3: Chemistry

18 0 0
                                    

3: Chemistry

Lalabas yung result ng exam namin sa Chem ngayon. Hindi niya lang pinapahalata pero alam ko kabado si Caeus. Kailangan kasi okay yung grade niya ngayon para may puhunan siya. Mas mahirap na kasi yung mga susunod na concepts sa Finals. Tiwala naman ako na papasa siya. Duh. Ako kaya tutor niya.

Isa isa ng binigay ni Sir yung paper. Nakuha ko na yung akin pero mas concerned pa ko dun sa paper ni Caeus. Hindi ko pa agad napansin na dalawa lang yung mali ko.

"Class dismissed." sabi ni sir. Nagsialisan na yung mga classmates namin. Sabi ko kila Hailey susunod na lang ako sa library. Dalawa na lang kaming natira sa room.

Binaliktad niya yung papel at halos mangiyak ngiyak siya sa nakita niya. Tumahimik lang siya tapos sinuot yung backpack niya. Hawak niya nang mahigpit yung bluebook niya.

Shet! Bagsak ata.

"Uy! Okay lang yan. Bawi ka na lang sa next. Alam mo nama karamihan nung nasa exam e. Baka na-technical ka lang. Kung gusto mo magtutorial din tayo ng Sunday." sabi ko para pagaanin yung loob niya.

Ipinasa niya sa akin yung paper niya with matching sad face. Kinuha ko yung papel mula sa kanya. Sobrang kaba ko habang tinitignan yung test reslut niya.

C+

"C plus?" binasa ko yung malaking pulang sulat.

"I passed." sigaw niya tapos niyakap ako. Sa sobrang higpit ng yakap niya muntik akong 'di makahinga. "Thank you, Jessica."

First time niya akong tinawag sa pangalan ko tapos buo pa. Lagi kasing Baguio Girl tawag niya sa akin. Natuwa naman ako dun. At siyempre dahil pumasa siya.

"Hay. Ang galing ko talagang tutor." puri ko sa sarili ko habang kunwari hinahawi yung buhok ko. Ang sarap pala ng feeling na ganito. Yung may natutulungan ka. "O san mo ko ako ililibre?"

"I have practice tonight. Are you free tomorrow morning?"

"Hahanap kami isusuot sa birthday ng kapatid mo bukas. Tsaka nagbibiro lang naman ako. 'Di mo naman ako kailangan ilibre." Lagi namang libre yung pagkain ko dun sa bistro. Ayaw niya naman akong pagbayarin.

"Okay then, I'll pick you up tomorrow at 9." Bigla niyang sabi na parang hindi niya narinig yung sinabi ko.

"Ha?"

"It's a date." sabi niya ng mabilis bago tumakbo.

Date? Ano daw?

*****

Akala ko nagjo-joke lang si Caeus nung sinabi niya na susunduin niya ako ng 9 AM. Pero nag-text siya sa akin nang maaga na papunta na siya. Bigla tuloy akong tumakbo sa banyo para maligo. Sinuot ko kung anong unang T-shirt at jeans na nakuha ko. Tapos yung white Converse kong ilang taon na sa akin naman ang sapatos ko

I'm here.

Text niya sa akin kaya bumaba ako. Tulog pa si Issa kaya 'di na ako nakapagpaalam. I-chat ko na lang siya mamaya.

"C'mon, Baguio Girl. You could've worn something nicer for our first date."

"Date mo mukha mo! Siraulo!" Naiinis kong sabi sa kanya. Feeling nito talagang magde-date kami. Yung porma niya kasi parang pang-date nga.

"I told you yesterday that this is a date." Kumindat pa siya sa akin.

"Tse! Wag mo akong itulad sa mga babae mo. Wa epek yang kindat mo sa akin. San ba kasi tayo pupunta? Magkikita kami nila Hailey mamayang 10 e. Hahanap nga kami ng damit para sa party mamaya."

The Art of FallingWhere stories live. Discover now