"21"

1.8K 94 31
                                    

GABB's POV.

Hindi ko akalaing huling araw na pala namin sa bahay na yon. Kung saan nangyari ang lahat. Kung saan nabuo lahat ng alaala namin ni Coleen.

Tuluyan na kaming pinaalis.

Agad akong naghanap ng malilipatan gamit ang perang naipon at inutang ko.
May nahanap naman ako pero hindi tulad ng dati naming tinitirhan.

"Eto lang nahanap ko, pag pasensyahan mo na."sabi ko habang pinapakita sa kaniya ang buong unit.


"Okay lang no, mas maganda pa nga dito e." Ngiting sabi nito habang nililibot ang tingin sa buong kwarto.


"Maliit naman dito "


"Maliit rin naman yung dati nating bahay ah."


"Wala naman aircon."


"Nakakasawa na kaya mag aircon, alam mo! Ang negative mo!"


"Kase eh."


"Wag mo na kong intindihin. Hindi naman ako maarte pag dating sa mga ganto." Ngiting sabi nito.







Pilit naming kinakaya ang lahat ng pagsubok na dumating, kahit sobrang hirap na pero

Halos sunod sunod ang pagdating ng problema na para bang sinasadya na.




"Baby."


"Mmm?"


"Ok ka lang? Magpahinga ka na. Pagod na pagod ka na."



"Ok pa naman sadyang inaantok lang."



"Wag ka na maligo at baka mapasma ka niyan, Magpalit ka na lang ng damit."
Agad akong nagpalit ng damit at kusa na lang bumagsak ang katawan ko sa kama sa sobrang pagod.


"Gabb, okay ka lang ba talaga?"


"Oo naman." Agad akong bumangon ng mapansin ko ang braso nito na may pula pulang pantal nanaman.


"Ano nangyare dito?"


"A-ahh wala yan kagat lang ng lamok."
Tinignan kong siyang mabuti at napansin ko rin na may kaunting rushes na ang likod nito. Nalimutan kong sensitibo pala ang balat niya.


"Hindi pa kasi ako sanay sa tubig dito. pero mawawala rin yan pag tumagal na." Pagdadahilan niya.

Hindi ko maiwasan makaramdam ng inis at awa.


Naawa ako sa kaniya at naiinis naman ako sa sarili ko dahil sakin nagkakaganto siya.


"Gabb?"


"Bakit?"


"Kung mag stop muna kaya ako sa school."


"Ha?! Wag kang magsalita ng ganyan."


"Para matulungan kita."


"Hinde! Makinig ka, hindi ako papayag na tumigil ka sa pag aaral."



"My dad cancelled my credit card at sinabi niyang ibabalik niya yon pag bumalik ako sa bahay niya."


"Kung gusto mo ng umuwi sa kanila, okay lang saki-"


"No way! Ayoko! Hindi kita iiwan." Sabi nito at yumakap sa akin ng mahigpit.


"Coleen-"


"Stay with me" Where stories live. Discover now