"11"

1.9K 101 9
                                    

COLEEN

Sinabay ko na si Cole sa kotse ko at hinatid ko pa sa bahay nila. Pagpapasalamat ko na rin sa pagpayag niya sa pinapagawa ko. Sisiguraduhin kong magbabayad yung Amy na yon,

tanginaaa bakit ba ko pumayag na halikan yun?

Feeling ko na set up ako, saktong nakita pa ni Gabb, baka naset up nga talaga ako?


Bigla kong sinabunutan ang sarili ko dahil sa mga nakakabobong naiisip ko.

"No, Coleen it's all your fault. You're too damn paranoid, that's what happen to you."

Pero hindi, natatakot lang ako na baka maagaw siya ng ibang babae na mas maganda, mas sexy, mas mabait at hindi selosa argghhh!


Tangina Gabb umuwi ka na! Sabi mo ayaw mong iniiwan mo ko.

Kung ano ano na naiisip ko oh.
umuwi ka na huy.



SELA's POV.

Natapos na ang buong klase kaya umuwi na kami. Hangang ngayon nagtataka pa rin kami kung bat absent yung mag jowa.


Ako kasi yung nautusan ng magulang ni Gabb na magbantay sa kaniya at si Abby naman kay Coleen dahil pinsan niya ito.



Kaya kaming dalawa lagi nagaalala tuwing may problema sila.


Akin yung apartment na tinitirhan nila tas andito ako ngayon nakatira sa apartment ni abby, wala naman problema dahil jowa ko to.


Debale palihim lang na nagsasama si Coleen and Gabb dahil tutol ang mga magulang nila sa isat isa. Pag bumibisita doon ang parents niya ako lagi yung mukhang tangang nagmamadaling pumunta don para ipakitang ako yung kasama niya.


"Babe, kakain na ko balakajan." sabi ni abby na kanina pa ko inaaya.



"Ito na nga oh."Agad akong tumabi para sabayan ito kumain.


"Wag ka ng mag aalala. Ngayon lang naman sila absent. Pag bukas absent pa yon. Yari na talaga sakin yung dalawang yon." sabi niya.



"Kelan ulit yung test?" tanong ko.


"Sa monday." sagot niya habang may laman pa ang bibig.


"Ano na ngayon?"



"Thursda-Luhh!! ilang araw na lang pala." sa gulat nito nabagsak niya ang kutsara na hawak niya.


"Pano ako nito ngayun?"


"Don't worry itututor kita."


"Talaga?"


"Parang may ibang choice naman ako?"


"Yieeee thankyou baby! Labyouuu!"


"Oona."


" ang swerte ko talaga sayo"


"Kumain ka na nga lang diyan."




COLE's POV.

"Ate, tulungan niyo na ko." pagmamakaawa ko sa mga to pero wala pa rin silang pake.


"Tigilan mo ko Cole, may jowa na ko, ayokong madamay sa kalokohan niyo ni coleen." Sabi ni ate dana.


"Kelan ka pa nagkajowa? At sino?"


"Stay with me" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon