"9"

1.9K 97 9
                                    

GABB

Agad ako nag ayos at naghilamos ng sarili. Dali dali akong lumabas ng kwarto para kitain yung sinasabi ni lola na kanina pa naghihintay sakin.


Siya kaya yun? Imposible naman haha di niya naman alam papunta dito e.


"Gabb!"


"Ate Ecka! Ate belle!" Agad ko silang sinalubong ng yakap.

"Miss na miss naman kami ng gabo namin." ate belle.



"Syempree! Hoy Ilibre niyo ko!"


"Ito, kakadating lang e libre na agad gusto." ani ate ecka.


"Huy! Ano ka na jan girl?" Sabi ni ate belle sa likod niya.


Kaya tinignan ko kung sino sinasabihan nito.


"Uuwi na ko." Sabi nito at tumalikod sa amin.


"Hoy! Nile, para kang tanga! Todo aya ka samin pumunta dito tas ikaw pa unang uuuwi?" sabi ni ate Ecka kaya humarap ito ulit samin. Bumitaw ako sa pagkakayakap kay ate belle at nilapitan si Nile.


"I miss you." sambit ko.


Tinarayan lang ako nito. Hangang ngayon galit pa rin siya sakin. Dahan dahan ko itong sinalubong ng yakap.


"Hoy!Gabb! Baka umasa nanaman yan HAHAHAHAH"

"HAHAHAHAH bat parang iba yung pagkakabigkas mo ng I miss you?"


"Alam niyo issue talaga kayo!" Sabi ni Nile habang pinipigilang ngumiti.


Childhood bestfriends ko sila pinakaclose ko si Nile dahil laging may sariling mundo sila ate ecka at ate belle.

Napakabait niya, cute at malambing. Siya ang lagi kasama ko dito sa bahay ni lola, lagi rin siyang nag slesleep over dito dahil di talaga ako sanay matulog ng walang katabi.

Halos di kami mapaghiwalay dahil lagi kaming magkasama kaya labis na lang ang galit niya . Nung Lumipat na ko sa Manila ng wala manlang pasabi sa kaniya.

Medyo nag iba na rin ang ugali niya. Ang dating sweet na Nile, ngayon Lagi na kong tinatarayan at iniirapan.



"Kumain na kayo dito mga apo." aya ni lola kaya dumeretso na kami sa mesa.


"Ang sarap talaga ng luto ni nanay." sabi ni ate belle.


"Oonga eh, namiss ko nga to eh." ngiting sabi ko.


"Malamang, ilang taon pa nung huling bisita mo dito." sabi ni Nile habang deretso lang nakatingin sa pagkain.


"Eto kasing si Nile araw araw nabisita dito." Ani ni lola.


"Opo,araw araw chinecheck kung dumating na si Ga-" ate belle.


"Tinutulungan ko si mommylola na alaagan si hanz and lexine." Mataray na sabi nito kay ate belle at ate ecka.

"Kumain na nga lang kayo mga bata kayo." sabi ni mommy.


Pagtapos kumain naghugas ng pinggan si Nile. Sinubukan ko siyang tulungan pero tinaboy lang ako nito.


"Alis na kami Gabb, may pupuntahan pa kami e." sabi ni ate belle sabay yakap sakin.


"Hoy! Iiwan niyo ko dito?" Sigaw ni Nile.

"Magdadate pa kami, usto mo maging thirdweel?"


"Ayoko nga!"


"Sige, bye na Gabb next time na kita ililibre, bye na po nanay!" Paalam ni ate ecka sabay yakap rin sa akin.


"Stay with me" Where stories live. Discover now