9: Team Building

14 1 0
                                    

9: Team Building

Nagpaalam ako sa P.E. Instructor namin na magre-refill lang ako ng tubig. Grabe hingal na hingal ako mag-basketball. Puro takbo kasi. Ni isa hindi man lang ako naka-shoot. Umagang umaga basketball. Nakakabwisit. Bakit kasi basketball yung sport namin ng finals? Buti pa nung midterms, chess kaya hindi nakakapagod physically.

Nakatayo ako sa harap ng water fountain nang biglang sumulpot si Caeus sa tabi ko. "Hi BG!" bati niya na pagkalakas lakas.

"Ssh! Mamaya may makarinig sa'yo. Kukuyugin ako ng mga fans mo kapag nalaman nilang ako si BG." Nakakaloka talaga as in may search operations yung mga baliw Caeunatics kung sino raw si BG. Natatakot ako para sa buhay ko sa totoo lang.

"What does kukuyugin mean?"

"Ewan ko sa'yo. I-Google Translate mo. 'Wag mo 'kong tatawaging BG, sasapakin kita."

"Why are you so damn violent?" Inirapan ko siya bago ako tumalikod. "Wait. I have something to tell you."

"Ano yun? Bilis! Sabi ko sa teacher namin kukuha lang akong tubig."

"Tonight's our first game this season. Can you go and watch?"

Umiling ako. "Hindi ako mahilig sa basketball." Kaya nga hirap na hirap ako sa lecheng P.E. na yan. Babawi na lang ako sa written test.

"C'mon. I want you to be there and watch me play."

"Mag-aaral pa ako. Baka si Steph manunuod. May crush siya dun e. Si number 21." Nakalimutan ko yung pangalan. Grabe din magka-crush si Steph. Talagang ini-stalk niya online at minemessage niya pa araw-araw. 'Di ko kaya yung ginagawa niya. Baka mabaliw ako sa kahihiyan.

"Please." Nag-prayer position ang loko habang kumukurap kurap yung mga mata niya na parang nag-papaawa. Mokong na 'to. Nagpa-puppy dog eyes ba siya?

"Titignan ko muna. Sige na. Ba-bye na." Mabilis akong naglakad palayo kay Caeus. Wala akong balak manuod ng game niya. Sinabi ko lang yun para 'di na niya ako kulitin.

Napansin ko kasi na sanay si Caeus na lahat ng gusto niya nakukuha niya. Madalang siguro siyang nakakarinig ng 'no' mula sa iba. Kapag may humindi sa kanya, para siyang kiti kiti na hindi mapakali.  Kukulitin ka niya hanggang sa makuha niya yung gusto niya sa'yo. Parang bata.

"I'm so hungry. You guys wanna eat dinner together?" tanong ni Hailey pagkalabas namin ng library. Kanina pa tapos yung klase namin kaya lang may tinapos kaming group report para bukas.

"I want! But the game is starting na. I need to cheer for my baby Shane. Bili na lang tayo snacks then dinner tayo after the game."

"Okay with me. Jess?" Parehas silang nakatingin sa akin hinihintay yung sagot ko.

"Kayo na lang. Uuwi na ako. Pagod na ako e."

"You sure?" Hailey asked.

"E 'di ba, Caeus invited you to watch?" sabi ni Steph. Dapat pala hindi ko na kinwento sa kanila yung kanina.

Wala namang magbabago kung manunuod ako o hindi. Tsaka sigurado kumpleto yung Caeunatics dun na susuportahan siya. Marami naman siyang fans na manunuod sa kanya. Hindi na niya mapapansin na 'di ako nanuod.

"Sige na. Uwi na ako. Bukas na lang tayo mag-dinner."

Pagdating sa bahay, nagluto ako ng corned beef. Ako lang yung kakain kasi may date sila Ate Issa at Kuya Derek. Habang kumakain ako, may nag-send ng link dun sa group chat ng block namin. Live streaming ng game nila Caeus laban sa St. Vincent. Siyempre hindi ko pinanuod. Konti lang data ko. Wala namang free wifi sa dorm. Alam ko naman mananalo si Caeus. Never ko pa siya napanuod pero alam naman ng buong Carlyle na magaling siyang maglaro.

The Art of FallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon