CHAPTER 14: Bar

6 3 1
                                    

Ilang minuto pa ang lumipas at nakarating na rin kami sa Bar na sinasabi ni Jared na malapit lang sa Condo nya.

Sa totoo lang ay hindi ko alam kung paano kami mamaya sa loob, kinakabahan ako baka may iba syang mga kakilala dito na hindi ko pa nakikilala. Ipapakilala kaya nya ako kapag nagkataon?

Iniisip ko kung ano ang pakiramdam na ipakilala ka bilang isang kasintahan.

Nawala ang mga iniisip ko nang maramdaman kong pisilin nya ang aking kamay na hawak nya.

"Kinakabahan ka." Hindi iyon tanong. Kundi deretso nyang sinabi ng nakatingin sa mata ko.

"Ah hindi naman. Siguro ganito lang talaga yung nararamdaman ko kasi ito ang unang beses ko makapasok sa isang bar."

Tama sya sa sinabing kinakabahan nga ako pero katulad nga ng na iisip ko kanina may parte sa akin ang nasasabik na mapanood si Yabang.

"As long as you're with me, you don't have to worry about anything."  sinabi nya ito ng may mga ngiti sa labi deretso sa mga mata ko.

Hinawakan nya ang mukha ko habang hinahawi ng isang kamay nya pagilid ang buhok ko pagkatapos non ay bumaba ito sa labi ko at napatitig sya rito pawang naaakit na halikan ako. Hindi nga ako nagkamali sapagkat ilang sandali pa ay naramdaman ko na ang labi nya sa labi ko.

Kakaiba ang halik na iyon sa unang halik nya sa akin dahil ang halik na iyon ay mas matagal at mas malalim, dahan dahan at punong puno ng pagmamahal.

Nahihiya ako sapagkat sa aming dalawa ay sya lang itong marunong. Sya lang ang gumagalaw para saming dalawa.

Nagdulot ng kiliti sa aking katawan ang halik na iyon na lalo pang nagpagulo sa isip ko.

Kung hindi ko na sya mahal bakit nakaramdam ako ng ganoon?

"You're so beautiful babe. I love you so much" Sinabi nya ito pagkatapos ng halik. Medyo nahiya pa nga ako dahil hindi ko naramdaman na tapos na, naiwan akong nakapikit.

"Love you too. Pero totoo bang maganda ako? Parang hindi naman." sinabi ko ito ng nakanguso at nakatingin sa baba.

"Maganda ka, sobra. Kahit anong sabihin ng ibang tao sa paningin ko ikaw ang pinaka maganda sa lahat kaya hindi mo dapat iniisip na hindi ka maganda dahil lahat ng babae ay may iba't ibang ganda, pinakamaganda ka nga lang para sa akin."

"Sus! Nambola pa. Tara na nga."

Masarap sa pakiramdam na may isang taong tanggap ako, bukod sa pamilya ko at mga kaibigan. Kaya naman napangiti na lang ako.

"Hindi yon pambobola, totoong maganda ka. Hindi mo lang nakikita o wala kang tiwala sa sarili mo. Sana matulungan kita sa bagay na yan."

Umikot na sya para pagbuksan ako ng pintuan ng kotse nya at magkahawak-kamay kaming pumasok sa loob.

Pagkapasok namin sa loob ay nagsisimula nang tumugtog ang banda.

" Hey, what's up bro! It's been a long time."

Napahinto kami nang makasalubong namin ang isang lalaki. Kung titingnan ay masasabi mong kaedad namin ang isang ito. Matangkad sya, moreno at gwapo rin hindi nga lang katulad ng mukha ni Jared na unang tingin pa lang masasabi mong mabait, iba ang isang ito mukha syang may tinatagong kapilyuhan pero ayaw kong maging mapanghusga baka nagkakamali lang ako.

"Hey, what's up! Girlfriend ko nga pala bro."

"Hi please to meet you. Jaymark, Jared's friend.

" H-hi, nice to meet you too. Alexandria Marielle, Jared's G-girlfriend."

Gusto kong pagalitan ang sarili ko ng mautal ako at halos manginig ang kamay ng makipag shake hands sya sakin.

"So, I thought you don't like innocent girls?

"Shut up bro."

