"20"

1.8K 88 12
                                    

GABB's POV.

"Pwede ko ba kayo makausap." Sabi ng matandang landlord.

"Sige po." Pinapasok muna namin siya sa loob dahil mukhang may importante itong sasabihin.

"May bago na kasing bibili ng Unit niyo. Masyadong biglaan, Ayoko man paalisin kayo rito pero nangangailangan rin kase ako ng pera."


Sandali kaming natahimik dahil sa sinabi nito.

"Susubukan po naming Magbayad."ani ko.



Hinatid ko na si Coleen sa school at iniwan na rin sa kaniya yung kotse.
Bago pa ito pumasok nilingon muna ako nito.

"San ka pupunta?"tanong niya

"Hahanap ng paraan."


"Mag iingat ka."

Nag commute na lang ako papunta kung saan meron pinakamalapit na atm dito.


Ayoko man gamitin tong pera na binigay ng parents ko. Para samin rin naman ito. Ibaba ko muna ang pride ko.


Agad kong pinasok ang credit card. bigla ako nakaramdam ng matalim na bagay sa tagiliran ko at presensya ng dalawang tao.


"Wag mong subukan gumawa ng ingay." Mahinang bulong nito.


Sunod sunod ang aking paglunok ng mas lalo nitong dinidikit ang patalim sa bewang ko. Namumuo na rin ang pawis sa gild ng aking pisngi.

"Hindi ka masasaktan kung  madali kang kausap."


"A-ano bang gusto niyo?"


"Ibigay mo lahat ng laman na pera ng card na yan."


Nakabantay ito sa bawat galaw ko. Sinubukan kong bagalan kumilos at bakasakaling may dumating na guard pero wala.

"Bilisan mo kumilos! Ang kupad mo!" Sigaw nito.


Dali dali ko ng tinype ang pin dala ng takot at kaba.

Rinig ang pagkamangha ng dalawang armadong lalake ng makita nila kung gano kalaking halaga ang laman ng credit card.


"Hoy! Bilisan mo! Iwithdraw mo na lahat yan!"


Wala akong magawa kundi panoorin ang isa nitong kasama na nilalagay sa bag ang mga perang lumalabas sa makinang ito.


Fuck!


Walang tinira ito miski singko.
Nakatutok lang ang baril nito sakin habang tumatakbo sila papalayo para siguraduhin hindi ako makagawa ng dahilan para mahuli sila.


Napaupo na lang ako sa gilid dahil sa labis na panghihinayang. Hindi ako makapaniwalang napakalaking halaga ng pera na nawala ng ganon ganon lang.

Bakit ba may mga ganitong tao.


"Bwisit!" Wala sa sarili kong tinapon ang credit card.





COLEEN's POV.

Pagkatapos ng klase naisipan ko agad umuwi. Pagod na pagod ako ngayong araw gusto ko ng makita yung taong tanging pahinga ko.


Agad akong nakarating. Buong ngiti kong binuksan ang pinto pero walang akong Gabb na nakita.


Tinawagan ko siya ng ilang beses pero nagriring lang ang phone nito.


"Stay with me" Where stories live. Discover now