19: Polaroid

12 1 0
                                    

19: Polaroid

Nagulat ako ng malaman kong big deal ang Valentine's Day sa Carlyle University. The lobbies of our buildings were filled with booths that sell chocolates, balloons and flowers and offer deliveries of these stuff with serenades.

Sinamahan namin ni Hailey si Steph na padalahan ng chocolate at balloon yung crush niyang si Number 21 ng basketball team. Habang busy sila namimili ng balloon, sikreto akong nag-book ng harana para sa kanila. Papadalhan ko sana si Caeus kaso wala naman siyang klase ngayon. Buong araw siyang nasa trabaho.

Wala pa kaming plano ngayon. Kung hindi ko pa nakita yung mga hugis puso na balloon papasok ng campus, hindi ko pa mari-realize na Feb 14 pala. Hindi ko alam kung may gagawin kami mamaya. Bahala na.

Lahat ng klase namin ay nagambala ng mga nanghaharana at nagpapadala ng kung anu-ano. Karamihan romantic, may mga nagko-confess pa. Pero hindi nawala yung mga nang-aasar lang ng kabarkada nila. Yung mga classmates naming lalaki pinapaharana yung mga kaibigan nila pero yung kanta Ariana Grande.

Buti nga cool lang yung mga profs. Meron ding mukhang naiinis pero no choice sila. Isang araw lang naman. Nung hapon natanggap ni Hailey at Steph yung harana nila. Siyempre alam na nilang galing sa akin kasi One Direction yung kanta. May iba pang nagpadala sa kanila ng regalo at harana. Nalaman namin na may nagkaka-crush pala kay Hailey.

Nakatanggap ako ng harana at mousse cake. Alam ko na agad na kay Caeus nanggaling lalo na't yung mga basketball rookies ang nangharana sa akin. Kahit na sintunado at dinaan lang sa kapal ng mukha yung pagkakakanta nila ng ILYSB ng LANY, natuwa pa rin ako. Napasaya pa nila yung buong Bio lab class namin. Siyempre na-touch naman ako sa gesture. Na-guilty tuloy ako kasi wala akong Valentine's gift para sa kanya. Kiss na lang siguro. Joke!

Loko loko talaga yung si Caeus. Magka-usap lang kami nung lunch pero 'di kami nagbatian ng Happy Valentine's. May ganito pala siyang pakulo.

Kinunan ko ng picture yung binigay niyang roses at cake na katulad nung confession cake noon. Ang pinagkaiba lang ngayon e sa halip na 'I Like You' nakasulat e 'ILYSB'. Eksaktong eksakto dun sa kanta.

I love you so good.

That was my short caption when I posted the photo in our Caesica IG account. Pati sa personal account ko yun din ang nilagay ko. Nag-like at comment naman agad si Caeus ng tatlong puso. Gusto ko pa sana siya i-chat pero nasa trabaho siya. Dapat nga hindi siya  gumagamit ng phone.

By 6 PM, the campus was open for outsiders. Apparently, there was a Valentine's Day concert happening. The booths were also set-up on the school grounds. My friends and I decided to watch the concert. May mga local bands daw ang kakanta.

Sayang nga lang at hindi magpe-perform and Carlyle's Finest. Lahat sila busy sa mga internship nila. Si Carly lang hindi dahil second year pa lang naman siya. Sinama namin siya at si Issa. Mag-group date na lang kaming kasi yung tatlo single tapos kaming magpinsan, may boyfriend nga busy naman. May shooting si Kuya Derek sa bago niyang show.

Nanuod kami nung concert habang kumakain ng cotton candy at chocolates. Mukha naman nag-e-enjoy sila lalo na si Carly. Malungkot kasi yung mukha niya kaninang nag-meet kami. Parang umiyak nga siya kasi namumula yung mata niya. Nang tanungin ni Steph kung ano nangyari sa mata niya, allergies lang daw.

Iniwan ko saglit yung mga kasama ko para mag-CR. Nang pabalik na ako, may nakita akong lalaki na nakaupo sa isang gilid. Kaagad ko siyang nilapitan dahil mukha siyang natumba. "Kuya, okay ka lang?" tanong ko.

Tumingala siya at pilit na ngumiti. "Hindi e. I got dumped." pilit siyang tumawa. Naawa naman ako. Valentine's pero Biyernes Santo yung mukha niya.

The Art of FallingWhere stories live. Discover now