CHAPTER 18: Double Date

12 2 1
                                    

"Kailan mo ba kasi ipapakilala saken yang love of my life mo gorl, nagtatampo na ako ah. Ang tagal nyo na rin tapos hanggang ngayon di ko pa sya nami-meet."

"Sorry naman gorl, busy masyado sakin yun eh! Ay este sa future naming dalawa." I laughed.

"Wow! Ganda ka gorl?"

"awts gege"

And we both laughed.

"Uy alam ko na, Just bring him on my birthday this coming Saturday. Double date tayo, may bago akong target ngayon eh."

"Predator ka gorl?"

"Tuleg, syempre di naman yun papayag na maging date ko kung walang gusto saken."

"Wow, Feeling pretty ka gorl?"

"Wow ah, hiyang hiya ako sa fashion sense mo dati ah. Umay beh"

And we ended up laughing again.

Nandito kami sa tambayan naming tatlo dati nila Jared. Ang "Bebang Street Foods, kapag nalasahan babalik-balikan".

Sa totoo lang nakakamiss yung tatlo pa kami, yung buo kami. Pero masaya pa rin naman ako, kasi hindi naman nasira ang friendship namin ni Carolyne dahil sa nangyari samin ni Jared. Mas masaya sana kung buo kami pero wala na akong magagawa.

I can forgive but never forget that once in my life, I felt cheated, humiliated, and wrecked just because of one person and that was my BEST FRIEND.

Nang dahil sa nangyari ay nahirapan akong pulutin yung piraso ng sarili ko na nasira nang dahil lang pakiramdam ko, ang baba ko ang pangit ko at kahit kailan ay walang makakatanggap sa akin.

Pero maswerte pa rin ako kasi may mga taong pinaramdam sa akin na mahalaga ako at deserving sa pagmamahal ng isang tao.

"Oh sige na! May date pa ako."

"Okay, baka malate ka ipag palit ka pa nyan. Tapos mapurnada pa double date natin eh di hindi mo nanaman nameet ang love of my life ko hahaha"

"Sus! Hahaha maghiwalay sana kayo. Bleh."

"Mabaog ka sana"

Yun lang at nauwi nanaman kami sa tawanan.

Namiss ko rin tong babaeng to, isang buwan rin kaming hindi nagkita kasi nag finals na sila at syempre busy kaka-review. 2 months na lang at balik eskwela na rin ako. Nakakaexcite.

Isa si Carolyne sa tumulong sakin sa pag-aayos sa sarili ko, noon pa man ay kinukulit nya na ako na tungkol sa bagay na yan, at nang dahil sa nangyari samin ni Jared ay nag desisyon na ako na kailangan ko ng pagbabago, hindi dahil para matanggap ako ng iba kundi para matanggap ko ang sarili ko. Self-love mga inday

Syempre dahil hindi ko afford ang mga mamahaling damit, may solusyon tayo dyan. DIVISORIA.

Natutunan ko na hindi mo naman kailangan ng mamahaling damit para magmukha kang tao, diskarte lang mga inday. Kung di afford ang mamahalin, wag pilitin. Magsikap para pagdating ng panahon ang bagay na tinitingnan at pinapangarap mo lang ay magkatotoo.

Pagkatapos nang pagkikita namin ni Carolyne ay dumeretso na ako sa palengke para syempre mamalemgke lol.

"Oh nandito na pala ang maganda kong Pinsan"

"Naks, dati pangit ngayon maganda na  real quick." I smirked.

"Baliw, maganda ka naman talaga dati pa, nagka jowa lang ng gwapo di na mabiro. Pahingi nga ng mukha na yan, lapitin ng gwapo. HAHAHA."

"Wow ah, di makuntento gorl?"

"Hahaha syempre joke lang, okay na okay na ako sa jowa ko no. Swerte rin naman sya sakin noh, talented na sobrang ganda pa."

She's A Late BloomerWhere stories live. Discover now