11: Lost

12 0 0
                                    

11: Lost

Wala kaming schedule ng umaga. Pagkatapos ng almusal, karamihan sa amin nag-water activities. Sumakay kami ng banana boat nila Hailey, Carly at Steph. Si Caeus at mga kaibigan niya nag-speed boat. Niyayaya ako ni Caeus pero ayoko. Ma-issue pa kami. Si Xander hindi lumabas ng room niya hanggang check-out time. Talagang ginawa niya yung sinabi niyang matutulog lang siya sa team building.

Mga kalahating oras yung byahe papunta doon sa reservoir. Bumaba kami sa paanan nung bundok. Nagbigay ng instructions at reminders yung mga advisers namin. Tapos naglakad kami paakyat kung saan kami magti-tree planting. Magubat yung lugar. Walang specific pathways kaya nag lagay sila sir ng mga malilit na flags para may sundan kami.

Tinulungan ko si Xander mag-distribute ng mga seedlings. Siya kasi yung na-assign kaya nauna kami sa taas. Ang bilis bilis niyang maglakad buti na lang nakakasabay ako kahit papaano. Sanay naman ako sa akyatan.

Nang makarating na ang lahat, kumuha si Xander ng isang seedling at tinawag ako. Naglakad kami dun sa bakanteng espasyo. Hinukay namin yung lupa tapos sabay naming inilagay yung seedling. Medyo nagtama yung mga kamay namin kaya bilang isang tunay na malandi, kinilig ako. Nilagyan namin ng maliit na placard na may pangalan nung puno sa gilid nung tanim namin. Nung tumalikod siya, sinulatan ko yung placard ng X & J. Medyo namula ata yung mukha ko kasi tinanong ni Xander kung okay lang ba ako. Sa sobrang kilig ko talagang nag-blush pa ako.

Hinintay namin matapos lahat ng mga kasamahan namin. Pinapauna na ako ni Xander bumaba kaso alangan namang iwan ko siya. Buddies nga kami 'di ba.

Medyo kumulimlim kaya inutusan kaming bilisan ang pagkilos. Nang matapos ang lahat, iniligpit namin ni Xander yung mga tray na pinaglagyan nung seedlings. Grabe iniwan talaga nila si Xander para buhatin lahat ng tray pabalik. Buti na lang kahit dalawang tray lang kaya ko dalhin matutulungan ko pa rin siya.

"Just walk behind me, stay close, okay?" paalala ni Xander. Tumango ako habang nakangiti. Yes, let's stay close forever. Nakangiti talaga ako habang naglalakad. E wala e. Kinikilig ako.

Naglalakad na kami pababa nang biglang tumigil si Xander. Napatigil rin ako sa gulat.

"Um, thanks for staying back to help."

"You're welcome. Na-touch ka ba?"

"What?" Tinanggal niya yung isa sa earphones niya.

"Sabi ko you're welcome."

Ako na lang sasagot sa tanong ko. Oo na-touch siya kaya nga nagpapasalamat siya. Biruin mo yun ang supladong si Xander Samule ay natouch sa ginawa ko.

Nagsimulang pumatak yung ulan. Sumigaw si Xander na bilisan daw namin maglakad. Nilakihan ko yung mga hakbang ko. Kaso medyo mabigat yung tray kaya 'di ako makatingin sa nilalakaran ko. Nang sinubukan kong mas bilisan pa, napatid ako sa malalaking ugat ng puno.

"Aray!" Punyeta! Nadapa talaga ako. Parang in slow motion pa. Nabitawan ko yung mga tray at nasubsob ako sa lupa.

Dahan dahan akong bumangon pero hindi ako nakatayo. Nakaramdam ako ng sakit sa kanang paa ko. Na-sprain ata. May kirot din sa mga tuhod ko. Tinupi ko yung pantalon ko at nakita na may gasgas ang magkabila kong tuhod. Pero yung sa kaliwa, mas malaki yung sugat.

Ano ba yan? Sa kanan may sprain tapos sa kaliwa dumudugong gasgas. Siyempre kulang ang isang miserableng okasyon kung walang ulan. Lalong lumakas ang pag-ulan kaya basang basa na ako.

Tinawag ko si Xander pero kahit lakasan ko yung boses ko walang Xander na bumalik. Bigla kong naalala na naka-earphones nga pala siya.

Pinilit kong tumayo. Ang sakit kasi talaga ng paa ko. Isa pang problema, hindi ko alam kung saang direksyon dapat maglakad. 'Di ko makita yung mga maliliit na flags para sundan ko.

The Art of FallingWhere stories live. Discover now