22: Second Chances

15 2 0
                                    

22: Second Chances

"Amber, Amber puro ka Amber. E kung si Amber na lang kaya gawin mong girlfriend!" galit kong sigaw. Kanina pa ako nagpipigil ng galit pero 'di ko na talaga kaya.

Ngayon lang kami ulit nagkita ni Caeus. Hindi ko sinasagot lahat ng tawag, text at chat niya simula nung araw na pinaghintay niya ako ng dalawang oras. Binabasa ko yung mga messages niya pero Seen lang siya sa akin.

Nawalan na ako ng ganang makipag-usap sa kanya. Nakakasawa pala kapag paulit-ulit. Nakakapagod pala maghintay.

Ngayon lang siya nakahanap ng oras para kitain ako. Sa sobrang busy niya kay Amber, talagang nawalan siya ng oras para sa akin. Dapat talaga kagabi kami mag-uusap. Kagabi ko lang ulit siya nireplayan. Gusto ko sana siya bigyan ng chance pa ulit.

Magkikita kami dun sa bistro. Tangina nag-Grab na naman ako para pumunta dun pero naghintay lang ulit ako. Pero this time kalahating oras ko lang siya kayang hintayin. Nagpasundo pa ako kay Hailey kasi baka kulang yung dala kong pera pang-taxi. Buti na lang at mabait yung kaibigan ko.

Yun na talaga ang huling beses na hihintayin ko siya. Bwisit siya. Tapos ngayon parang kasalanan ko pa na hindi kami nagkita. Pagdating niya raw dun sa bistro nakaalis na ako. Pinapaliwanag niya sa akin ngayon na na-late siya kasi sinamahan niya yung best friend niya. Putangina talaga. Sinamahan niya yung babaeng yun kasi nalulungkot daw.

Ano kayang akala niyang nararamdaman ko sa ilang linggong hindi kami nagkikita? Masaya? Ni hindi nga siya nag-sorry na pinaghintay niya ako ng dalawang oras last week sa office nila. Parang kinalimutan niya na lang. Leche talaga.

Sa unang pagkabanggit niya sa pangalan nung best fried niya, niya nawalan na akong kontrol sa emosyon ko. I was a ticking time bomb. I lost it and exploded.

"If you could just lemme finish explaining, Jess. Why are you so mad at me? You're the one who's ignoring all my calls and text all week. And why are you so mad at Amber? What did she ever do to you?"

"Marami!" I blurted out in anger.

"What?" he asked in disbelief.

I scowled at him. "She makes me feel wrong for you. Every time she gets the chance, she'd make me feel that she's the right one for you. Kasi kayo yung bagay. Kasi mas kilala ka niya. Kasi mas mahalaga siya. Tuwing magkasama tayong tatlo pakiramdam ko ako yung nang-aagaw."

"You want me to choose between you and Amber?"

Parang gustong bumagsak ng katawan ko sa tanong ni Caeus. Paano ako lalaban kung sa umpisa pa lang talo na ako? Kung wala naman akong dapat ipaglaban? Pucha ang sakit.

"Hindi, Caeus. Kahit kailan hindi kita papipiliin. Kasi kaya kong ilugar yung sarili ko. Alam ko na kapag pinapili kita masasaktan lang ako. Alam ko na kahit na magta-tumbling pa ako sa harap mo, hindi ako yung first priority mo. Alam ko na sa aming dalawa ni Amber, siya yung uunahin mo. Siya yung mas importante kasi nga best friend mo siya. Tanggap ko naman yun simula pa lang. Naiintindihan ko naman. Kaya nga willing akong naghihintay sa'yo. Hindi naman kita inaaway kapag hindi mo ako sinisipot, kapag nakakalimutan mo na naghihintay ako. Hindi naman ako nagagalit 'di ba? Kasi nga naiintindihan ko naman na kailangan ka niya."

Hindi ako sigurado kung may sense pa ba yung sinasabi ko. Pakiramdam ko paulit ulit lang yung mga lumalabas sa bibig ko. Nagsimula ng tumulo yung mga luha ko pero kailangan kong pigilan yung sarili ko na humagulgol na lang dun. Kailangan kong masabi lahat ng nararamdaman ko kasi parang sasabog na yung puso ko sa sakit.

"Pero hindi naman ako manhid, Caeus. Masakit pala na may mas mahalaga pa sa'yo kahit na ikaw yung girlfriend. Pakiramdam ko kasi nakikipagkumpitensya ako para sa atensyon mo. Sinubukan ko naman makuntento sa oras na kaya mong ibigay sa akin. Hindi naman ako nagreklamo 'di ba?"

The Art of FallingWhere stories live. Discover now