4: Saviour

20 1 0
                                    

4: Saviour

I coughed out the water as I regained consciousness. I opened my eyes and Xander's face was in front of me. We were both drenched.

"Breathe, Jess." paulit ulit niyang sinabi sa akin. Tinulungan niya akong maupo. Naramdaman kong bumilis ang paghinga ko. "Look at me, Jess. Just breathe."

Biglang tumulo yung luha ko. Sumikip yung dibdib ko. Ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong takot. Binalot ni Xander yung twalyang inabot sa kanya bago niya ako niyakap. Natanggal pala yung sarong na suot ko. "Ssh. You're okay, Jess. You're okay." Hinigpitan niya pa yung yakap niya sa akin.

"Jess!" Tumakbo sa tabi ko si Hailey at Steph. Inalalayan nila ako patayo. Napansin kong tahimik na ang buong paligid. Lahat ng mata ay nasa amin pero isa lang ang nasa isip ko. Gusto ko nang umuwi. Sa bahay namin. Sa Baguio.

"Thank you." sambit ko kay Xander. Niligtas niya buhay ko.

"Alis na tayo." Maluha-luha kong sabi kina Hailey.

"Jess? What the hell happened to you? You're crying." Dumating si Caeus bago kami makapaglakad. Hindi ko siya sinagot at hinigpitan ko yung yakap ko sa sarili ko.

"She almost drowned! Those assholes threw her in the pool." Hailey answered for me.

"What assholes?" Bakas sa mukha ni Caeus yung galit. Pagkaturo ni Hailey dun sa dalawang punyetang pinagtripan ako, sumugod siya sa kanila.

Ang bilis ng nangyari. Ilang segundo lang pareho nang nasa sahig yung dalawa. Hindi man lang nila pinagtanggol yung sarili nila. Alam ba nilang wala silang laban kay Caeus? Kung hindi pa siya inawat ni Amber at Cayden, malamang basag na basag mga mukha nila.

"Caeus, we're sorry. We didn't know she couldn't swim." paliwanag nung isa habang dumudugo yung ilong at labi.

"Stay away from her!" Caeus warned angrily.

Natigil ang lahat dahil sa nangyari sa akin at sa ginawa ni Caeus. May dumating na mga security guard at pinalabas siya at yung dalawang punyeta. Nagkatinginan si Caeus at Xander na katabi ko. Tumango sila sa isa't isa na parang nagkaintindihan.

Ang ibig sabihin pala ng tinginan na yun ay ang ihatid ako ni Xander. Tahimik lang ako sa loob ng sasakyan. Kung anu-anong naiisip ko kaya ipinikit ko na lang yung mga mata ko. Wrong move dahil narinig ko lang yung sarili kong humihingi ng tulong habang may nagtatawanan.

*****

"Jess!" gising sa akin ni Issa. "Binabangungot ka na naman." Concern was etched on her face.

Ilang araw na ang nakalipas pero lagi ko pa rin napapaginipan yung nangyari. Lagi na lang akong nalulunod sa panaginip ko. Pati tuloy si Issa hindi makatulog ng maayos kasi nag-aalala siya baka raw mamatay ako sa bangungot.

Pilit ko namang huwag na alalahanin yung nangyari. Nahihirapan lang ako. Siyempre akala ko mamamatay na ako. Sabi ni Hailey at Steph pagkakita nila sa akin, iniaahon na ako ni Xander mula sa pool. Baka wala pa akong isang minutong nasa tubig pero pakiramdam ko ang tagal tagal na.

Tapos hindi rin maalis sa isip ko yung sinabi nung isang punyeta na napag-utusan lang daw sila. Sino namang mag-uutos sa kanila na ihagis ako sa pool? Anong klaseng trip yun?

Hindi ko na sila ulit nakita after nung gabing yun. Takot lang nila kay Caeus. Kung makapagbanta pa naman yun talagang matatakot ka kasi alam mong kayang kaya niyang gawin yung sinasabi niya.

Luckily, I was feeling more of myself as days passed. I wanted to stop being a burden to Issa too. Kahit hindi niya sabihin sa akin, alam ko nag-away sila ni Kuya Derek. Madalas na kaming magkasabay ni Issa pumasok at mag-lunch. Tapos ang aga niyang umuuwi. E dati lagi silang nagmi-meet ni Kuya after class. Pati weekend nasa bahay lang siya. Samantalang noon lagi silang may date. Plano ko siyang kausapin ngayon kaya niyaya ko siyang mag-malling. Nag-lunch kami sa Mcdo tapos pumunta kami sa isang cafe.

"Hoy babae! Pwede ba makipagbati ka na kay Kuya Derek. Sawa na ako makita yang nguso mo."

"Listen, Jess. I promised tito and tita that I'll look out for you. Obviously, I suck at keeping that promise. You almost died."

"Gaga! Pinsan at best friend kita hindi guardian! Hindi lang ako marunong lumangoy pero kaya kong alagaan sarili ko. O sige na alis na ako."

"Huh?"

"Tinawagan ko si Kuya sabi ko nandito tayo. Makipagbati ka na kung hindi sayang load ko pinangtawag diyan."

"Hi, babe. Hi, Jess." Umeksena na si Kuya Derek.

"Hi Kuya! Bye Kuya! Magka-ayos na kayo kung hindi pag-uuntugin ko kayong dalawa ha. Uwi nang maaga."

O di ba okay na ako nakuha ko pang maging cupid at mang-asar na din.

Ayoko pang umuwi kaya naisipan kong dumaan sa bookstore kahit wala akong pambili. Nagba-browse ako lang libro ng mag bigla akong nakabangga.

"Ahh! Fvck!" Natusok ko ata yung lalaki ng libro.

Ang clumsy ko talaga. "Sorry po." sabi ko. Pagkaangat ko ng ulo ko, nakilala ko yung nabangga ko. "Xander?"

Nagulat din siya nang ma-realize niyang ako pala yung nakabunggo sa kanya. Ngayon lang kasi kami ulit nagkita. Yung huli e yung niligtas niya ako sa pagkakalunod.

Niyaya niya ako magkape. Siyempre pumayag ako kahit na kakakape ko lang. Kahit 'di na ako makatulog mamayang gabi basta magkape kami ni Xander, okay lang.

"Thank you ulit. 'Di pa ako nagpapasalamat ng maayos."

"Near death experiences can cause trauma. Are you sure you're okay? I can bring you to someone if you need help."

Makita ka lang, okay na ako.

"What?"

"Ha? Okay na ako noh! Nagka-nightmares lang ako pero ngayon wala na."

Ang hirap magpigil ng kilig. Concerned sa akin si Alexander Wyatt Samuel. Bakit?

Ang pogi niya talaga. Gusto kong hawakan iyong mukha niya. Shet! Ano ba yan? Bakit ko pinagnanasaan si Xander?

"What are you thinking about?" tanong niya kaya bigla akong kinabahan. Ang sungit at suplado nito pero may pagka-chismoso pala.

Ikaw. "Ha? Ah, e. Kung paano ako babawi sa'yo." sagot ko sa kanya.

"No need. I'd do the same with anyone."

Ouch.

Sakit naman. Bakit kailangan pang idagdag yun? Ang saya ko na e.

The Art of FallingWhere stories live. Discover now