Part 1- 1: UCaf

149 2 0
                                    

1: UCaf

Hindi ko alam kung nakailang 'Opo' na ako sa nakalipas na isang oras. Si mama at papa naman kasi nagsasalitan sa pagbibilin sa akin. Buti pa yung katabi ko ang saya-sayang naka-headphones habang naglalaro ng games sa cellphone. Malapit na kami sa pupuntahan namin kaya sunud-sunod na ang mga bilin ng mga magulang ko. Kahit na ilang beses na nilang naihabilin sa akin ang mga iyon simula pa lang nung naka-enrol na ako. Bilang respeto, nakikinig ako ng mabuti at nagpa-promise na sundin lahat ng mga paalala nila sa akin.

Sa isang araw na magsisimula ang college life ko sa Manila. Kasalukuyan kaming nasa byahe papunta sa dorm kung saan ako titira kasama yung pinsan ko. Alam kong nag-aalala sina mama kasi nga, hello? Manila ito e. Lalo na si papa. Siyempre pulis siya sa amin kaya alam niya kung gaano delikado. Sabi ko naman kasi sa kanila okay na ako mag-enrol sa university sa Baguio. Lahat din kasi ng mga kabarkada ko sa Herald University mag-aaral. Ako lang naiba. Nakakatawa nga kasi yung iba, umaakyat ng Baguio para mag-college tapos akong taga-Baguio bababa pa.

Makakamura pa sana kami kasi nag-offer ang HU ng full scholarship sa akin. Libre pa tirahan at pagkain ko sa sarili naming bahay. E kaso itong dalawa nagpumilit na mag-college ako kung saan sila nag-college at nagka-inlaban. My parents were sentimental like that. Parehong tagababa sina mama pero nadestino si papa sa Benguet kaya doon na sila nag-settle. Dun na rin kami ipinanganak at lumaki.

Naalala ko nung sinamahan nila ako mag-enrol, nagpa-picture pa talaga sila dun sa eksaktong lugar kung saan sila unang nagkakilala. Nakakahiya nga e. Pinagtitinginan kami ng mga estudyante. Talo pa nila PBB teens sa ka-sweetan nila habang nagbabalik tanaw sa mga alaala nilang dalawa nung kabataan nila.

Ang sabi ko hindi na nila ako kailangang ihatid at magko-commute na lang ako. Nakita na nila yung dorm na titirahan ko. May grocery na nga rin ako doon. Okay na ang lahat. Pero makulit sila pareho. Kaya ito mag-aanim na oras na kaming nagba-byahe. Dapat kanina pa kami nakarating e kaso si mama pa-stop over nang pa-stop over. May bladder issues kasi siya.

"Jess!" sigaw ni Ate Issa pagkababa ko ng sasakyan.

Actually, excited naman akong mag-aral dito kasi kasama ko si Ate Issa. Super close kami kasi lagi siyang sa amin nagbabakasyon simula elementary. OFWs ang parents niya at laki siya sa yaya. Isang taon lang ang pagitan namin. May malaking bahay sila sa Laguna pero ayaw niya mag-commute araw-araw kaya naka-dorm siya.

Malapit lang nung dorm sa campus kaya medyo mahal ang upa. Buti na lang at makakatipid ako sa pamasahe dahil lalakarin ko na lang papasok at pauwi. Isang sakay sa jeep kung tatamarin ako maglakad. Pero malabo naman yun at sanay akong maglakad. Sa Baguio ng araw-araw kong inaakyat yung Session Road papaunta sa school.

"Hi, Ate Issa!" bati ng kapatid kong si JJ. Buti pa kay Ate Issa magalang itong 10-year old brother ko. Sa akin kasi balahura kung sumagot. Lagi tuloy napapagalitan ni mama kasi ayaw akong tawagin na ate.

"Hi, JJ! Mano po tita, tito."

Kumain kami ng lunch sa isang mall. Nag-ikot ikot kami ng kaunti bago nagpaalamanan. Medyo nagkadramahan pa kami. Pati si papa parang naiiyak pero pinipigilan niya.

Kinakabahan ako kasi ang laki laki ng Carlyle University. Buti na lang merong app kaya kung mawala man ako pwede akong mag-check ng directions. Ang cool nga e. May sarili kaming app. Lahat ng pwedeng malaman tungkol sa school nandun na. Nasubukan ko nang gamitin. Nakita ko na dun yung profile ko. Nakaka-excite na nakakakaba.

Carlyle University is an elite school. They've been trying to change that image for the past years through offering scholarships. Kahit sila mama at papa scholars din dati. Pero hindi pa rin maipagkakaila na halos lahat ng mga nag-aaral dito anak mayaman.

The Art of FallingWhere stories live. Discover now