Chapter 11

2.9K 103 2
                                    

"The guts of that man! Argh! Ang sarap niyang tirisin!"

Napangiwi na lang ako nang marinig ang reklamo ni Sam. Kanina pa siya iritang-irita at panay ang kwento tungkol sa isang lalaki raw na bigla na lang tumawag sakanya at hindi na siya tinigilan.

I kept my mouth shut. Parang nakakatakot sabihing kakambal ko ang kausap niya. What would she do if she knew na ako ang nagbigay ng number niya sakanya? She'll probably kill me.

"Here he goes again!"

Agad naman na napatingin ako sa phone niya na panay vibrate sa itaas ng lamesa. We are now in the cafeteria to take our break. Napailing naman ako dahil don.

My twin is so persistent. Walang kadala-dala.

"Let me talk to that man." Sabi ko na ikinatingin niya saakin.

"You sure?" At tinapunan niya ako ng isang alanganing tingin na para bang pagde-defuse ng bomba ang gagawin ko.

Napatawa ako at agad na inabot ang phone niya. Mabilis na sinagot ko ang tawag at tinapat sa tenga ko ang phone.

["Good noon, baby."]

Malapit na akong masuka sa sinabi ng kakambal ko. I never knew he could be this flirty. Ang alam ko lang, madalas siyang bumisita sa pack para manlandi. Napairap na lang ako sa hangin. Nakita ko naman na abang na abang si Sam sa sasabihin ko.

Tumikhim naman ako para tanggalin ang bara sa lalamunan ko.

"Hello. This is Samantha's friend." Panimula ko. Narinig ko naman ang mahinang tawa niya sa kabilang linya.

["Oh it's you. What now, sis?"] Mapaglarong sabi niya. Mabuti nalang talaga at hindi naka-loudspeaker.

"I just want to tell you to stop pestering my friend." Sabi ko na may tinatagong pagbabanta sa tono.

Narinig ko naman ang halakhak niya. This man... So hard-headed.

["Come again? I can't hear anything."] Napairap naman ako sa sinabi niya.

I looked at Sam and muttered something na talagang hindi niya maririnig. But I'm sure that my twin heard it.

"I'll tell mom about this if you don't stop." Pagbabanta ko.

Nakita ko naman ang pagkunot ng noo ni Sam. I just smiled at her. Then I heard by twin's sigh.

["Whatever, sis."] At pinatayan na niya ako ng linya.

Nakangiti ko namang binalik kay Sam ang phone niya. Lahat ng tao sa bahay... Tiklop kay Mommy. Lalo na kapag tungkol sa panlalandi nanaman ng kakambal ko sa hindi niya mate. My mom suffered because of that at ayaw niyang mangyari iyon sa ibang tao.

"What did you tell him?" Mausisang tanong ni Sam na ikinangiti ko nalang.

"Wala. Sabi ko kakasuhan ko siya kapag hindi ka pa niya tinigilan." Sabi ko na ikinatango niya naman.

We started eating and went back to class after. It's the time when the professor announced na open na ang registration for every sports club that we want to join. Kaya naging half-day lang ang pasok namin, and all we did in the afternoon is to register.

"By the way, do you want to start practicing already? Para makasabay ka sa training ng team next week." Sabi ni Sam na mabilis kong ikinatango.

I'm aching to train. Nakausap ko na ang kambal ko tungkol sa strengths ng palo ko. And I must admit na kailangan ko pa ng mas matinding self-control. Medyo malakas raw kasi ang palo ko, partida ang kakambal kong kalahating lobo ang mismong nagsabi. Paano nalang kapag normal na tao na ang sumalo ng palo ko?

The Vampire King's FavoriteWhere stories live. Discover now