CHAPTER 9:Gitara

14 5 0
                                    

"Hey" Dahil sa lalim ng mga iniisip ko hindi ko na namalayan na dumating na pala sya dala ang mga rosas na pula at tsokolate.

"Hi. I didn't feel your presence nearing me." I smiled.

"Mukhang malalim ang iniisip mo"

Kilala nya na talaga ako. Kahit anong ngiti ko, alam nya kong yun ba ay ngiti ng taong masaya o yung ngiti ng taong nagpapanggap na masaya.

"Naalala ko nanaman kasi. Nakwento ko na ba sayo na madalas kaming magpunta noon sa parke malapit sa sitio namin sa probinsya? Iyon yung panahon na marami pa silang oras para sa pamilya, sa pamilya namin. Magluluto ng masasarap na pagkain na dadalahin namin sa pamamasyal at pagkatapos non ay kakantahan kami ng tatay tapos tuturuan nila ako magbisikleta." I smiled bitterly.

"Huwag kang mag-alala kahit ano pa ang nararamdaman mo, masaya man yan o malungkot asahan mong nandito lang ako parati at hindi ako mawawala para samahan ka sa kahit ano." Aniya ng may ngiti sa labi.

"Salamat, mangako ka sakin na anuman ang mangyari, kahit maging tayo na mananatili ka pa ring yung best friend ko, yung hindi ako iiwan sa kahit anong laban."

"Pangako"

"Mamatay ka man?"

"Hindi pwede, mamahalin mo pa ako eh."

"Hahaha loko"

"Oh anyways, may surprise ako sayo."

Yun lang at hinila nya na ako papunta sa kotse nya, bago ko pa makalimutan sabihin si Jared ay nanggaling sa mayamang pamilya na may-ari ng isang sikat na publishing company  actually pareho sila ni Carolyne na nanggaling sa mayamang pamilya, kaya lang naglayas si Carolyne noong bago sya mag senior high dahil siguro napagod syang mabuhay na lang sa expectations ng mga magulang nya, napagod sya sa lahat ng mga gusto nila na hindi nya naman gusto para sa sarili nya.

Para syang ibon na ikinukulong sa hawla, at hindi makalipad ng malaya at matayog. Kaya naman humingi sya ng tulong kay Jared dahilan kung bakit nakapag-aral pa rin sya, sa public school nga lang dahil nahihiya sya sa sobra sobrang tulong sa kanya ni Jared, since best friends nga sila sa public school na lang din nag-aral si Jared na suportado naman ng parents nya sa kahit na ano.

Hindi naman sya naging pabigat kay Jared dahil yung unit lang naman na tinutuluyan nya eh dating unit ni Jared na hindi nya na nagagamit at madiskarte naman yung babaeng yun kaya kinakaya nya yung mga gastusin para sa sarili nya. Siguro paraan din ng panginoon yun para magtagpo ang landas naming tatlo, dahil sa kanila nagkaroon ako ng mga totoong kaibigan.

"Heto oh" Sabay ngiti nya.

Nanlaki yung mata ko nung makita ko kung ano yung hawak nya. Iyon yung gitarang gusto ko!

"Teka, paano mo nalaman na ito yung gusto ko?"

"Pwede ko bang sabihin na naramdaman ko lang?"

"Sus! Huwag mo nga akong talkshitin kilala kita oy!"

"HAHAHA, I just asked your cousin kung anong magandang ibigay sayo at ayun sinabi nya naman sakin." Pagpipigil nya ng tawa.

Sa totoo lang sobrang natuwa ako at na-appreciate ko lahat ng effort nya. Kinikilig nanaman ako hays!

"Salamat" sinserong ngiti ko sa kanya.

"Hindi libre yan," aniya ng may nakakalokong ngiti.

"Akala ko ba bigay? O sige ano yong kapalit?

" Ang sagot mo"

"First day mo pa lang ngayon sa panliligaw mo ipinapaalala ko lang"

"Oh sige kiss na lang"

Nanlaki bigla ang singkit kong mga mata. At kulay kamatis na ang pisngi ko ngayon dahil sa sinabi nya.

"HAHAHA, biro lang samahan mo na lang ako kumain nung  kwek kwek isaw tsaka fishball at palamig."

"Sige ba, libre ko na yan!"  sinamaan nya ko ng tingin

"Sabi ko samahan mo ko hindi ko sinabing libre mo, ako ang nanliligaw dito."

"Oo na! Bakit dati hinahayaan mo naman na ilibre kita non?"

"Dati yun iba na ngayon, noon mahal kita bilang best friend ko, ngayon bilang isang babae at magkaiba yun." sabay ngiti nya pa.

