Chapter 13

2.6K 105 2
                                    

"We lost the game..."

Agad na nalungkot ako nang marinig ang sinabi ni Sam. Dinalaw niya ako rito sa clinic pagkatapos na pagkatapos ng game namin--- I mean, nila.

Napayakap ako sakanya nang maramdaman ang sobrang lungkot niya.

"It's okay... We still have the chance. May finals pa. Kailangan lang natin manalo ulit at ipagdasal na matalo ng kahit isang beses ang Business Ad." Sabi ko at marahang hinagod ang likod niya.

I heard her sob na agad ikinataranta ko. I felt her wrapping her arms around me.

"I'm so sorry... Sorry talaga. I didn't mean it. I was not prepared when the ball suddenly---"

"Shh... It's okay, Sam. Malayo sa bituka." Sabi ko at dahan-dahang kumalas sakanya.

I wiped her tears and stared at her teary eyes. Napangiti ako dahil don. I never knew she'd be this vulnerable. All I know is that she's a strong woman, yet she's crying right now dahil sa laro at sa nangyari saakin.

"But we lost the game..." Iyak niya pa. Napanguso naman ako dahil don.

"I said it's okay. Babawi tayo." At malawak ko ulit siyang nginitian.

She stared at me for awhile bago ko muling nakita ang ngiti niya. Inabot niya ang ilong ko na agad kong ikinapiksi. Agad na sinamaan ko siya ng tingin.

"It still hurts, you know!" Reklamo ko na tinawanan niya lang.

Sabay namang napatingin kami sa pintuan nang bumukas iyon. Lucy entered the room, and next to her is the vampire.

Napakunot ang noo ko dahil don. What's with them two? Really?

Agad namang tumahimik si Sam at sumimalmal ang mukha. Napailing nalang ako at hinintay na makalapit saakin si Lucy. She immediately hugged me na bahagya kong ikinangiti.

"Sorry talaga, Theia... Hindi ko naman alam na mapapalakas ang palo ko." Sambit niya at humiwalay na sa yakap.

Napatango ako sakanya.

"It's okay."

"No it's not." Agad na pinanlakihan ko ng mata si Sam na inirapan lang ako.

I then glanced at the vampire na tahimik lang sa isang tabi. Bumalik naman kay Lucy ang paningin ko at pasimple akong napatingin sa leeg niya. And to my surprise... May bago nanaman siyang sugat.

Still like the other time. Mukhang kagat ng bampira.

Napalunok ako at iniwas nalang ang paningin ko sa leeg niya.

"By the way, congrats sa game." Bati ko sakanya na ikinangiti niya.

"Thank you... And I'm really sorry." Napatango nalang ulit ako sakanya.

We stayed in the clinic for an hour bago namin napagpasyahang umalis. Lucy left us earlier, just ahead of 15 minutes.

Hindi ko naman maiwasang manghinayang. I've waited for this at pinaghandaan ko ng sobra... Tapos hindi ako makakapaglaro for 3 days?

"You sure kaya mo na?" Nag-aalalang tanong ni Sam na ikinatawa ko.

"Yes, mom. Kaya ko na ho." Pagbibiro ko na ikinairap niya lang.

I chuckled at napatingin sa tahimik na bampira na naglalakad pasunod saamin. I stopped at bahagya siyang hinarap.

"Hey. Can I just wait for you in the gate?" Sambit ko na ikinatingin niya saakin.

He sighed tapos ay tumango. Napangiti naman ako at muling lumakad kasabay ni Sam. We parted ways with the vampire. Tumuloy kami sa gate samantalang siya naman ay dumiretso sa parking lot para kunin ang sasakyan. Soon as we stepped outside, nagpaalam na si Sam dahil nandyan na ang sundo niya.

The Vampire King's FavoriteWhere stories live. Discover now