Chapter 2

6.7K 195 13
                                    

"How old are you?"

Iwas na iwas ang tingin ko sakanya habang panay naman ang tanong niya saakin. We are now here in his study room, with only books around us kaya hindi ko maiwasang kabahan.

"I'm 21..." Mahinang sagot ko pero sapat na para marinig niya.

I saw him nodding his head.

"Still young... Yet enough for me."

Agad na nangunot ang noo ko sa sinabi niya. Pero iniba niya naman na agad ang usapan.

"So what can you say about our house?"

Napangiwi ako nang marinig ang salitang 'our' sakanya. Para kasing masyadong unusual. Like, how can this be our house? I don't even know him...

"Uhm... Ang totoo po kasi, apartment talaga dapat ang tutuluyan ko. I should be there by now. Baka magtakha na ang landlady at makarating pa kina Dad ang delay ko." Mahabang paliwanang ko sakanya. Nagdarasal na sana ay paalisin na niya ako.

Since he came, he let the maids guard my every move. Pagdating niya kasi sabi niya ay may gagawin pa siyang importante. At iniwan niya saakin ang sandamakmak na mga maids. And it's so suffocating. Doesn't he know that?

"No worries. I've spoke with your Lolo Dad. He asked me to let you stay here and said that he already told your parents about it." Sabi niya na ikinataas ng tingin ko sakanya.

A grin is playing on his lips while his eyes are fixed on me. Para bang enjoy na enjoy siya na titigan ako.

"And how did you knew my Lolo Dad?" Naniningkit matang tanong ko, but he just answered me with a shrug.

Itinaas niya ang dalawang paa niya sa lamesa na nasa pagitan naming dalawa na ikinasama ng tingin ko sakanya.

How rude.

"Excuse me? Pwede bang pakibaba ng paa?" Hindi ko na napigilang sabi ko sa pataray na tono.

But this guy just laughed at me at hindi man lang ibinaba ang kahit isa lang sa paa niya. Gigil na napatayo nalang ako na ikinasunod ng tingin niya saakin.

"Okay fine. Our conversation is over, bye."

Agad na tinalikuran ko siya at nagsimula na akong maglakad papalayo. I don't want to stress myself. Tomorrow, papasok na ako. Kaya dapat ang ginagawa ko ngayon ay mag-relax. Mom said that college is hard and I should ready myself.

Pagkabukas ko ng pinto ng kwarto ko, air passed through me na parang may mabilis na dumaan. Nagkibit-balikat nalang ako bago tuluyang pumasok. I closed the door shut bago mapatingin sa kama ko.

At halos lumuwa na ang mata ko sa nakita kong taong nakahiga doon ngayon.

"What are you doing here?!" Iritang bulyaw ko sa lalaking prenteng nakahiga sa kama.

He didn't even bother to look at me. Nanatili siyang nakahiga sa kama na para bang sakanya iyon.

Sinasabi ko na nga ba... Something's strange with him. Paano siyang nakarating dito, eh iniwan ko siya sa study room. Hindi na ako nagdalawang-isip pa at agad na lumapit sa kama.

Without thinking twice, mabilis na hinatak ko ang paa niya hanggang sa nahulog siya sa sahig. That made a loud thud as he groan.

I may not be a full-blooded werewolf, but I came from the legendary pack. Power runs in our blood at hindi ko hahayaang ganituhin lang ako ng isang lalaki. Even my brother can't do this to me.

"Get out!" Sigaw ko sakanya habang nakapameywang pa. But he just smirked at me.

Kumuha ako ng isang unan at buong pwersa iyong isinupalpal sa mukha niya. Wala na akong pake kung masyado kong nalakasan, mukha namang wala lang iyon sakanya.

The Vampire King's FavoriteOnde histórias criam vida. Descubra agora