"14"

2.3K 112 37
                                    

GABB's POV.

After what happened mas lalo siyang naging sweet sakin kaya mas lalo akong napapamahal sa babaeng to.


She always remind me na mahal na mahal niya ko. Kaya sobrang saya ng puso ko. Nawala na rin ang takot ko na baka agawin siya ng iba dahil alam kong hindi siya mag papaagaw.


Pakasalan ko na kaya to? para di na makatakas.


Hindi ko alam kung hangang kelan aabot tong nararamdaman namin dahil alam kong mas marami pang pagsubok ang nakaabang sa mga parating na araw. Kaya pinapahalagahan ko talaga ang bawat oras na kasama siya.


"baby?"

"Mmmmm?" Pilit na sagot nito habang nakahiga sa ibabaw ko. Medyo mabigat siya pero hinayaan ko na lang dahil mukhang komportable siya sa ganoong pwesto.

"I love you."


"Yes you do." Confident na sagot niya kaya natawa ako.


"Sure ka na ba sakin?"

Inangat nito ang ulo niya at kunot noo na tumingin sakin. "Why you always asked that question?"

"Uhmmm survey?" She gave me pecked on my lips for the answer.

"Your always asking me. How about ako naman magtanong sayo?" Ani niya.



Bigla akong kinabahan, pero di ko pinahalata. "Then ask."


"San ka pumunta nung mga araw na wala ka dito?" Tanong niya habang deretsong nakatingin sa akin.


"Aishh w-wag mo na tanungin yon, nandito naman na ako."


"Alam mo bang? sobrang lungkot maiwan mag isa dito sa kwartong to." Sabi niya na may halong pagtatampo ang boses nito.

"Sorry, babawi ako."


"Nakakainis ka."


Sinamaan niya ko ng tingin kaya hinalikan ko ang kaniyang noo. Natawa naman ako ng unti unting umamo ang mataray na mukha nito.


apakababy.



"Don't worry simula ngayon I'm gonna shower u all my attention."


"Talaga?"


"Tas shower din tayo together, usto mo yun?" Biro ko sabay kindat kaya biglang namula ang magkabilang pisngi nito.


"Manyak." Sagot niya sabay kagat sa balikat ko.

"ARAAAYY!" mas lalo niya pang diniinan ang kagat.

Dahan dahan kong tinulak ang noo nito palayo sa balikat ko dahil mukhang wala siyang balak tumigil.


"Masaket, masaket." ani ko at sinamaan siya ng tingin.


Tawa siya ng tawa ng mapansin niyang napipikon na ako. Halos mawala na rin ang mata nito sa sobrang pagngiti.


"Galit ka na niyan?" Natatawang tanong nito.

Lambingin mo ko...balakajan.


"Masakit kaya." Sabi ko habang hinahaplos yung parte na kinagat niya.

"Edi i bite mo rin ako?" Ani niya habang nagbababy talk kaya di ko maiwasang mapangiti.


"Oh! Here! Bite me here!"
Inaabot niya yung braso niya, Dali dali kong hinawakan ito.

"Stay with me" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon