami sa training room kc baka malate kami.

"So for this afternoon, I'd like you guys to make a song for your batch.  Make it atleast 5 minutes. Indicate in the song why you wanted this job, and your inspiration to do this. I want it done until 3:00. After that, you may leave. I informed the heads already coz I don't feel okay now. "

So ayun nga after namin matapos gawin yung kanta eh napag planuhan na namin kung paano namin ipi-present bukas. Well si Yabang magdadala sya ng gitara bukas kc naatasan sya magitara para sa presentation.

Gaya nga ng sabi ni Miss pwede na kami umuwi ng 3:00 pm kaya ayun pababa na kami.
Nauna na yung iba since hindi naman kami kasya kung sabay sabay kami sa elevator.
Malas ko lang naiwan ako kasama to si Yabang at masaklap non napunta ako sa gilid tapos nasa may harap ko sya. Naaamoy ko tuloy yung pabango nya.

Shet lang ang bango bango nya guys! Parang gusto ko na lang dito manirahan sa dibdib nya at magsawa sa amoy nya magdamag!

"Huwag mong singhutin, baka maadik ka."

Ano daw?? Pakiulit nabingi ata ako.

"Ha?"

"Hakdog"

Ay peste! Diko talaga ini expect yung mga pambabara nya, yung mukha nya kc parang palaging seryoso.

"Ha? Ha Ha Ha ayan ah tatlong tawa yan para Ha-hate you. Letche!"

Napatingin samin yung Ibang  tao dito sa elevator. Teka bakit parang lahat ng mga embarrassing moment ko kasama ang lalaking ito palagi na lang sa elevator.?

Sakto naman bumukas na yung elevator kaya hindi ko na kelangan magexplain sa kanila kung bat ko nasigawan to si Yabang.

"Uy bebe! Pauwi ka na ba or gala muna tayo?" gala pa muna kc ako eh ang aga pa kc eh."

" Ah pauwi na rin ako bebe hehe enjoy ka na lang!"

Nagbeso na kaming dalawa tapos nagpaalam nako sa iba pa naming kasama. Nang biglang may yumakap sa likod ko.

Namilog mata ko nang paglingon ko si Yabang pala at hindi nya pala ko niyakap. Ikinabit nya yung hoody nya sa may bewang ko para matakpan yung sa may bandang likod ko sabay bulong saken

"May dalaw ka walking pimple."

HALA Jusmiyo marimar! Baket parang diko naramdaman yun? Sa elevator naba ko nadatnan? siguro kc dapat kong sa training room makikita ko naman siguro sa upuan. Shocks!!!! Nakakahiya sya pa nakakita. Lupa kainin ako ngayon na!!!!!

She's A Late BloomerWhere stories live. Discover now