CHAPTER 12:Girlfriend nya Na Ako?

9 4 2
                                    

Hindi ko alam kung ano ba ang dapat kung gawin ngayon. Minsan iniisip ko kung tama bang pumayag ako na magpaligaw kay Jared, o dapat ay nakuntento na lamang ako sa kung saan kami magtatagal at yun ay ang manatiling magkaibigan.

Pero napapaisip din ako na sa mga pagkakataong yun, sigurado ako. Mahal ko sya at matagal ko nang hinihiling na mapansin nya ako, hindi bilang kaibigan kundi bilang isang babae. Pero ngayon ewan ko, parang biglang nagbago ang lahat.

Tama bang mag-isip ako ng ganito gayong napaka unfair nito sa part ni Jared, at hindi ko rin maintindihan ang sarili ko dahil sa maikling panahon ay iba ang idinulot sa akin ng taong hindi naman ako mapapansin.

Mali ito, mali na mag-isip ako ng iba.   I should only love Jared. Because I don't want to loose our friendship when this thing didn't work out.

Even if we promised to stay bestfriends no matter what happened iba pa rin yung wala akong ginagawa para magka problema at masira kami kaya dapat sya lang ang iniisip ko.

Sayang lang ang pagpayag nila Tita sa bagay na ito kung magpapadaig ako sa mga iniisip ko.

"Tulala ka nanaman."

"Ahh wala, nadala lang ako sa palabas."

"Bakit iniisip mo bang ikaw yung babae sa palabas?"

"Hindi no! Haha Hindi ako iibig sa iba habang minamahal ko ang kaibigan ko"

Napakagaling kong sinungaling dahil nakaya ko pang makipag eye to eye contact sa kanya. Sapagkat tumutugma ang palabas sa anumang nararamdaman ko ngayon, nananadya. Mali na ito ang napili naming panoorin.

Sabado ngayon at nagyaya si Jared lumabas. Kaka sweldo ko lang naman kahapon kaya pumayag na ako. Sagot ko ang snacks namin sa sinehan. Ayaw nya pa nga kasi sya daw nanliligaw pero pinilit ko sya, kahit ngayon lang gusto ko ako naman ang manlibre. Ganito kaming tatlo noon eh. Si Carolyne, Jared at ako. Speaking of that girl, nakakamiss na sya. Tagal na naming di nagkikita kasi masyado syang busy sa buhay nya since she's just living alone so she needs to buy things from her own earnings. I understand it because we still communicate naman kaya hindi pa rin kami outdated sa nangyayari sa isa't isa.

Nang matapos ang palabas ay mas lalo lamang nadagdagan ang mga isipin ko. Hindi ko maiwasan ikumpara ang sarili ko sa bidang babae, sa huli kasi ay pinili nya ang babaeng kakakilala pa lang nya kesa sa lalaking matagal nya nang mahal. Sa huli ay na realized nyang nasanay lang pala talaga syang sa best friend nya lang yung atensyon nya kaya ang iniisip nya ay obligasyon nyang sya lang ang mahalin na hindi naman dapat, kasi ang pagmamahal ay kusang loob na nararamdaman sa isang tao.

Napabuntong hininga ako. Hindi ko dapat iniisip ang mga gantong bagay dahil palabas lang naman iyon.

"Kanina ka pa napapabuntong hininga dyan, may problema ba?"

"Ah-m w-wala noh hehe"

"Manliligaw mo ako pero baka naka kalimutan mong best friend mo rin ako kaya alam ko kung okay ka or may gumugulo sa isip mo. Kung hindi ka pa ready magsabi ngayon ay naiintindihan ko. Nandito lang ako kapag ready ka na mag kwento" He smiled innocently.

Lalo akong nilamon ng konsensya ko, wala syang kaalam-alam sa mga iniisip ko at sigurado akong iba ang sasabihin nya kung sakaling malaman nya ang iniisip ko. Sino nga ba naman ang matutuwa na malamang ang taong kasama mo at pinagtutuunan mo ng pansin ay iba naman ang iniisip? Iniisip ko nga kung di ba sya nakakahalata o itinatago nya lang eh.

Pagkatapos namin manood ng sine ay nagpaalam muna ako papuntang rest room sya naman ay nagpasyang hintayin na lamang din ako sa labas. Pagka labas ko sa cubicle ay nagsuklay lang ako at lumabas na. Hindi ko inaasahan ang makikita ko sa labas.

"Haha! Nice bro, so kita kits na lang!"

"Babe," Tinawag ko si Jared para mapunta sakin ang atensyon nya.

