Chapter 8

3.4K 122 12
                                    

I was strolling down the empy corridor for my vacant time. Mag-isa lang ako dahil hindi kami same ng isang schedule ni Sam. My out is 45 minutes earlier than hers. Hindi ko naman pwedeng puntahan si Lucy dahil hindi ko rin naman alam ang schedule niya.

Kaya ito. Palakad-lakad lang ako hanggag sa naisipan ko na lang na pumunta sa cafeteria para kumain.

By going there, kailangan ko pang dumaan sa field.

I am enjoying the stroll when suddenly, I felt an unfamiliar presence behind me. May humawak sa balikat ko na mabilis kong ikinalingon. And to my surprise, hindi naman pala siya isang complete stranger.

"Hi..." Alanganing bati niya at ibinaba na ang kamay niya.

I turned around to completely face him. Ano naman kaya ang kailangan nito?

"Hi. You need anything?" Diretsong tanong ko sakanya at tipid siyang nginitian.

Nakita ko ang pag-aalinlangan sa mga mata niya na ikinakunot ng noo ko. What's with him?

"I know you don't know me... Pero alam ko na kaibigan ka ni Sam." Panimula niya na ikinatango ko.

So this is about Samantha...

"Yes. Why? May kailangan ka ba sakanya?" Tanong ko na ngayon ay tuluyan nang na-curious sa nangyayari sa kanilang dalawa.

"I just want to... To tell her I'm sorry. Can you please tell her that for me?"

Agad na napataas ang kilay ko sa sinabi niya. He's asking me to say his sorry to Sam? Bakit hindi nalang siya ang gumawa?

"Bakit hindi na lang ikaw? How sure are you na sasabihin ko nga kay Samantha ang gusto mong ipasabi?" Mapaghamon kong tanong sakanya kahit na ang totoo ay hindi na ako makapaghintay na masabi ito kay Sam.

Saglit na tumahimik siya bago niya ako tignan ng diretso sa mga mata. And in his eyes I saw... determination? For what?

"I'm not sure. But I'm taking any risk para masabi lang iyon sakanya. I'm aching to tell her that, pero hindi ko magawa." And now he sounds problematic.

"Why not?" Nagtatakha kong tanong. What's stopping him?

I can see that he's sincere and I can see that he still feels something for Samantha... Pero bakit ayaw niyang lumapit kay Sam? In the first place, ano nga ba ang ikinahiwalay ng dalawa?

"I-i... I got to go." In an instant, bigla nalang siyang nagtatakbo palayo saakin. Panay rin ang lingon niya sa kaliwa't kanan.

Nagtatakhang napasunod naman ako ng tingin sakanya. What's with the sudden move? Napalingon pa ako sa paligid para tignan kung may dahilan ba ng ikinatakbo niya, pero wala naman. The field is deserted.

Napakibit-balikat nalang ako bago muling nagsimulang maglakad. Not long enough, nakita ko na ang malaking pintuan ng cafeteria. It was a huge oak double-door and the word Cafeteria is carved in it.

Hinawakan ko ang handle ng isa at walang kahirap-hirap na binuksan iyon. The cafeteria is also made up of bricks, which made it look ancient, but when I entered the cafeteria, all sides of the room is shining and are made up of marble and tiles. There's also a chandelier in the middle that gives an elegant touch to the whole room.

Tuluyan na akong pumasok at dumiretso sa counter. The food here is like a buffet pero pwede rin namang mag-take ng order if gusto mo ng snacks lang. I wonder how they keep the foods warm and fresh.

Dumiretso ako sa counter at napatingala sa list of menu nila sa itaas.

"I would take a bottle of water, chocolate shake and carbonara." Nakangiting sabi ko sa babae na sinuklian din naman ako ng ngiti.

The Vampire King's FavoriteDonde viven las historias. Descúbrelo ahora