16: Rain

16 1 0
                                    

16: Rain

"Sino namang babae dinala mo dito? Sabi mo noon dalawa na e." Pwede ko nang itanong ngayon kasi may karapatan na akong maging interesado sa kanya.

"My mum and you." diretso sagot ni Caeus.

Halos mabulunan ako sa sagot niya. "Seryoso?"

Tumango tango siya. "This was mum's favourite restaurant so we always came here when she was still alive."

"What's your mum like?"

"She was the most kind and gentle person I've ever met. She was a music teacher. She liked to sing and play the piano. She tried to teach me how to play but I wasn't really interested. I was into basketball since I was young. She would sing to me every night, whenever I'm sick or when something bad happened. She calmed me with her voice."

"Sa kanya mo pala namana yung boses mo."

"Yeah. I miss her you know. I wish you could've met her. She'd like you."

Hindi ko namalayan na pinatong ko pala yung kamay ko sa kamay niya. Ngitian niya ako. I felt my cheeks heat up.

"How about your mum?"

"Si Mama? Maganda, mabait, maalalahanin. Super galing sa Science at Math. Parehas sila ni Papa. Madalang magalit si mama kasi sobrang haba ng pasensya niya pero kapag nagalit siya, sobra kang makokonsensya. Hindi siya namamalo o naninigaw, hindi ka lang niya papansinin at kakausapin. Hindi ka rin niya ipagluluto, ipaglalaba, ipagpaplantsa at ipag-iinit ng tubig panligo. Ilang beses ko pa lang nagalit si mama ng sobra kasi takot na akong maligo ng malamig."

Tumawa kaming dalawa. Pinapagaan ko lang yung usapan namin kasi medyo nalungkot siya sa pag-alala sa mummy niya.

"I don't wanna be on your mum's bad side."

"Oo no! Si papa nga matapang at strikto sa trabaho pero sa bahay malambing at tahimik lang. Para nga siyang hindi pulis kapag nasa bahay. Lagi lang siya nakikinig kay mama."

"You're dad's a policeman?" gulat na tanong ni Caeus.

"Oo, 'di ko ba nasabi sa'yo noon?" He shook his head. "Takot ka no?"

Ha! Subukan lang niya gumawa ng kalokohan. Isusumbong ko siya sa tatay ko.

"E daddy mo ano work?"

"Businessman."

Sa tono ng sagot ni Caeus, parang ayaw niya pag-usapan yung tatay niya. Dun sa mummy niya kasi ang haba haba ng sinabi niya pero pagdating sa daddy niya parang wala siyang gustong sabihin. Change topic na kami agad.

Sa pagkakaalam ko, nakabalik na si Amber. May sakit yung nanay niya kaya nagpaopera sa Amerika. Ayon kay Carly, maayos naman na si Mrs. Gray kaya sa ospital na dito sa Pilipinas magpapagaling.

Kaya nang i-cancel ni Caeus yung tutor namin dahil susunduin niya si Amber sa airport, naintindihan ko. She needs Caeus now more than ever. Kahit kailan ayokong malagay sa posisyon ni Amber. Swerte ako dahil malusog at malakas kami lahat nila mama at papa.

Madalas niyang sinasamahan si Amber pumunta sa ospital. Hindi na niya ako nasusundo sa umaga pero ayos lang naman. Sa aming dalawa, si Caeus naman kasi talaga yung clingy.

Umuulan na naman kaya napilitan na naman kaming kumain sa UCaf. Mabuti na lang at kakadating lang ng allowance ko. Nanduon din ang buong Carlyle's Finest, pati si Caeus. Lalapit sana ako sa mesa nila nang biglang halikan ni Amber sa pisngi si Caeus. Napaiwas ako ng tingin bago tumalikod mula sa kanila. Sumikip yung dibdib ko sa nakita ko.

Sinabihan ko sila Steph na mauna nang bumili ng pagkain at pupunta muna ako ng toilet. Ang totoo wala na akong balak bumalik sa canteen. Ime-message ko na lang sila mamayang kaunti. Nawala na yung gutom ko at ganang kumain. Kailangan ko munang magpahangin para kumalma yung utak ko. Kung anu-ano na kasing naiisip ko.

The Art of FallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon