Chapter 1

8.8K 238 14
                                    

"You take care, okay? I will miss you baby..."

Napangiti nalang ako sa sinabi ni Mom. She is hugging me tightly na para bang ayaw na niya akong paalisin, pero hindi pwede.

"Mom... I will visit you here, okay? When I got vacant time." Sabi ko para pagaanin ang loob niya.

When she released from the hug, si Dad naman ang niyakap ko.

"Take care, honey." Napahagikgik nalang ako.

"I will Dad."

"Para namang isa lang ang anak niyo! Andito pa ako oh!" Isang malakas na boses ang bigla nalang sumingit na ikinasama ng timpla ko.

That's Keith Adeous. That man... Panira kahit kailan. Mabuti nalang talaga kahit kambal ko siya, hindi kami magkamuha.

Inis na hinarap ko siya na ngayon ay nakangisi lang saakin habang nakatayo sa tabi ni Mommy. Nakapalibot ang braso niya sa balikat ni mom.

"Tch. Hindi ka kasi nila love." Pang-aasar ko, pero mas lumawak lang ang ngiti niya.

"Its okay. At least dito pa rin ako habang wala ka. Edi I can make them love me."

"Nyenye..." Inis na balik ko at nakangiting binalingan sina Dad.

I kissed both their cheeks bago ako humarap sa kakambal ko. Walang pasabi kong sinapok ang ulo niya at agad na tumalikod para humabang palayo.

"That hurts!" Pahabol na sigaw niya pa na hindi ko na pinansin.

The car is already waiting for me outside. Ito kasi ang araw na papasok ako sa isang totoong University.

We were home schooled. Ako pati ang kakambal ko, pero dahil na rin sa mommy namin, napilit niya si Dad na pag-aralin kami sa totoong paaralan. She wants us to experience a normal life habang bata pa raw kami.

And I also want that.

Na kabaligtaran sa kapatid ko. Mas gusto niya kasing manatili sa pack at mag-sanay para sa future. Dahil siya na ang next na magiging Alpha ng pack. And si Dad naman, soon to level up na sa position ni Lolo Dad. Ang pagiging Wolf King.

Pero hindi ko lang sigurado kung kukunin niya ba iyon. He said he doesn't want it. Well, Lolo dad's still in the good shape. Kaya mukhang hindi pa kailangan problemahin iyon.

Pagkasay ko sa kotse, ibinaba ko ang bintana at saka sila kinawayan.

My family... I will miss them, surely.

Nakatanaw lang ako sakanila hanggang sa unti-unti na silang mawala sa paningin ko. Isinara ko nang muli ang bintana atsaka ako dumiretso ng tingin.

It's my first time na lumabas ng mansyon. Lalong-lalo na ang makalabas dito sa gubat. And knowing na sa city ako mag-aaral, nakaka-excite.

Humilig nalang ako sa tabi ng bintana at hinayaan ang sarili ko na makuntento sa katahimikan.

Oras ang ginugol namin sa byahe hanggang sa makarating kami sa cyudad. Puro naglalakihang mga buildings yung bumungad saamin. Nakipag-sabayan kami sa mga sasakyan na hindi mabilang. And the people... Ang dami nila sa sidewalk. Hindi ko tuloy maiwasang sundan sila ng tingin kapag nadaraanan namin sila.

"Manong, saan po tayo pupunta?" Tanong ko sa driver na kinuha saakin ni Dad para ihatid dito.

Sinilip niya ako sa rearview mirror, at nagtakha naman ako sa itsura niya. Ngayon ko lang kasi napansin na ang bata niya pa para maging manong.

Akala ko ba matanda ang kinuha saakin ni Dad?

"Sa tutuluyan niyo po." Sagot niya saakin bago muling idiretso ang tingin.

The Vampire King's FavoriteWhere stories live. Discover now