23: Javier Family

14 2 0
                                    

23: Javier Family

It was so unusual for the Javier household to be quiet. Yes, it was peaceful most of the time but not this hushed.

Nasa sala kaming lima. Oo, lima. Kasama si Caeus. Oo, nasa loob ng bahay namin si Caeus.

Nasabi ko sa mga magulang ko na nandito ngayon sa Baguio si Caeus para kausapin ako. Inutusan nila akong imbitahin siya sa bahay para maghapunan. Kakarating lang ni Caeus kaya nasa sala kami.

Pagkatapos ko siyang ipakilala, wala nang kumibo sa amin. Parang naghihintayan kami kung sino unang magsasalita. Pinuri ni Caeus yung bahay namin tapos tahimik na naman. Si papa medyo nakakunot pa yung noo habang nakaupo ng diretso. Si JJ naman nakatitig lang kay Caeus. Napansin ni mama yung kakaibang vibe sa bahay kaya inaya niya ako na tulungan siya ihanda yung hapag kainan.

Nakakaloka nga si mama. Halatang pinaghandaan niya yung hapunan na 'to para kay Caeus. Ang daming nilutong ulam. May sinigang at pinakbet na, may barbecue at fried chicken pa. Gusto pa ngang mag-pancit, pinigilan ko lang. Tapos gumawa siya ng buko pandan pang-dessert. Pinagtimpla pa 'ko ng iced tea. Nakakahiya daw kung tubig lang ipapainom sa bisita. Punung-puno tuloy yun mesa namin. Mabuti na lang at pang-anim na tao yung dining table namin.

Hindi lang pagkain pinaghandaan ng mama ko. Aba! Nagbestida ba naman. Yung bang dress na sinusuot niya lang kapag may okasyon. Pinilit din niya si papa na mag-polo pagkadating nito galing presinto. Ayaw ngang magpalit ni papa ng uniporme. Gusto pa atang sindakin si Caeus. Pero siyempre si mama ang masusunod kaya sinuot ni papa yung nag-iisa niyang Lacoste na polo shirt.

Si JJ naman binihisan din ng pang-alis kaya nakasimangot. 'Di ako tinantanan ni mama hangga't 'di ako nagpalit. Gusto pa nga, mag-dress din ako. Ayoko nga! Nakita na kaya ako ni Caeus na nakapantulog ng ilang beses. 'Di ko kailangan mag-ayos sa harap niya. Basta naligo ako. Okay na yun.

Nakapag-usap naman kami kanina nang tawagan ko siya. Grabe. Sobrang na-miss ko marinig yung boses niya sa phone. Saglit nga lang kami nag-usap kasi pinaglinis ako ng bahay ng mama kong pabibo.

Naiwan sa sala si Caeus kasama si papa at JJ. Nag-uusap naman sila. Tungkol ata sa basketball. Pagkatapos namin ihanda yung mesa, tinawag namin sila para kumain.

Si mama talaga talo pa si Jollibee sa pagiging pabida. Kay haba haba ba naman ng dasal niya bago kumain. English pa. Baka daw kasi hindi maintindihan nung bisita. Nabanggit ko noon na 'di gaanong nagsasalita ng Tagalog si Caeus. 'Di ko naman sinabi na 'di nakakaintindi. Ang kulit pa niya kasi lagay ng lagay ng pagkain sa plato ni Caeus. Halos 'di na nga makahinga yung tao sa dami ng gustong ipaubos sa kanya. Tapos ako naman nasiko kasi pangatlong plato ko na yung nasa harap ko.

"Baka ma-turn off sa'yo. Para kang kargador kumain." bulong ni mama sa akin kaya sinimangutan ko siya. 'Di niya lang alam naka-ilang punta na kami sa buffet ni Caeus noon. Alam na niya kung ilang plato kaya kong ubusin sa takaw ko.

Si papa naman seryoso masyado. Paubo ubo lang siya kapag nagsasalita si Caeus. Pinakwento kasi nila kung paano kami nagkakilala at kung paano niya ako niligawan. Sumasakit ulo ko sa mga pinagtatanong nila. Talagang nagsasalitan sila ni mama na ini-interrogate si Caeus.

Pagkatapos na pagkatapos naming kumain, inaya ko si Caeus sa labas. 'Di kasi kami makakapag-usap ng maayos kung nakikinig sila mama at papa. Dahil malamig na ang gabi pumasok kami sa loob ng sasakyan. Shet. Pati amoy ng sasakyan niya na-miss ko din. Dami kasi naming memories dito. Naghahati sa lasagna, nanunuod ng KDrama, nakikinig sa UDD at LANY, nag-aasaran ng walang katapusan at maraming marami pang iba. Safe place namin yung sasakyan niya e kahit na dito rin kami nag-break. Mas naalala ko pa rin yung mga masasaya naming moments dito.

The Art of FallingWhere stories live. Discover now