Jusmiyo marimar tong lalaking ito oh!
Walang humpay ang pagpapakilig.

Pero sa kabila non bakit parang may nararamdaman akong kakulangan sa puso ko, parang hindi sapat para sakin yung reaksyon nito sa lahat ng nangyayari ngayon. Ewan ko ang weird masyado, ang hirap i-explain. Alam kong masaya ako pero parang may hinahanap pa ako, sobra naman yung ibinibigay nya pero naghahanap pa rin ako, kung nandito lang si Sha alam ko na sasabihin non, "hoy babaeng puro tigiyawat sa noo umayos ka nga, ganda ka ha?".

Bago pa ako magpadala sa mga naiisip ko eh sumakay na ako sa loob ng pag buksan nya ako ng sasakyan at umalis.

Bebang Street Foods, kapag nalasahan babalik-balikan

Yan yung pangalan nung paborito naming kainan ng mga ganitong pagkain. Haha! Ako yung nag-influence sa kanila dito, at to my surprise hindi sila nag-inarteng dalawa! Syempre ini-expect ko hindi sila game sa ganitong pagkain kc mga rich kid pero mali ako at isa yun sa nagustuhan ko sa kanila, yung pagiging simple at walang arte.

Umorder kami ng sampung isaw, tag-dalawang kwek kwek yung malaki, fishballs tsaka palamig

Umupo na kami don sa madalas namin na upuan.

"Uubusin natin to ah"

"Hahaha naman! Eh kanina pa ko nagugutom no!"

Makalipas ang mga ilang minuto eh nagtatawanan na kami.

"Hahahaha naalala mo ba nung bumili tayo non ng Palamig and Fries sa Canteen, LT yun e. Ang sabi ni Carolyne alugin mo, Hahaha inalog mo nga pero yung palamig sa halip na yung fries ang alugin mo para mahalo  lalo yung flavor Hahaha."

Ngumuso ako. Malay ko ba naman kasi wala naman syang sinabi.

"Hays hahahaha okay lang yun isa yun sa mga nagustuhan ko sayo yung pagiging slow mo minsan. Hahaha madalas pala."

Habang tumatawa sya napangiti na lang ako at bigla kong naalala yung pagngiti sa akin ni Yabang kanina sa elevator, bakit ba kakaiba yung epekto ng ngiti nya sa mga ngiti at tawa ni Jared, iba yung kilig ko kay Jared, at iba rin yung tindi ng kaba ng puso ko kay Yabang, iba yung mga nararamdaman kong paru-paro na gustong kumawala sa tyan ko. Iba lahat.

Hays alam kong maling mali na ipagkumpara ko silang dalawa dahil magkaibang tao sila kaya natural lamang na magkaiba ang epekto nila sa akin. Ano itong nangyayari sa akin ngayon? Bakit parang yung hinahanap kong kulang ay ang mga bagay na nararamdaman ko kay Yabang napaka-unfair pero yun yung totoo.

Pilit kong inalis sa sistema ko ang mag-isip pa ng malalim at magduda sa nararamdaman ko kay Jared dahil kung anuman ang mga nararamdaman kong kakaiba kay Mr. Yabang hindi non pwedeng pantayan yung kay Jared dahil mas matibay na ito. Well as for me it takes time to love someone, I don't really believe in love at first sight or whatsoever. Masyadong mababaw yun para sakin.

Nginitian ko na lamang sya at inihatid nya na ko pauwe.

"Thanks for today Marielle, I hope you enjoyed"

Nakakapanibago naman pero di ko akalain na maganda pala ang pangalan ko kapag sya ang nagbanggit.

"Of course I did. Btw, baba na ako Ingat ka pauwe."

Pinigilan nya akong buksan ang pintuan ng sasakyan nya, bumaba sya at umikot para sya na ang magbukas para sakin.

Bumaba ako at tuluyan ng nagpa alam sa kanya.

Napapangiti ako habang pinagmamasdan ko ngayon dito sa kwarto ko yung mga bigay nya sakin kanina. Rosas, tsokolate at yung Gitara.

Ang sarap ng may manliligaw. Hehe sarap sarap mainlove! Nagpagulong gulong nanaman ako sa kama. Nang biglaang maisip ko nanaman si Mr. Yabang. Paano kaya sya manligaw?

Teka ano namang pake ko diba? Bakit ba bigla-bigla na lang na maiisip ko sya nakakayamot!

Please lord, enlighten me. Ayoko po nitong ganito.

She's A Late BloomerOnde as histórias ganham vida. Descobre agora