2: Carlyle's Finest

37 0 0
                                    

2: Carlyle's Finest

Kanina ko pa iniisip kung anong trip nitong si Caeus at talagang nilapitan pa kami para lang magpakilala. Napilitan tuloy si Issa na ipakilala kami sa buong grupo nila. Mukha namang mabait sila lalo na sina Carly, Ate Faith at Kuya Cayden. Polite naman si Amber. Samantalang suplado effect naman si Xander. Kung maka-tingin siya sa akin parang nandidiri. Akala mo naman kung sinong gwapo. Okay, fine. Gwapo naman siya talaga. E kasi naman nung nakipagkamay ako sa kanya, biglang parang may anong kumuryente sa katawan ko hindi ko siya mabitawan agad. Feeling niya siguro creepy ako. Bahal siya sa buhay niya.

Nagyayang magmeryenda yung mga bago kong friends after class. Nag-explore kami sa labas ng campus. Sabi kasi sa akin ni Issa meron daw yung tinatawag nilang uni street na puro mura ang pagkain. Nahanap naman namin agad kasi maraming estudyante ang papapunta rin doon. Kumain ng fishball at turon habang nagkukwentuhan.

Nakakatuwa si Hailey kasi first time niyang kumain ng Pinoy street foods. Favorite niya na yung turon kaya nag-takeout pa siya. Si Steph naman kung anu-ano ang gustong bilhin. Hindi kasi siya pinapayagan kumain ng mga ganito sa kanila. Health-conscious kasi parents niya.

Tinawagan ako ni mama pagdating ng weekend. Nagkwentuhan kami habang naka-video call sa Messenger. Pinaayos nila yung Internet sa bahay para mabilis yung connection kapag nag-video call kami. Medyo okay naman yung first week ko pero miss na miss ko na sa bahay. Ang init kasi dito. Hindi pa ako sanay. Sinasabi ko nga kay Issa itodo yung aircon para Baguio-feels. Na-sense ata ni mama na naho-home sick ako kaya sabi niya subukan niya bumisita. After ng sem pa kasi ako makakauwi. Tapos dadalhan niya raw ako ng ube at lenggua de gato para feeling ko nasa Baguio pa rin ako. Natawa na lang ako. Hindi naman kasi kami lagi kumakain ng mga ganun kahit taga-Baguio kami.

Hindi na ako masyadong kumakain sa cafeteria kasi nga ang mahal ng mga benta. Doon na lang kami sa na-discover naming carinderia sa may uni street. Okay na rin yun para 'di ko nakikita yung Carlyle's Finest. Nakaka-intimidate kasi sila tapos laging puno at maingay yung cafeteria tuwing nandun sila. Pinagkakaguluhan ng mga fans. Tambayan pa naman nila yung cafeteria. Parang naka-reserve yung mesa dun sa may cafe para sa kanila. Walang nagtatangkang umupo dahil pwesto nila yun.

Isang beses na-curious ako sa grupo nila kaya kinunsulta ko ang mga kaibigan kong sina FB, IG at Twitter. Lahat sila may fan pages sa Facebook. Yung kay Kuya Derek lang ang ni-like at follow ko. Halos isang milyon yung followers ni Caeus sa lahat ng social media accounts niya. Yung Twitter niya nga lagpas na ng 1M. Baka dun siya pinaka-active.

Parang ang pinakasikat sa kanila ay yung Carlyle Trinity kung tawagin. Si Caeus, Amber at Xander. Narinig ko sa mga kaklase ko na lahat sila may Wikipedia page. Sila rin yung tipo ng tao na tuwing birthday nila meron silang trending hashtag sa Twitter. O kaya kapag bored sila may pa-#AskCaeus or #AskAmber silang dalawa. Tapos kahit na nagkakape lang sila sa IG live e ang daming viewers at humihingi ng shoutout. Si Xander wala masyadong online presence kaya puro tagged photos and videos ang nakikita ko.

After lunch, dumiretso na ako Chem 101 class ko. Sa may lecture room kami kapag Mondays at Wednesdays tapos kapag Fridays sa Chem Lab naman. Excited ako kasi last week wala yung prof kaya walang klase. Bale parang first day namin ngayon. Favourite subject ko ang Chemistry simula pa nung high school. Balita ko rin kasi magaling si Sir Torres. Nag-sign up kami sa org ng department namin. Nung orientation, nabanggit nila na si Sir Torres ang adviser namin. Sana hindi masyadong terror si sir.

Hindi naman mukhang masungit si sir, strikto lang. Magsisimula na sana siyang magsalita nung biglang nagkaroon ng komosyon dahil may pumasok na late. Nagulat ako nang makita ko si Caeus Celeste. Biglang nagsitilian yung mga babae sa klase! Itong mga 'to! Freshmen pa lang malalanjutay na!

The Art of FallingWhere stories live. Discover now