CHAPTER 15:Selos

12 3 1
                                    

Naramdaman ko ang biglaang tensyon nang maramdaman ko ang biglaang paglapit ni Jared at ang pag hawak nya sa bewang ko mula sa likod. Namumula ang mukha ko at hindi makatingin sa mata nya dahil naabutan nya kami sa ganoong posisyon.

"Nice band bro, my girlfriend and I had fun, but if you don't mind we'll go now. My girlfriend needs to rest."

Hindi ko alam ang mararamdaman ko dahil ramdam ko ang tigas ng boses at pagka-sarkastiko nya sa bawat bitaw nya ng salitang 'girlfriend' hindi ko alam kung ako lang ba iyon o sadyang naramdaman ko na sinasabi nyang sobrang nag-enjoy ako.

"Okay, pakisabi sa 'girlfriend' mo iwasan ang pagtingin-tingin sa akin, para walang nagseselos" sinabi nya yon habang nakatingin sa akin at nakangisi.

Nakwelyuhan na agad ni Jared si Vince bagay na ngayon ko lang nakita.

"the fuck is wrong with you man!!?"

"Jared please, just please let's go! Vince pasensya na aalis na kami."

Hinila ko na si Jared palabas sa Bar na iyon bago pa magkaroon ng gulo. Nakokonsensya ako dahil ganito ang kinahinatnan ng pagpunta namin sa lugar na ito. Magkaibigan sila pero nang dahil sa akin ay nangyari ito.

Talagang nagulat ako ng pagdating namin sa kotse nya ay sipain nya ito.

Naluluha man pero pinilit kong magsalita.

"Babe, please I'm so sorry."

"Hindi kita maintindihan Marielle, dinala kita dito kasi alam ko na mag-eenjoy ka sa banda at hindi sa kanya. Kanina ko pa napapansin ang pagtitig mo sa kanya, tell me huh! Gusto mo ba sya?!"

Hindi ko inaasahan ang biglaang pagsigaw nya sa akin dahil sa dalawang taon naming magkaibigan ni Jared ay ni minsan hindi ko sya narinig sumigaw, palagi lang syang nakangiti at kalmado pero ngayon iba.

Mabuti na lamang at walang ibang tao ngayon dito sa parking dahil kung hindi ay talaga namang mahihiya ako sa hitsura ko, hindi ko mapigilan ang luha sa  patuloy na pagbagsak nito.

Napatingin sya sa akin ng marinig nya ang paghikbi ko, parang batang pinagalitan ng kanyang ina. Natauhan sya at biglang lumapit sa akin sabay yakap sa akin ng mahigpit.

"Sshhh, I'm so so sorry babe, nabigla lang ako. Please I'm sorry kasi umiiyak ka ngayon ng dahil sa akin."

"I'm sorry din, huwag ka ng magselos okay?"

"I won't. Just promise me not to go near him. Avoid him."

Nagugulat akong napatingin sa kanya pero sumagot pa rin ako kahit may pag-aalinlangan.

"I p-promise." nauutal na sabi ko.

Ngumiti lamang sya.

"I'll take you home. Saka na lamang kita dadalhin sa condo."

Pinagbuksan nya na ako ng pinto at pumasok na ako sa loob.

Gusto ko pa sanang magtanong kung bakit pabalik na kami gayong maaga pa naman. Pero siguro ay apektado pa rin talaga sya sa nangyari kaya naman pinili ko na lang huwag magsalita.

Sa byahe pauwi ay tahimik lamang ako, napapatingin lamang ako sa kanya sat'wing pipisilin nya ang kamay ko na hawak nya.

Hindi ko mapigilang hindi mag-isip ng mga bagay-bagay katulad na lamang ng, kung tama ba ang desisyon kong ipagpatuloy ito, kung tama bang umabot kami sa pagiging magka relasyon o dapat ay nanatili na lang talaga kaming magkaibigan, tutal ay mas madali iyon at mas magtatagal at napapaisip rin ako kung talaga bang kilala ko na si Jared sa dalawang taon naming pagkakaibigan.

She's A Late BloomerWhere stories live. Discover now