3

2.7K 119 23
                                    

2:00pm na at kami na lang ang naiwan dito sa corridor samantalang sila, ang mga ate, pumunta na sa laro nila Cole.

Gusto ko rin manood para masuportahan sila pero naalala ko yung sinabi ni Gabb, na layuan ko si Cole.






Dahil mabait akong girlfriend, lalayo ako.







Di rin naman siya nanood kahit alam kong gusto niya rin manood.

"Sumunod ka na sa kanila, alam kong gusto mong manood. Hintayin na lang kita sa bahay." Sabi nito habang nakatingin sa kawalan.







"Ayoko manood." sagot ko.






"Wehh? ‘Di nga?" ngising tanong niya.






"Gusto ko, pero mas gusto kitang kasama." Ngumiti naman siya at mukhang pinipigilan ang kilig.








"Oh kinilig?!" asar ko.







"Anong pinagsasasabi mo?" Tanong niya kasabay nang pagwala ng emosyon ng mukha nito.







"Tanga! Tingnan mo kulay mo namumula." tawang tawang sabi ko.








Agad siyang nagsalamin sa phone niya at natawa na lang rin sa itsura niya.

"takte! Bat ganito kulay ko." natatawang sambit niya.







Hinatak ko na ang kamay nito dahil gusto ko nang umuwi.

"Tara na nga umuwi na tayo baka mamaya yang patingin-tingin mong yan sa ground floor nakahanap ka na ng babae mo." Asar ko rito.







Binigay ko yung susi sa kanya dahil siya ang magdridrive. Ako kasi naghahawak ng lahat ng susi namin. Susi ng bahay, susi ng kotse pati susi ng puso niya yieeeee!









Pagdating namin sa apartment sumalubong samin yung matandang landlord ng building na ‘to.

"Pwede ko ba kayong makausap?" sabi nito.






"Ahh s-sige po." kinakabahang sagot ko.






"May nagrereklamo na kasi na kapitbahay niyo." Patuloy ng matandang babae.





"Ano pong problema?" Tanong ni Gabb.






"Lagi daw may nag-aaway dito tuwing gabi at laging padabog yung pintuan niyo. Nandito sana ako para disiplinahin kayo, tutal mga bata pa naman kayo."






"Sorry po" sabay naming sambit ni Gabb.







"Di ko naman kayo papaalisin, wag kayong mag alala matuto lang kayo, okay?" Ngiting sabi nito.






"Opo, sige po."






"Hangga’t maaari humingi kayo ng paumanhin sa kapitbahay niyo."







"Gagawin po agad namin. Salamat po".
Sagot na lang naming dalawa.





"Oh siya, sige na." pagpapaalam nito.






Napabuntong-hininga na lang kaming dalawa sa kagagahan namin.

"Wag na tayo mag-away." biglang sabi ni Gabb






"Oo na." sagot ko.






"I mean wag mo na ‘ko awayin." dugtong nito.






"Stay with me" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon