CHAPTER 4: Heart

9 5 3
                                    

"Hello madlang pips!" Kakarating ko lang sa bahay. Grabe sobrang init sa labas parang gusto ko na lang pumasok sa ref at mag ala-baboy kaso baka di ako magkasya kaya wag na lang. Hahaha

Nagmano lang ako kay tita pagka- rating ko.

"Oh Mayie, andyan ka na pala. Halika meryenda tayo. Birthday ni Berna,  yung kapitbahay natin dyan na kalilipat lang kaya ayon binigyan tayo ng pansit."

"Naks, bagong frenny Mama ah Hahaha.

" Haha, nako syempre noh. Alam mo dapat sa lahat na pagkakataon marunong tayo makibagay sa tao para marami tayong kaibigan. Para everybody happy! Hahaha"

"Naks! Noted po! Hahaha"

" Musta nga pala first day?"

"Ayun masaya naman po. More on introduction pa lang po tsaka ang cool po nung trainer namin hehe."

Hahaha naalala ko tuloy si yabang. Well, if ever na makipag friends sya wala namang problema kc nag sorry naman na sya at huwag nya lang akong buwesitin ulit at cool kami.

"Ah, nasan po pala si Sha'?

" Ah yun bang batang yon kamo? Nagpaalam saken saglit. May kelangan lang daw silang tapusin na project kaya andun sya ngayon sa bahay ng groupmate at kaibigan nya na si Keila. Pero sabi nya naman baka mga 6:00pm uuwi na rin sya."

"Ah, ganon po ba? Haha. Ahm, ano po pala lulutuin natin para sa hapunan? Ako na po magluluto."

"Naku! Mukhang inspired ah haha. Ah bumili ako jan ng karneng manok at gusto raw ng pinsan mo ng adobo para sa hapunan."

"Ah,sige po magpapalit lang po ako ng damit at ako na po magluluto. Para naman makapahinga muna kayo, mukhang pagod na pagod po kayo ngayon eh."

"Ah oo nga eh. Ang dami ko kasing nilabhan kanina. Alam mo naman nasira yung washing machine natin kaya ayun manu-mano ang labada."

"Hayaan nya po sa unang sahod ko bibili tayo ng washing machine para naman hindi po kayo mahirapan masyado."

"Nako, hindi naman na kailangan, yakang yaka ko pa naman. Mag-ipon ka na lang muna para sa pasukan anak,"

Nginitian ko na lang sya pero sa loob ko ayun yung gagawin ko para naman hindi na masyadong mahirapan si tita.

"Sige po, bihis muna ako."

Pagkatapos ko magpalit eh deretso na ko kusina para magluto ng hapunan namin.

"Wow ang bango naman ng niluluto mo pinsan! Amoy adobo"

Hays dumating na ang asungot

"Ay boba, natural adobo yan oh kita mo naman diba unless biglang nagkaron ng katarata ang mata mo kaya nanlabo"

"Nya nya nya whatever"

So ayun after namin kumain sya na ngayon yung in charge sa kusina. Sya maghuhugas ng plato. At Ako naman sinasamahan sya kc takot sya sa multo baka daw bigla na lang may yumakap sa likod nya,  masyadong feeling! Kahit ata multi di sya maiisip yakapin eh hahaha. Nakaupo lang ako dito at nag browse lang ako sa mga social media accounts ko habang sya eh naghuhugas ng pinagkainan.

Nang biglang may naisip akong gawin.

I searched his name on Facebook.

Eros Vincent Valbides

Ahm, pinindot ko yung mga lumabas and nakita ko na yung profile nya. Yung picture nya eh nasa peak ng bundok tapos naka-sideview sya at medyo papalubog na yung araw nung kinuha  yon.

Tinignan ko lang kung may iba pa syang photos pero kokonti lang nakita ko. Nag scroll pa ko at ng may nakita akong isa nyang picture na nasa beach sya naka swimming trunks lang sya don at wala nang iba, kuha naman ang larawan sa sunrise. At shet lang mga kaharot char! Aaminin ko ah, ang ganda ng built ng katawan nya mula sa kanyang brusko'ng balikat mga braso na feeling ko kapag nabatak eh makikita ang mga ugat, ang ang mahabang biyas at higit sa lahat ang kanyang nagsusumigaw na abs na talaga namang mapapanganga ka at syempre ang kanyang mala-adonis na mukha!

