10: Bonfire

9 0 0
                                    

10: Bonfire

Buong araw akong pinagtitinginan at tinatanong dahil sa life vest na suot ko. Pati si Mr. Sungit, napatawa ko habang pinapaliwanag ko na pilit pinasuot sa akin ni Caeus yun. Akala mo naman malulunod ako sa buhanginan. Nakakainis talaga. Buti na lang at na-distract ako sa activities namin.

Napagod ako sa mga pinaggagawa namin. Nag-amazing race kami tapos super late yung lunch. Buti na lang marami akong kinain nung almusal kaya bandang 1 na ako ginutom. Si Hailey at Steph mukhang lantang gulay na kahit 11 pa lang. Sure ako pati si Xander gutom na gutom na kasi ako na yung pinaktakbo niya nung huling task. Kinilig naman ako kasi ako inaasahan niya. Dahil sa lakas at tibay ko, first place kami.

Kahit na mukha akong tanga dahil dun sa life vest na suot ko, nag-enjoy pa rin naman ako. Gusto ko nang tanggalin kaso pakiramdam ko nandiyan lang si Caeus na nagmamasid. Ayoko ngang mahalikan niya! Yucks!

Bandang hapon, nagsimula na kami sa beach clean-up. Mga dalawang oras kami nagpulot ng mga nagkalat na basura. Naisip ko na maglaro para hindi masyado boring. Sabi ko, paramihan kami ng basurang mapulot. Akala ko magiging KJ si Xander pero hindi. Naging competitive pa nga siya. Inaagaw niya mga balak ko nang pulutin. Natulak niya pa ako ng isang beses kasi nag-unahan kami sa pagkuha dun sa isang plastic bottle ng mineral water. Nag-sorry naman siya agad pero siyempre bumawi ako ng tulak sa kanya. Nahawakan ko tuloy yung braso niya. Siyempre kinilig ako.

Umupo kami saglit sa may buhangin para magpahinga. Siyempre ako ay isang kiti-kiti naisipan kong gumawa ng sandcastle. Humiram ako ng laruan dun sa mga batang malapit sa amin. Tinulungan naman ako ni Xander. Nagugulat nga ako kasi hindi siya masyado masungit ngayon. Slight lang.

Sayang at iniwan ko yung phone ko dun sa kwarto kanina. Ang ganda sana picturan nung nagawa namin. Nakiusap na lang ako kay Xander na siya na lang kumuha ng picture tapos i-send niya sa akin. Kinilig na naman ako lalo. Binigyan ko siya ng dahilan para i-message ako.

Habang kasama ko si Xander naalala ko tuloy yung sinabi ni Ate Shaira kaninang lunch.

"Uy, girl! Haba ng hair mo a!" puri niya sa akin habang nagkatabi kami nung boodle fight.

"Bakit?"

"E kasi 3 years ko nang kasama si Xander sa mga team building pero ngayon lang siya pumayag magka-buddy. Simula freshmen hanggang last year, ang daming girls na nagvo-volunteer maging buddy niya pero rejected sila lahat. Kaya this year napagod na sila tapos biglang si Xander pa mismo nagsabing buddies kayo. O 'di ba? Haba ng hair mo!"

Dahil sa naging convo namin ni Ate Shaira, gusto ko tuloy tanungin si Xander kung bakit gusto niya ako maging buddy. Out of curiosity lang.

Asus! Feeling mo na naman may gusto siya sa'yo!

Aish! Kontrabida! Ikaw lang ata kontrabidang konsensya eh!

"Xander,"

"What?"

"Bakit ako pinili mo maging buddy?"

"Because you didn't have any."

Oo nga naman. May point si kuya!

"E kasi may nagsabi sa akin na wala ka daw buddy simula freshmen year. What changed?" Ewan ko bakit hindi ko mapigilang itanong.

Siguro dahil umaasa ako na sasabihin niyang gusto niya ako makasama at makilala. Ay ang feeling ko! I know. Pero nangangarap lang naman ako na magustuhan din ako ng taong gusto ko.

"Caeus asked me to look out for you, okay?"

Ano ba y-? Ano daw? "Ha?"

"Caeus doesn't want you near the water by yourself. He wants to protect you. You're BG, right?" Tumayo siya at pinagpag yung buhangin sa shorts niya. Gumaya naman ako kaagad.

The Art of FallingWhere stories live. Discover now