CHAPTER 2: Saging

13 5 1
                                    

"Hahahaha lampa mo kahit kelan!" tignan mo nga naman tong kupal na to sa halip na tulungan ako tinawanan pa ayos - _-

It's sunday today kaya naman kakagaling lang namin sa Church at dumeretso na kami sa palengke para bumili ng mga kailangan para sa pananghalian.

"Eh kung tinutulungan mo kaya ako tumayo dito eh no! Aray ang sakit ng pwet ko pisti"

Kapag minamalas ka naman talaga oh, nadulas lang naman ako dahil sa pesteng balat ng saging at itong magaling kong pinsan na si Sharina eh tinawanan lang ako.

"Hahaha eh nakakatawa naman kc talaga pffft hahaha sige na nga tayo ka na jan agaw pansin ka eh lakas ng lagapak amp Hahaha"

"Huwag na hiyang hiya na ko sayo! Bahala ka nga jan bitbitin mo lahat yan ah nyeta ka"

"Hahaha eto naman para binibiro lang eh ang ganda ganda mo pa naman tapos sisimangot ka lang"

"Talaga?"

"Oo kaya. Sobrang ganda mo kaya tutulungan mo ko dito dahil maganda ka" pang-uuto nya pa habang nakangisi na nakakaloko.

"Ha! Akala mo mauuto mo ko, buhatin mo yan mag isa."


"Oh pinsan andyan  kana pala Hahaha lakas mo ah, akalain mo yun nakaya mo buhatin yun"

"Tse! Di tayo bati"

"Wowwww ah makainarte?! Ganda ka? Baka nakakalimutan mong kasalanan mo rin naman kung ba't kita iniwan. Napahiya kaya ko don - _-

" Hahaha sabi ko nga bati na tayo hehe ikaw naman bati na tayo ah tutulungan mo pa ko sa thesis eh"

At ayun nga pagkatapos naming kumain ng tanghalian eh tinulungan ko na sya gawin yung thesis nila.

Nandito kami ngayon sa may sala  nagmumuni-muni char, we're watching kdrama

Si tita naman natutulog sa kwarto nila ni tito kc kakatapos lang maglaba kaya kaming dalawa lang dito sa sala. Yung pinsan ko kcng isa eh nakipag date don sa kabet nya este sa jowa nya Hahaha dami kcng babae kaya nalilito na ko.


"pinsan,"

"Oh? "

"Natatae ako"

"baket mukha ba kong inidoro?"

"oo"

Lumingon sya saken nakakunot ang noo at nakakatakot tumingin.

"Hahaha biro lang.

" Hindi nakakatawa" ganyan yan eh, mapang-asar pero pikon naman kapag sya na inasar.

"pinsan," pfft Hahaha nakakatawa hitsura nito parang kakainin na ko, ayaw nya kc na naiistorbo sya sa pinanonood nya.

"Ano nanaman ba!?"

"Oh chill, galit na galit gusto manakit?!"

"papansin ka eh noh!? Palibhasa walang jowa"

Anak ng tupa,

"wow nagsalita ang may boypren!?"

"ha! meron ako no ikaw lang naman wala eh."

"Ah ganon ah, MAMAAA----"

Tinakpan nya bibig ko hahahaha takot lang neto

"Ano ba kc yun? Kainis naman to eh kitang nanonood ako"

"Eh kc alam mo ba nung araw na nag apply ako!?

" Hindi"

"Malamang hindi kc ikukwento ko pa lang epal ka eh. Kc meron akong nakasabay sa elevator non, sa ayun nga I'm not sure kung applicant din ba sya oh ano pero feeling ko applicant din sya."

"Oh anong meron don?!"

"Heto na nga, wag ka muna kc sumingit nagkukwento pa ko eh. So ayun nginitian ko sya tas binati ko ng good morning tapos tinanong ko nga if applicant sya tapos sabi nya naman oo daw, tapos ayun sabi ko" goodluck" hindi ko naman expected na babatiin nya rin ako pabalik kc unang tingin ko sa kanya mukhang seryoso ganun pero binati nya ko nakakakilig lang este nakakainis" I pouted.

"wag ka nga mag pout jan mukha kang suso', hahaha oh eh ano naman nakakainis don eh kamo binati ka rin naman?

" Nakakainis sya kc alam mo yun ang gwapo nya pero masyado syang mayabang! Matapos nya ko pakiligin eh ininsulto nya ko. Alam mo ba sabi sya?

"Ano?"

"Good luck and goodbye walking pimple," panggagaya ko pa sa sinabi sya.

"HAHAHAHA ayos yun ah! Kapag nakasama mo sa work kaibiganin mo ha, tas ipa kilala mo ko mukhang magkakasundo kami."

Whaattttt?!

"Ha!? Nakakainis ka!! isusumbong talaga kita kay mama! At tsaka ako kakaibiganin yun? Ew lang ha! Hindi ako nakikipag close sa mayabang noh!

" Tsk, sus baka mamaya hindi lang kaibigan gawin mo eh, baka ka-ibigan hahaha"

"Asa, hindi ako magugustuhan non sabi nya nga diba walking pimple!"

"Hahaha, nakakatawa ka pinsan"

"Oh bakit naman!?

" eh mukha kang bata eh. Halatang gusto mo syang magkagusto sya Hahaha. "Asa, hindi ako magugustuhan non sabi nya nga diba walking pimple!" mocking me.

The fuck, why the hell did I say that?

"Sus, mali ka lang nang interpret sa sinabi ko. Well, nagsasabi lang naman ako ng totoo. Yung mga ganon na lalaki high standard. Gusto non yung makinis, matangkad, big boobs and butt, maganda at higit sa lahat walang tigiyawat!"

"Paano mo naman nalaman?"

"Ah basta, kita mo naman si Carolyne diba yung best friend ko anong nangyari?! Iniwan ng boyfriend kc mas sexy sa kanya at mas maganda yung ipinalit kingina akala mo naman ang gwapo nun mukha naman tuko."

"Masyado ka lang nagiging judgmental" chill, hindi ka naman ganyan ah, ikaw pa nagsabi sakin na huwag agad mag judge diba, masyado ka naman atang inis sa lalaking yon! Hahaha malapit ko nang isipin na nacrush at first sight ka don hahaha"

"Ew anong crush at first sight sinasabi mo jan!? Baduy!

" Malay mo naman diba, what if magkagusto sya sayo? Alam mo kc maganda ka naman pinsan, mabait matalino at may pangarap sa buhay may tigiyawat nga lang sa noo Hahaha"

"bwiset, pupuriin tapos lalaitin din sa huli. Saya ka na non?!

" Hahaha oo naman sobra."

"tsk, di mangyayari ang sinasabi mo alam mo yung salitang imposible? Ayun yon!

" oh sige, panalo ka na---ngayon. tignan lang natin sa huli Hahaha. "

" Tsk sige na pwede mo na ituloy panonood mo walang kwentang kausap!"

" Wow, matapos mo ko istorbohin diba pwedeng salamat matanggap ko dahil pinakinggan ko mga litanya mo?

" edi salamat!" bulong bulong ko.

"ha?"

"hakdog"

Tsk ang daming sinasabi pero teka napapaisip ako sa sinabi ng babaeng to. Paano kaya kung magdilang anghel tong isang to? Hays! Imposible hindi mangyayari yun sabi nga ni Tob sa kwento ni maxinejiji, malabo pa sa blur.


She's A Late BloomerWhere stories live. Discover now