Naramdaman ko ang paghawak ni Jared sa bewang ko tila ba yun ang teritoryo nito.

"Woah okay! By the way, Don na lang kayo sa table namin. Miss ka na rin nila don, grabe tagal nating di nagkita tapos dito pa tayo magkikita ulit."

"Haha busy lang"

Doon nga kami pumwesto, naiilang pa rin ako pero mababait naman sila, hindi nga lang ako sanay makipag palitan ng salita dahil bukod sa kaibigan ko, kay Sha lang ako sanay ipakita ang ugaling kalog ko.

Iniikot ko ang paningin ko sa bawat sulok ng bar. Gaya nang nakikita sa palabas, maraming mga nagsasaya, nagiinuman, at nababalot ng usok ang ibang parte ng lugar, hindi ako sanay sa ganito ngunit ang makarating sa dito ay panibagong karanasan nanaman sa aking book of life kaya ayos lang.

Ilang minuto pa ang lumipas ay nagsimula nang tumugtog ang banda, hindi naman ako mapakali sa kinauupuan ko, gustong gusto kong makita ng mas malapit kung paano nya bigkasin ang bawat liriko ng kanta na kinakanta nya.

Sa ilalim ng puso ko alam kong hinihiling nito na sana para sa akin ang kanta na kinakanta nya.

Hinihiling ko na sana tumingin din sya sa akin.

Hanggang ngayon ay nahuhumaling pa rin ako sa kanyang tinig, maganda ang boses ni Jared gayun din ang akin pero ang kanya ay kakaiba, tila sya ang pinakamagaling.

Sa huling bahagi ng kanta ay hindi ako nabigo sa aking hiling dahil lumingon sya sa gawi ko, kahit medyo malayo ito alam kong sa akin sya nakatingin tila ba kanina nya pa alam na nandito ako sa pwesto na ito, pinapanood sya.

And I can't help falling in love with you....

"Babe,"

"H-huh?"

"Kanina pa kita tinatawag, mukhang nag-eenjoy ka panoorin sya,"

"Ah syempre naman, ang galing kaya nila! Hindi lang siguro kita naririnig kasi malakas yung tugtog."

Nakokonsensya ako kasi kaikangan ko nanaman magsinungaling dahil natatakot akong malaman nyang tama sya.

"sila ba o sya lang?"

Napatingin na ako sa kanya ng sabihin nya yun. Hindi naman kami napapansin ng mga kaibigan nya dahil pawang nag-eenjoy sila, lahat sila ay nagsasayawan na dahil hindi katulad kanina na love songs yung tugtog ngayon ay pawang sa mga nagsasaya na.

"Teka nagseselos ka ba?"

Nakita ko kung paano gumalaw ang kanyang panga. Sa huli ay napabuntong hininga na lang, yumuko sya at pagtingin sa akin ay nakangiti na pero halata sa mata nya yung lungkot.

"Don't mind it, By the way wanna go with me? I'll show you my condo. Mas maganda na sya ngayon kesa dati nong pumunta ka"

"Okay, maaga pa naman. Pero sana mabilis lang tayo kasi may pasok pa bukas."

Nagpaalam lang si Jared na pupunta sa mga kaibigan nya upang sabihing aalis na kami. Nalungkot nga ako nong hindi manlang kami nagkaron ng interaksyon ni Yabang gayong sya naman ang nag imbita sa amin dito.

Kaya hindi napigilan ng mata ko ang tumingin sa stage kung saan sila nagtatanghal kanina ngunit nabigo ako ng wala na sya doon dahil iba na ang vocalist nila ngayon.

Nababaliw na talaga ako. Kasama ko si Jared pero iba ang hinahanap ko.
Para akong nahihibang sapagkat hanggang ngayon ay naguguluhan pa rin ako sa nararamdaman ko.

"Ako ba ang hinahanap mo?"

Nagulat ako ng may magsalita sa likuran ko, hindi ako maaaring magkamali dahil alam ko kung kanino ang boses na iyon.

Nang lumingon ako ay sobrang lapit nya na sa akin kaya talagang nagulat ako ng kamuntik ng magdikit ang aming mga labi dahil sa biglaang paglingon ko....



She's A Late BloomerWhere stories live. Discover now