8: Tweets

14 0 0
                                    

8: Tweets

Hindi pa rin ako maka-get over that Xander approved my follow request sa IG after all this time. At may bonus pa! He requested to follow me! Aaaah! Parang sasabog yung puso ko. Siyempre walang kiyeme kiyeme approve agad. Pati sa FB, friends na kami. Sa Twitter naman nag-follow back siya.

Unti unti akong nagkakaroon ng pag-asa na mapasaakin siya!

Niyakap ko yung panda bear na bigay niya sa akin. "Hay, Wyatt. Sana maging kami ng daddy mo in the future." bulong ko sa kanya.

"Papabuntis ka na lang, sa panda pa!" pang-asar ni Issa.

"Tse! Kontrabida!"

Alam naman ni Issa na crush ko si Xander. Nahuli niya akong tinitignan yung IG ni Xander kaya napaamin na din ako.

"Oh! Yung waiver mo!" Inabot sa akin ni Issa yung papel na may pirma niya.

"Thank you, mama."

"Ligo muna ako." sabi ni Issa bago buksan yung pinto. "Lalabas pala kami ni Derek. Baka gabihin na ako ng uwi." dagdag niya bago tuluyang lumabas.

"Okay."

Tinitigan ko yung mga screenshots ko ng 'Xander Samuel has requested to follow you' habang yakap si Wyatt.

Kilig!

"Aray ko nyeta!" sigaw ko pagkatapos mahulog nung phone sa mukha ko. Kalandian kasi!

Sino ba itong tumatawag? 'Di ko na tinignan yung screen at galit na sumagot. "Hello?"

"Come out. I'm here."

Pinatay na yung tawag bago pa ako makapagsalita. Bastos talagang Caeus ito! Sumilip ako sa bintana at nandun nga ang mokong! Nakasandal siya sa sasakyan niya nag-aabang sa may entrance ng dorm. Ano kayang trip niya?

Siyempre binaba ko naman siya bago pa may gawing kababalaghan. Knowing him, mamaya mageskandalo pa siya.

"Ginagawa mo dito?" tanong ko agad sa kanya.

"Here. Chem notes today." he said holding some handouts. He came here just to give me this?

"Meron na ako. Binigyan na ako ni Steph kanina. Sige na uwi ka na." Babalik na sana ako sa loob pero tinawag niya ako.

"Jessica,"

"O?"

"I wish I could say sorry that I kissed you but I don't feel sorry at all."

"Pwede ba, Caeus? I had enough of your games. Tigilan mo na pambobola mo sa akin. Wala kang mapapala. 'Di uubra sa akin yang mga the moves mo. 'Wag mo na akong pagtripan. Okay? Dun ka na lang sa mga fangirls mo."

"I'm not playing games with you.

"Crush mo ako?"

"Hindi lang crush. For some unknown reason, I like you. You're loud, clumsy and violent. You eat like a construction worker and you live in a dorm."

Ouch. Sakit naman nito magsalita. Like daw niya ako pero nilait naman ako.

"Wow, thank you ha. Flattered ako. Super!"

"Lemme finish." he warned. "But you're also smart and kind and beautiful. You make smile and laugh. I can be myself when I'm with you. I'm happy just seeing you."

My heart skipped a beat as Caeus described me. I had no idea he saw me that way. He was the first guy to say those kinds of words to me. What do I say to that?

"Caeus,"

"I've never done this before. Girls always come to me not the other way around. I want you around me all the time. Can you be my girlfriend?"

The Art of FallingWhere stories live. Discover now