Ang unfair ng mundo char'

At dahil sa pag-iimagine ko

"HOY!"

"ay punyetang abs!"

"Ano yan ha! Hahaha stalker ka na ngayon? Last time I checked CSR ka at hindi stalker"

"Anong stalker sinasabi mo jan!"

"Anong stalker sinasabi mo jan!"

Panggagaya nya pa saken.

"Kitang kita ng dalawang mata ko kaya wag kanang mag deny Hahaha abs ka pa ah. Yun ba yung kini-kwento mo nung nakaraan? Naks parang model sa kagwapuhan ah!"

"Tsk Oo sya yun! Eh ano naman ngayon chineck ko lang naman kung nagpi facebook ba sya.

" Para ano? Para ma-add mo?" Nakangisi pa sya habang may mapang-asar na tingin.

" Pwede ba, hindi lang naman sya ang gwapo at may magandang katawan sa mundong to noh!? Kaya tigilan mo ko jan."

"Aysus! Kamusta naman pala ang first day mo?

Sabi na eh, mangungulit pa to eh. Syempre human diary ko to kaya wala akong choice kundi mag kwento.

" Ayun masaya naman. Introduce yourself, groupings ganern parang sa school lang." Pagkukwento ko sa kanya habang nangingiti. Naalala ko nanaman kc kakornihan nung mayabang na yun Hahaha

"Sus yun lang ba? Mukhang may hindi ka pa nakwento ah."

Kilala na talaga ako nito.

"Nilibre nya  kami nung bago kong na kilala kanina na trainee din"

"Wow bilis naman? Baka bukas nanliligaw na yan ah hahaha hanep talaga karisma ng mga tigyawat mo!"

"tuleg, wag ka mag-imagine. Eh kc natapakan nya paa ko nung palabas na kami ng training room kanina eh ang laki laki nya pa naman ang sakit nga ng paa ko eh buti nawala rin kaagad kaya ayun guilty siguro tsaka diba inasar asar nya ko nung unang meet namin."

" Weh? Bakit parang may kulang pa sa kwento mo? Nararamdaman ko eh"

Yung totoo pinsan ko ba to oh sya yung nawawalang anak ni madam auring lakas manghula amp

"Tapos ayun nga nilibre nya kami meryenda and then after nun binigyan nya ko nung candy na may nakasulat sa likod na" I'M SORRY". oh diba korni! "

" Korni daw pero kinikilig sya ayyiiiie!

"Hay nako ewan ko sayo, Tara na nga matulog na tayo at maaga pa ko bukas."

KINABUKASAN

Dahil nga late na ko naka tulog kagabi dahil sa kadaldalan nung pinsan ko eh late rin ako nagising, kaya naman ngayon ay nagmamadali na ko papasok. Hindi rin ako agad nakatulog dahil na rin habang pipikit ako naalala ko yung picture ni yabang na kita yung abs. Pambihirang buhay iba na to.

Katulad ngayon kakapasok ko lang sa elevator at naisip ko nanaman sya.

"Goodmorning"

"Lintek na Abs!"

Sa sobrang pag di-daydream ko hindi ko na namalayan na pumasok na rin pala sya. Bakit ba palagi na lang kaming nagsasabay sa elevator? Yung totoo?!

"Abs pala ha, kamusta ang pag stalk saken?

" Anong stalk sinasabi mo jan?"

Nilabas nya yung phone nya at ipinakita yung notif sa fb. Nanlaki mata ko nung nakita ko pangalan ko don.

Sa lahat ng picture nya ayun lang ang na-heart ko at ni hindi ko maalala na na heart react ko pa yun! Yun pa na picture nyang kitang kita ang kanyang magandang katawan.

Bumukas na yung elevator at nauna na syang lumabas. Ako nahuli na kc hindi ko alam kung paano pa ko titingin sa kanya. Baka isipin nya tuloy pinag nanasahan ko sya! Excuse me lang ah diko sya type!! Huhuhu what to do?

She's A Late BloomerWhere stories live. Discover now