Chapter 24

2.3K 96 5
                                    

Nanatili ako sa loob ng kwarto ko hanggat hindi tumitigil sa pagkatok ang asungot mula sa labas.

I'm already running late for my first subject... But who cares? I do... Just before Lucy happened.

I was already an hour late pero may balak pa naman akong pumasok para makita si Sam. Ayoko lang na makita ang kahit na isa sakanilang dalawa... Tama na ang makita ko sila sa University lang. Sana naman ibigay na nila saakin ang oras na hindi ko sila makita kahit dito lang sa bahay na to.

Tahimik na sumilip ako sa ginawa kong siwang sa pinto ng kwarto ko at pinakiramdaman ang paligid. Coast is clear...

Malalim akong napahinga bago tuluyang lumabas ng kwarto. I am wearing my usual attire when going to school... Ang kaibahan lang, ibang shoulder bag ang dala ko. I don't want to use my old bag anymore... Nakabitan na kasi yon ng keychain na bigay pala ni Lucy.

I don't want any negative vibes to add up my already negative life in this city.

Mabilis na nagluto ako ng sarili kong almusal at hindi ginalaw ang pagkain na nakahain sa hapag. Malay ko ba na baka may lason yon...

I can't die yet.

Pagkatapos ay dumiretso ako sa garage at pumili ng susi na nakasabit sa isang key stand. It just took me a several seconds before picking up one.

Agad na hinarap ko ang mga nakahilerang sasakyan bago pindutin ang button na hawak ko.

A white car beeped.

Mabilis na lumapit ako don at agad na pumasok sa driver's seat. I made sure to bring my student's license, na si dad pa mismo ang nagproseso as a debut gift, bago tuluyang magmaneho papapunta sa University.

I was thinking on where to park the car when I passed by the near coffee shop... If I remember it correctly, meron naman yata silang parking lot dito.

Agad na niliko ko ang kotse at mabilis na nahanap ang parking lot. May nakalagay pa na 'Customer's only', pero tinuloy ko pa rin ang pag-park. Matapos non ay pumasok muna ako sa loob ng shop para kausapin ang manager.

"Yes? What can I do for you?"

Isang may katandaang babae ang malugod na sumalubong saakin. I returned her the warm smile she's giving bago sinabi ang pakay ko.

"Ahm... Gusto ko lang po sana magpaalam na gagamit po ako ng isang parking slot sa parking lot niyo. I just don't have any other place to park... Pero babayaran ko naman po ang oras ko sa paggamit ng slot."

Mahina siyang tumawa na ikinatingin ko nalang sakanya.

"It's okay dear... Estudyante ka sa University diba?" Tanong niya sabay tingin sa relo niya. I then nodded when she returned her eyes on me. "Late ka na. Wag mo nang alalahanin ang sasakyan mo."

Napangiti nalang ako at agad na nagpasalamat sakanya bago mabilis na lumabas ng shop. I started jogging towards the University and the guard welcomed me.

"Late na." Masungit na sabi niya habang tinitignan ang loob ng bag ko.

"Yes. Emergency." Sagot ko na tinanguan niya lang.

Then ID ko naman ang tinignan niya ng ilang segundo bago ako tuluyang papasukin.

Wala nang tao sa grounds ng school at kahit pa sa corridors. Mabilis na tinungo ko ang room ko at malalim munang humugot ng hinga bago kumatok.

Seconds passed before the door opened. Taas ang kilay ng babaeng professor namin na ikinangiwi ko.

"Professor, sorry I'm late."

The Vampire King's FavoriteWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu