13: Birthday Eve

18 2 0
                                    

13: Birthday Eve

Caeus' birthday eve party was definitely Carlyle's party of the year. Buong campus ata nandito sa bahay nila sa dami ng tao. Ni isa wala akong nakitang kakilala pagpasok ko. Sabi niya school friends. Gago talaga yun. Hindi man lang ako binigyan ng babala na kaibigan niya pala buong campus.

Grabe, sa mansion pala nakatira itong lalaking 'to. Talagang magkakasya ang isang daang estudyante sa Carlyle. Para akong nawawalang bata sa mall habang hinahanap sina Hailey. Tinext ko nga sila, namatay naman phone ko. Picture kasi ako ng picture kanina sa EK.

"You look like a lost puppy." May nagsalita sa likod ko.

Siyempre alam ko na agad kung sino yun. Gusto kong magpatuloy sa paglalakad na kunwari wala akong narinig. Bago ko pa man maisagawa yung plano ko, pumunta siya sa harap ko at hinarangan yung daan ko.

Poker face pa rin siya as usual. Ni hindi man lang siya affected na one week ko siyang iniiwasan at hindi pinapansin.

"Come." hinawakan niya yung kamay ko. "I'll take you to your friends."

Before he could even take a step, I snatched my hand away from him. Nagulat kami pareho sa ginawa ko. Pero siyempre he was fast to show his signature poker face again.

"S-sundan na lang kita." mabilis kong paliwanag.

Tinaasan niya ako ng kilay pero hindi naman siya nagpilit na hawakan ako. Pero ilang hakbang palang ako nawala na siya sa paningin ko. Bigla kasing tumugtog ng malakas at nagsisayaw yung mga tao.

Bwisit na mga 'to! Akala mo ngayon lang nakarinig ng tugtog.

May humawak sa kamay ko at sinimulan akong hilahin.

"Don't let go this time." sabi ni Xander ng magkatinginan kami. Napatango na lang ako. Nag-iinarte pa kasi ako e gusto niya lang naman ako tulungan.

Hindi ko alam pero parang bumagal yung takbo ng oras habang hawak ni Xander yung kamay ko. Nagpa-flashback sa isip ko yung time na niligtas niya ako sa pagkakalunod. Yung time na nahanap niya ako sa gubat. Knight in shining armor ko na naman siya ngayon.

And just like that, all my feelings for him were back. The want for him to notice me. The want for him to want to get to know me. The want to be with him. Why do I like him so much? I barely knew him and worse, he's love with the perfect girl.

Kaya siguro talaga crush ang tawag kasi you'll be crushed when the person you like doesn't like you back.

We all gathered in the garden outside while Caeus stood from a balcony with Carly, Amber and some other people. It was almost midnight so there was a countdown like New Year's Eve. I was even expecting fireworks. Si Caeus na talaga may bonggang birthday party.

Caeus caught my eye and he smiled. I mouthed a 'happy birthday' and his grin grew bigger. Caeus being Caeus, he gave me a playful wink before Amber got his attention.

"He's happy." sabi ni Xander sa tabi ko. Tinignan ko siya pero his eyes were glued in Caeus' direction. If I know, si Amber yung tinititigan niya.

"Lagi naman siyang masaya." sabi ko naman. Yun naman ang gusto ko kay Caeus. Parang wala siyang problema. Basta may basketball, lasagna at babae, maligaya na siya. Kahit na nakabwisit siya madalas, hindi naman maipagkakaila na magaan kasama si Caeus. Magaling lang talaga siyang mambola at mang-asar.

"Nowadays he is. I think we both know why."

Siyempre hindi naman ako ganun ka-slow para hindi ko ma-gets. Binebenta niya sa akin yung best friend. Inutusan siguro siya ni Caeus na samahan ako papunta kina Hailey. O kaya ganun siguro talaga kapag may babaeng pinopormahan si Caeus. Kakontsaba niya si Xander. Wingman niya ganun.

The Art of FallingWhere stories live. Discover now