Chapter 33

2.2K 86 2
                                    

"Tch. Bakit ba kasi sumama-sama ka pa saakin sa pag-commute?" Iritang singhal ko sa asungot na ngayon ay naliligo na sa sariling pawis niya.

But instead of answering, pinunasan niya lang ang pawis niya. Take note, he only used the sleeves of his polo to wipe his sweat off.

"You are gross." Mariing sambit ko at padabog na dinukot ang panyo sa bulsa ko.

Nakasimangot na inabot ko iyon sakanya. Hindi naman siya umangal at inabot na ang panyo ko. I then averted my gaze and chose to look outside the windows instead.

Papalubog na ang araw nang makarating kami sa mansion. He paid for our ride at sabay na kaming pumasok sa loob. Lucy was already there and was impatiently waiting for us.

Tuloy-tuloy lang ang paghakbang ng asungot at hindi siya pinansin. Lalampasan ko nalang rin sana siya nang bigla siyang manguna sa pagpasok at pabagsak na isinara ang pinto sa mismong mukha ko.

Inhale... Exhale... Breathe Theia.

Ilang minuto akong huminga nang malalalim bago ako sumunod sa pagpasok. I am slowly losing my patience towards her... I just hope na makaabot pa hanggang sa makauwi ako saamin ang pasensya ko.

Hindi muna ako dumiretso sa kwarto para magpalit. Dumiretso muna ako sa kusina because I need to cook for my own. Hindi ako aasa sa asungot at lalong-lalo naman kay Lucy.

To my surprise, Lucy welcomed me in the kitchen. Looks like she was really waiting for me. She was leaning on the countertop. Dumiretso lang naman ako sa fridge at hindi siya pinansin. I was busy picking ingredients when she spoke up.

"If you think panalo ka na, then you're wrong." Sabi niya na ikinatigil ko.

Agad na nilingon ko siya at kinunutan ng noo. I'm not even thinking of anything. Are we even playing already?

"I never even knew the game started already. And for you to say something like that? I think I'm winning without even trying. I'm so sorry for that." Said I as I smirk at her.

Nakita ko naman agad ang pagsalubong ng kilay niya. After picking up ingredients, isinara ko na ang fridge at dumiretso naman sa sink para hugasan ang mga kinuha ko.

I then looked for the chopping board when Lucy spoke again.

"Listen to me, Theia..." Agad na tumayo ang balahibo ko nang banggitin niya ang pangalan ko. I really hate it whenever she says my name.

Naramdaman ko nalang na nasa likuran ko na siya at nakatapat na sa tenga ko ang labi niya. I didn't move and just gave her the freedom to speak with such distance.

"Whatever happens, he'll still end up with me. Saakin pa rin siya babalik. Saakin pa rin siya uuwi. You know why? Because you are a useless bitch. You can't even give him your blood." Nang-uuyam na bulong niya bago siya lumayo.

I took that opportunity to face her. And there's this smirk on her face that I wanted to wipe off as of the moment.

"But he doesn't have to worry. I am here. I am always and will always be here. Ready to give him the blood he deserved." Dagdag niya pa bago ako mapang-uyam na tinignan. "Not like somebody out there who can't give him what he needs. Tch."

Pinanood ko siya na umalis at mawala sa paningin ko. Ako naman ay nahulog sa malalim na pag-iisip.

Blood? I can give him mine, if ever. Sino naman ang nagsabing hindi ko siya kayang bigyan ng dugo? But on the second thought... Bakit ko nga ba naman siya bibigyan ng dugo? Besides, he never really asked for it. Kahit nga dumugo na ako sa sugat, ni hindi siya na-tempt na sakmalin ako. So maybe... Maybe my blood is really not his taste. Baka nga mas masarap talaga para sa mga bampira ang dugo ng kadugo nila.

The Vampire King's FavoriteWhere stories live. Discover now