Napatingin sakin si Yabang at ayun nanaman yung mga tingin nyang nakakatunaw at may tipid na ngiti na akala mo ay nakakaloko.

"So, anong pinag-uusapan nyo?"

Napatingin sa akin ang babaeng kasama nya, iba ito sa babaeng kasama nya last time. Mukha namang mabait yung kasama nya kasi nginitian ako at bukod don ay maganda rin sya, kaya lang compare sa kasama nya last time ang babaeng ito ay mas fair ang kulay ng balat, matangkad sya pero mas matangkad yung isa, at parehas silang sexy. Walang wala ako sa mga babaeng nakakasama nya. Tsk hindi ko alam na isa pala syang playboy! Well paano ko malalaman eh hindi naman kami close.

"Ito kasing si Vince, inaaya akong manood sa banda nila, they're performing sa bar malapit sa condo ko. So isasama kita!"

"Okay, babe"

Sinabi ko yun ng nakatingin kay Yabang.

"So kelan ba yan?"

"Tomorrow, 7pm"

Sagot naman ni Yabang. Kanina pa tumitingin lang sakin yung kasama nyang babae, parang hinihintay na ipakilala sya. Seriously? Hindi ba marunong ang lalaking ito na mag-introduce ng mga babaeng nakakasama nya. Mayabang talaga.

Kung nasa matino akong pag-iisip aayaw ako sa sinabi ni Jared. Lalo pa't ni hindi pa nga ako nakapunta sa isang bar. Pero hindi ko maintindihan sa sarili ko kung bakit ganon na lamang kabilis ang pagpayag ko. Parang sa kaloob-looban ko gusto ko syang makita magperform. Tama nga ang hinala ko, may banda nga sya.

Kasasabi ko lang na mali ang mag-isip ng ganito pero heto nanaman ako.

"So paano, mauuna na kami. Enjoy your date."

Nakita ko ang reaksyon ng babaeng kasama nya, kita sa mata nya yung kilig. Babae rin ako kaya alam ko.

Bakit ba hindi ko sya napansin kanina ng pumasok ako ng restroom? Tsaka bakit palagi na lang sa restroom ko nakikilala ang mga babae nya. Ano sila Banyo Queens?

"Enjoy your date as well." He said.

Yun lang at nauna na kami.

"So, may gusto ka pa bang gawin? Or hatid na kita pauwi?

"Kilala mo ba yung babaeng kasama nya?"

Nagugulat syang napatingin sa akin pero kita ang pagdududa sa mata nya ng yon ang isagot ko sa tanong nya.

"Her name is Samantha,why are we talking about them anyway?

"Ahh sorry, don't mind it. Hatid mo na lang ako pauwe" I apologetically said.

Tahimik ako sa byahe at kita naman sa kanya ang pagpipigil na magtanong kung ano ang bumabagabag sa akin.

Pagkarating ng bahay ay pinark nya na ko at bumaba na, hindi na hinintay pang pagbuksan nya ako, bumaba rin sya at sumunod sa akin.

"May problema tayo."

"Huh?"

"Sabi ko may problema tayo."

"Ano ka ba, walang problema. Okay lang ako." Pagkumbinsi ko sa kanya.

"Ako, hindi ako okay. Kanina ko pa mapapansin na may kakaiba eh, kasi sa nakikita ko parang hindi ka masaya sa mga ginagawa ko. May dapat ba akong gawin? Or may ayaw ka ba sa mga ginagawa ko? Sabihin mo lang sa akin kasi handa akong gawin lahat para sayo Marielle, lahat lahat para sayo."

That hit me so hard! Ayun nanaman ang konsensya ko kasi nakikita ko sa mga mata nya yung sakit at lungkot.

"Sorry, sorry Jared kung nasasaktan kita pero ayos lang talaga tayo. Ayos na ayos tayo kasi sa totoo lang mahal kita at masakit sakin na makita kang nagkakaganyan. Mahal kita Jared"

Hindi ko alam kung ako lang ba iyon pero iba ang tunog ng mga salitang iyon sa pandinig ko, at hindi ko rin maintindihan kung bakit ko sinabi iyon.

Nagulat ako ng bigla nya akong yakapin at pagkatapos non ay nagsusuntok sya sa hangin.

"Mahal mo rin ako? So ibig bang sabihin nito ay tayo na? Girlfriend ko na ang best friend ko! Yes!"

Wala ako sa sariling napatingin na lamang sa kanya,

girlfriend nya na ako?

She's A Late BloomerWhere stories live. Discover now