Chapter 38

2.1K 77 7
                                    

"I don't have things." Nababahalang sambit ni Mitchell na ngayon ay nakatunganga saakin na nag-aayos na ng gamit. Its weekend. Sakto sa pag-alis namin.

Napatawa nalang ako dahil mukha siyang nalugi. That made his expression change. Sumimangot siya at sinamaan ako ng tingin.

"You can borrow my twin's. Besides, nag-eempake lang ako dahil ayaw kong may maiwan na gamit dito. You know... This isn't my house." Sagot ko at binalik na sa pagtutupi ang atensyon.

I heard him sigh and that made me stop. Tinignan ko siya ulit at tinaasan ng kilay.

"I don't think borrowing things from your twin will give me a good impression. Baka isipin niya masyado akong feeling close, eh hindi naman niya ako kilala. He might think that---"

"Oh shut up, mate. Just keep quiet, 'kay?"

Mabuti naman at masunuring bata siya. Pinagkasya niya nalang ang sarili niya sa pagtunganga sa ginagawa ka. He tried to help, but he doesn't know how to fold. Para lang niyang nilalamukos ang mga damit, kaya pinatigil ko na.

"I'm done!" Pagpapaalam ko sakanya. "Let's eat breakfast?"

Marahan siyang tumango at tumayo na. He offered me his hand and I gladly accepted it. I like to hold him like this... But there's this weird feeling. I don't know what it is.

Sabay na bumaba kami ng hagdan at tumungo sa kusina. As always, the vampire was doing all the work and Lucy was just sitting like a queen while watching him like a maniac.

Napapailing nalang ako at dumiretso sa dining hall. I started arranging the table when Mitchell offered his help.

"Marunong ka ba?" Nanliliit matang tanong ko sakanya.

Agad naman siyang nagtaas ng noo at binigyan ako ng malawak na ngiti. Yung ngiting nagmamayabang.

"Of course! Watch and learn."

At iyon nga ang ginawa ko.

Naupo ako sa isang upuan at pinagmasdan lang siyang mag-ayos. And true to his words, he was good at setting the table. Para pa siyang professional sa paraan ng paglalagay ng pinggan at mga baso.

After everything was done, he turned at my direction and raised his brow at me. Napatawa nalang ako dahil doon.

"Yeah, yeah... Ikaw na. Hands up for you." At itinaas ko naman ang dalawang kamay ko sa ere.

"That should be hands down." Kunot-noong sabi niya.

Nagkibit-balikat nalang ako at muli siyang tinawanan. And then a sly smile appeared from his face. Napatigil ako sa pagtawa at napatitig sakanya. He stared back and we just stared at each other for I don't know how long.

Until...

"Hey lovebirds."

Sabay na napatingin kami sa bukana ng dining hall na konektado sa kusina. Lucy was leaning on the side while watching us. A smirk was plastered in her face. Agad na nasira ang mood ko dahil don.

"What now?" Tanong ko sa isang kalmadong tono lang.

She grinned wider but said nothing. Ilang sandali lang ay pumasok na ang asungot dala ang isang tray. He was silent while placing it at the table. Nakamasid lang ako sa bawat galaw niya. The room fell silent.

"Let's eat." Siya rin ang bumasag sa katahimikang dulot ng pagpasok niya.

Silently, I motioned for my mate to sit beside me. Agad naman siyang sumunod at naupo nga sa tabi ko. Ilang sandali lang at nagsisimula na nga kaming kumain.

The Vampire King's FavoriteTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon