CHAPTER 17: Always and Forever Baby

14 3 2
                                    

"I love you"

"I love you more" tiningnan nya ako sa paraang kahit sinong babae ay papangarapin na matingnan ng ganoon, na parang ikaw na ang pinakamagandang babae sa lahat, na tanggap ka sa kahit anong bagay na pinili mo para sa sarili mo.

Hindi ko akalain na magiging ganito pa ako kasaya pagkatapos ng nangyari sa amin ni Jared. Masakit na nauwi sa ganoon ang aming pagkakaibigan pero kung ipipilit ay lalo lamang kaming magkakasakitan.

Ginawa ko ang lahat upang ibalik ang dating ako, yung masayahin at handa sa anumang ibabato sa akin ng tadhana. Kasabay nito ang unti-unting pagbabago sa aking sarili magmula sa  pananamit, pag-aayos sa sarili hindi dahil may gusto akong patunayan sa iba kundi dahil alam kong kailangan ko iyon dahil kahit ako ay  hindi tanggap ang sarili ko, ang bagay na gusto kong manggaling sa iba ay sa sarili ko lang mahahanap at ito ay ang pagtanggap.

Isang taon na rin ang nakalipas simula nang mabigo ako sa una kong pag-ibig. Noon ay nagalit ako kay Jared dahil sa pagkakamali nya ngunit inaamin kong maging ako ay may pagkukulang rin kung bakit nauwi sa ganon ang lahat.

Pero hindi ko alam na ipagpapasalamat ko pa pala ang nangyaring iyon dahil kung hindi nangyari ang bagay na iyon ay hindi posible ang ganito kasayang pakiramdam kasama ang lalaking pinaparamdam sayo ang tapat at nararapat na pagmamahal.

"Anong iniisip mo?"

"Na swerte ka kase ang ganda ko" biro ko sa kanya.

"Simula ng naging tayo, nakatatak na sa pangalan ko ang salitang swerte, malalim at di na mabubura." Ngiti lamang ang isinagot ko sa kanya.
Pinisil nya ang kamay naming magka hawak.

"Someday, I'll marry you."

"Gaano ka naman kasigurado na papayag ako?"

"Hindi kita pipilitin sa panahon na tanggihan mo ako pero hindi ako mapapagod sumubok hanggang sa pumayag ka at pakasalan ako dahil ikaw lang ang babaeng gusto kong makasama hanggang sa pagtanda ko."

Ako yung swerte sa lalaking ito. Hindi ko masasabing sa lahat ng pagkakataon ay palagi kaming nagkakasundo pero sa lahat ng pagkakataon nararamdaman kong nirerespeto nya palagi yung desisyon ko, iniintindi at buong pusong tinatanggap. Ganoon rin naman ako sa kanya dahil natuto na ako sa mga pagkakamali ko. Alam kong bago pa lamang ang relasyon na ito at wala pang matibay na pundasyon pero alam kong kahit ano pang pagsubok ang dumating, hindi kami maghihiwalay.

"Promise me, you won't leave me."

"I'll never do that. I can't stand a day not seeing you, imagine what I would become if I lose you.

" I love you"

"I love you" tinignan nya ako sa mga mata hanggang sa tuluyan na itong pumikit at magdampi ang aming mga labi.

Sa ilalim ng buwan at mga bituin, naramdaman ko ang tamis at buong pusong pagmamahal na sa kanya ko lamang naramdaman.

Hindi ko makakalimutan yung panahon na dito sa mismong Park na ito sya unang umamin na mahal nya ako, at doon ko rin unang tinanggap sa sarili ko na mahal ko na rin sya.

Kapag naaalala ko ang kahapon, napapangiti na lamang ako dahil sa kabila ng lahat ng nangyari ay nandoon sya para damayan ako.


"Hey"

Matapos ang nasaksihan ko ay dinala ako ng mga paa ko sa lugar na ito, sa lugar na sa iba ay maingay ngunit pakiramdam ko dito ko mahahanap ang katahimikan.

Katatapos lang nila tumugtog at simula ng tumugtog sila hanggang matapos ay hindi nawala ang paningin nya sa akin.

"Sobrang panget ko ba talaga para gaguhin ng ganito?" Hawak ang isang bote ng alak, lumuluha ang mga mata ay nilagok ko ito at gumuhit sa aking lalamunan ang pait.

She's A Late BloomerWhere stories live. Discover now