CHAPTER 7: Mahal Kita

9 4 4
                                    

It's sunday today and we just arrived home from Church. Wala naman kaming gagawin ngayong araw kundi maglaba lang ng konti naming labahin.

Nagluto lang ako ng sinampalukang manok na masarap mas masarap pa sayo char'

One of the moments that I'd love to spend with my family back then is this:dine together and have a small talk with them, kaya lang madalang mangyari yun noon e.

"Kamusta ka naman sa trabaho mo Mayie?"

"Ahm, okay naman po Mama masaya po kasama yung mga co-trainee ko sana nga after ng training eh nasa iisang team din kami."

"Mabuti naman kung ganon, pagbutihan mo para kapag na-deploy na kayo eh hindi ka nangangapa, alam  ko namang yakang yaka mo yan"

"Eh kumusta naman ang puso mo?"

Si sharina yan, habang may itinatagong ngisi sa labi.

Muntik ko ng maibuga yung kinakain ko sa mukha nya. Ayos talaga mambuwesit to e.

"Maayos naman, puso pa rin."

"Ano namang sinasabi mo dyan bata ka ha, masyado kang focus sa pag-ibig na yan ha baka mabalitaan ko na lang nabuntis ka na."

"MAMA NAMAN! Para tinatanong ko lang ang isang to oh, napunta na agad sa pagbubuntis yung topic?

" Sharina, wag mo nga pinagtataasan ng boses ang Mama mo. Pinapa-alalahanan ka lang mahirap na, dapat sa inyo unahin muna ang pag-aaral bago ang mga ganyan."

Si Tito yan, madalang sya magsalita pero palaging may laman ang sinasabi.

Muntik na ko maubo nung narinig ko yun, haha eh may jowa kc ang isang to ngayon. Ako lang nakakaalam kc nga takot syang ipaalam sa kanila.

" Oo pa,"

Maikling aniya. Hays ang hirap ng kalagayan nya haha sana di ako dumating sa point na kelangan ko rin magtago katulad nya. Para kcng hindi ka rin masaya non kc palagi mong iniisip yung guilt mo dahil nga may nililihim ka.

Kelan ko lang rin naman nalaman na may jowa na sya, nung time na nanonood kami sa sala non akala ko biro nya lang yung sinabi nyang may jowa sya at ako lang yung wala pero kalaunan nagsabi sya sakin kc nahihirapan na rin daw sya sa sitwasyon.

Pagkatapos namin mananghalian. Eh nag simula na kami maglaba ni Sha, at maaga rin kaming natapos kc konti lang naman.

Nandito kami ngayon sa sala nanonood ng kdrama.

"Hindi pa rin ako makapaniwala pinsan, sobrang gwapo naman non!"

Tss, basta gwapo talaga to eh. Para namang di sya sanay sa gwapo eh gwapo rin naman jowa nya sa picture ko pa nga lang nakikita pero sapat na para masabi kong gwapo.

"Eh ano ngayon, mayabang naman. Akala ko nga magiging okay na sya simula nung nag sorry sya sa pamamagitan ng candy e. Pero ewan ko ba naaasar pa rin ako sa pagmumukha nya."

"Baka naman kc may gus-----"

Hindi nya na naituloy yung sasabihin nya kc biglang nag ring yung phone ko.

Bb calling~~~

"Yow wazzup babe"

"May ginagawa ka ngayon pre?"

"Wala naman, bakit date mo ko? hahaha"

"Ah, whatever you call it, nandito na ko sa mall malapit lang sa inyo magkita na lang tayo"

"Sige bihis lang ako puntahan kita."

Si Jared ay boy best friend ko nung Senior High, Si Carolyne naman yung Girl best friend ko, yung ipinagpalit ng jowa nya na mukha namang kuko, tatlo kami sa tropa at sanggang dikit kaming tatlo. Kapag may kelangan ang isa to the rescue palagi kami.

She's A Late BloomerWhere stories live. Discover now