Chapter 1: Birthmark

1K 43 16
                                    

Daniela's POV

"Jusko! Ella? We are going to a formal dinner tapos you are just going to wear a shirt, pants and rubber shoes?! Magbihis ka nga!" Iritang sabi ni Ate Tata.

Palagi na lang nakatutok sa kung anong susuotin ko. Eh hindi talaga ako kasing girly niya eh. Ah basta mas gusto ko pa rin na maging komportable. Bakit? Titingnan ba ako at i-judge ng mga tao base sa suot ko? Bahala sila.

"Ate Ta, sorry pero hindi ko talaga feel mag dress-dressan tonight. Tsaka baka matagal ang celebration ayokong mangawit ang mga paa ko sa pagod ng dahil sa high-heels. We will come there to grace the celebration and not to please people."

"Ayan ka na naman Daniela eh. Dinadaan mo ako sa mga pa philosophy in life mo na yan. Para ka talagang titser o madre. Try mo rin kaya mag dress kahit ngayong gabi lang?" Sabi niya habang sinusuot ang itim na stiletto niya. She is wearing a black dress as well.

"It's either ganito ang suot ko, or hindi ako sasama at all." Madiin kong sabi habang nagbabasa ng paborito kong magazine.

"My gooodness you are a hopeless case. Bahala ka sa buhay mo." Inarapan ako ni ate at pumunta na siya sa vanity table niya para mag make-up.

Ako? Hopeless case? Jusko matagal ko ng alam. Kaya nga ayaw ko ng sobrang stress at hassle sa buhay. Que sera sera, whatever will be, will be. Pero hindi ibig sabihin na wala akong plano sa buhay ko. I have big dreams too.

That's why kahit labag kina mommy at daddy ang kinuha kong kurso na Architecture, I pushed through kasi alam kong dito ako sasaya. Mahilig kasi ako mag drawing, mag sketch, at fascinated ako sa mga designs ng bahay. Especially ancenstral houses. There is something in them that makes me appreciate it so much. They are not just old houses, but they have stories underneath their structures.

Ate Tata na ang tawag ko sa kapatid ko kahit na kambal kami. Eh kasi nasanay na kami mula noong bata pa kami. Mas gusto kasi ni mommy at daddy na ate ang itawag ko dito. And then, she calls me Ella naman.

I always look up to her. Kahit na strikto ito at palagi na lang pina-kekealaman ang buhay ko, mahal ko pa rin ito. We are now in our final year in college. Sampung buwan na lang and finally graduate na rin.

And now, its our favorite time of the year-summer. Bakasyon at pahinga. Kaya lang, may mga formal gatherings din hindi maiiwasan. 

Pinuntahan ko si ate sa vanity table niya and stared at her.

"Ate Ta, maganda ka naman kahit walang make-up eh."

"Ella, I know. Kaso we have to be formal and dress up nicely because it is what it is. And besides, minsan lang to. Sige ka pag hindi ka mag bihis diyan baka pagalitan ka ni mommy at daddy."

Ngumuso ako at napakamot ng buhok.

"Pahiram na lang ng dress."

"Yeeeee perfect. I have an orange one wait lang."

Si ate gustong gusto talaga na dini-dress up ako. Ang saya saya niya samantalang ako napipilitan lang talaga.

Rita's POV

Hindi ko talaga maintindihan why my little twin sister is so different from me.
Hey don't get me wrong, I love her with all my heart. Ilang mga babae na rin ang naka-away ko ng dahil sa sobrang kabaitan niya. Hindi kasi marunong lumaban.

Diba pag binatukan ka na wala ka namang kasalanan magagalit ka? Ako talaga babatukan ko rin ang taong yun pero ito kasing si Daniela isang "aray" lang ang gagawin at ngingiti na ito ulit sa taong nang batok sa kanya.

Our parents' privately own a travel and tours company. May ka sosyo sila dito- ang mga Nava. Which, bestfriends din nila since college. Sila ang rason kung bakit bihis na bihis kami ngayong gabi. Its because graduate na ang nag iisa nilang anak na babae-si Ate Michelle who wants to franchise and manage another branch. She graduated a Bachelor's degree in Business Aministration which I am currently taking in the same school. Kaya medyo close na rin kami nito.

The CrossoverWhere stories live. Discover now