Chapter 14

2.6K 93 10
                                    

Hindi mawala sa isip ko ang kalagayan ng ex ni Sam... He's bitten. And so is Lucy.

Hindi ako mapakali sa kinahihigaan ko at alam ko na malalim na ang gabi. All I can think of is the bite marks I've seen...

Lucy seemed okay. But Sam's ex is not. Pero mukha ring okay ang ex ni Sam bago ko siya nakitang nabaliw. And I can't imagine Lucy being like that. I think... I need to talk to her tomorrow.

Pinilit kong pumikit para makatulog na, pero hindi ako dinalaw ng antok. I just found myself picking my phone and dialing my twin's number.

It took several rings bago sya nakasagot.

["You know what? Istorbo ka."] Reklamo niya kaagad sa kabilang linya.

Hindi ko inalintana ang reklamo niya at nanatiling tahimik. I just wanted to pester him dahil hindi pwedeng ako lang ang hindi makakatulog ngayon. Good thing at may phone na siya.

["Hey! Did you just called to waste my precious time?"] Rinig ko na sambit niya nanaman at mukhang nawala na ang antok sa boses niya. Purong inis nalang.

Napangiti naman ako dahil don.

"You abnormal twin of mine. Tanggap kita and I don't want to burst your bubble but nothing's precious when it comes to you." Sambit ko. Nakatanggap naman ako ng mahinang halakhak mula sakanya.

["Tell me, cyst. Why did you called?"] May bahid na ng kaseryosohan ang boses niya na ikinangiti ko nanaman.

"Nothing. Just couldn't sleep." Sagot ko. Saglit na tumahimik siya bago ko nanaman marinig ang nakakaloko niyang boses.

["I'm open for story telling right now. But I'll be more than inetested when you talk about your friend."]

Napairap ako sa sinabi niya. Here it goes... The manwhore twin of mine.

"You know what? Ang alam ko, may boyfriend ang kaibigan kong 'yon eh." Sambit ko na hindi naman totoo.

Ex lover na mahal niya, pwede pa.

["What? And you gave her number to me?"] Iritado na ang boses niya sa kabilang linya na ikinangisi ko.

"Why so irritated, twin? Hindi ka naman niya ineentertain diba? Accept it. Hindi lahat ng babae, nadadaan mo sa landi." Pang-aasar ko pa. Nakatanggap lang ako ng mura mula sakanya at agad na niyang ibinaba ang tawag.

Napailing nalang ako at binitawan na ang phone ko. I stared at the ceiling at maya-maya lang ay unti-unti na akong dinalaw ng antok. Pestering my twin is really my pill.

NAGISING ako ng 8:16. Bumangon na ako at dumiretso na sa banyo para maligo. Pagkatapos ay dumiretso ako sa closet at napabuntong-hininga.

Hinawakan ko ang volleyball uniform ko. Hindi pa kita maisusuot ngayon.

Napanguso nalang ako bago ko balingan ang ibang damit ko. I chose to wear a high-waisted ripped jeans and a loose shirt on top. I tucked the front part in at hinayaan ang likod. Nagsuot ako ng isang plain white rubber shoes at naghanda nang bumaba.

Kalalabas ko pa lang ng closet nang makarinig ng katok sa pinto. Napapailing nalang ako bago buksan iyon. Bumungad saakin si Jessica.

"Breakfast is ready." Magalang niyang sambit na ikinangiti ko.

Hindi ko alam kung may secret camera ba sa kwarto ko, pero palaging tama ang oras ng pagpunta niya rito. Lagi na akong ready sa tuwing kakatukin niya ako na para bang kalkyulado na niya ang kilos ko.

"Sige. Susunod ako." Sabi ko na ikinayuko niya.

Nagsimula na siyang maglakad paalis na muli kong ikinapasok sa kwarto. Kinuha ko lang naman ang phone ko at ibinulsa iyon bago sumunod sa ibaba.

The Vampire King's FavoriteWhere stories live. Discover now