12: Enchanted

14 0 0
                                    

12: Enchanted

Ayon sa fan page ni Xander, special guest siya sa isang piano concert. Bumili ako ng ticket kahit na katumbas iyon ng allowance ko ng dalawang linggo. Maglalakad na lang ako papasok sa school at pauwi. Wala na ring miryemiryenda.

Hindi ko alam kung saan ko nakukuha yung tapang ko. Mag-isa lang akong pupunta sa concert. Nag-dress at nag-makeup pa ako. Talagang pinaghandaan ko ang gabing ito. Kinakabahan ako na ewan. Wala naman akong balak kausapin si Xander. Manunuod lang naman ako. Kung makita niya ako e 'di babatiin ko siya. Kung hindi naman, okay lang. Basta napanuod ko siya.

Ang lakas ng palakpak ko nang lumakad na sa gitna ng stage si Xander. Grabe ang gwapo niya. Naka-all black tuxedo siya. Parang kumikinang talaga yung mga mata niya.

Napanuod ko na ata lahat ng performances niya online pero iba pag-live. Nagu-goose bumps ako sa sobrang galing niya. Nakapikit pa minsan yung mata niya habang tumutugtog. Nang matapos siya, may tumulong luha mula sa mata ko. Tumayo lahat ng nasa audience para palakpakan siya. Ganun siya kagaling. Sobrang proud ako sa kanya.

Sayang bawal kumuha ng pictures at video. Yung ticket lang ang remembrance ko kaya itatago ko talaga yun. May nakita akong mga babaeng nagpapa-picture kay Xander. Baka members din sila nung fan page. Hindi ngumingiti si Xander pero hindi naman siya mukhang naiinis. Nahihiya akong lumapit kaya pinanuod ko lang sila. Nakita ko si Ate Amber na naglalakad papalapit kay Xander. Nanuod din pala siya. Siya lang kaya ang nandito? HInintay ko kung may lalapit pang kaibigan nila. Mukhang siya nga lang.

Pagkakita ni Xander kay Ate Amber, lumiwanag yung mukha niya at lumaki yung ngiti niya sa labi. Ngayon ko lang siya nakita ngumiti ng ganun. Nagyakapan silang dalawa. Tapos si Xander hinalikan sa noo si Amber. Parang biglang kumirot yung puso ko. Alam ko magkaibigan sila at normal naman siguro yun sa kanila. Pero 'di ko mapigilang magselos at masaktan. Ano ba 'tong nararamdaman ko? Para na naman akong tanga.

Pag-uwi ko sa bahay, naabutan ko si Ate Issa na busy sa laptop niya. "Hi. How was the concert? Did Xander see you?"

"Okay naman. Ang galing niya talaga mag-piano." Inikot niya yung upuan para harapin ako.

"Really? Boring ba? Why do you look so down?"

"Ate, may itatanong ako."

"What is it?"

"May gusto ba si Xander kay Amber?"

Napakagat sa labi si Ate Issa habang nakatingin sa akin. Pinaupo niya ako sa kama. "Okay. I didn't tell you this because I thought Xander was just your crush. But now I think it's more than that. You really like him now, don't you?"

Tumango ako.

"Dapat pala sinabi ko sa'yo agad. It isn't obvious because they're really close but Xander, Amber and Caeus are in some kind of a complicated love triangle."

Sa gabing ito ko nalaman na matagal na palang in love si Xander kay Amber. Simula bata pa lang sila. He doesn't pursue her because he knew she likes Caeus. Si Caeus naman kung sinu-sino nagugustuhang babae. Tama nga yung sinabi ni Ate Issa ang complicated nila.

Medyo nasaktan ako. Kahit hindi naman dapat. Akala ko kasi pwede. Akala ko may pag-asa. Akala ko lang pala.

Isang linggo na ang nakalipas pagkatapos nung piano concert. Isang linggo na rin akong parang tangang nag-i-emo at nagdadrama. Wala akong gana gumawa ng kahit ano.

Ewan ko ba bakit sobra akong affected. Hindi maalis sa isip ko yung liwanag na nasilayan ko sa mga mata ni Xander tuwing makikita niya si Amber.

Bakit ba kasi ako nasasaktan? E dapat crush ko lang si Xander. Inspirasyon lang ganun. Ano naman sa akin kung may gusto siya kay Amber?

The Art of FallingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon