"17"

1.8K 101 59
                                    

GABB's POV.

"Ikaw."


"H-Huh?"

"Ikaw anong gusto mong next na laruin natin?" Sabi nito.


" t-tara dun tayo."


Next naming nilaro is yung hammer na ewan. Kelangan mong hampasin ng napakalakas yung bilog. Kung gano kalakas yung hampas mo ganon rin kataas yung points mo. Basta hammer siya hirap i-explain.


Agad ako naghulog ng coins at hinawakan yung hammer at hinampas iyon sa bilog na target.

"Ang hina mo naman? ." Sabi niya at tumawa ng nakakaasar.


"Ehh syempre di ko pa masyadong nilalakasan."

"Puro ka dahilan, ganito kasi yan. Alam mo bang ginawa tong larong to para ilabas lahat ng sama ng loob mo?" Pagpapaliwanag niya.


"Huh?"


"Isipin mo yung bilog na yan yung nanakit sayo tas hampasin mo ng ganito."  Inagaw niya sakin yung hammer at malakas na hinampas dun sa bilog.  Napanganga naman ako dahil Muntik niya ng ma beat yung high score pero hinde.

"Ang galing!"

"Syempre ako pa ba? HAHAHA."
Naghulog ulit siya ng tokken at pumwesto.


"Paasa kang hayup ka!" Buong lakas na sigaw niya bago niya ihampas ang maso.


Paasa? Sino? Huy? Sino yun?


Naghulog ulit siya ng tokken.


"Manhid ka!" Sigaw nito bago hampasin ulit ang bilog.


Uy! Nakakatakot ka na laney.


Naghulog ulit siya ng tokken at muling hinampas ang bilog.

"Babaero!"


Huy! sino ba yun sinasabihan niya.
hindi naman siguro ako yun dibaa.
may trauma na ko sa word na yan.


"Tama na yan." Pag pigil ko pero tinawanan niya lang ako.

Tinawanan niya lang ako ng tiwanan at dahil nakakahawa siya tumawa na rin ako. Napansin kong namamasa na ang mga mata nito.

"Umiiyak ka ba?" Tanong ko.


"Huh? Umiiyak? Hindi ahh."


"eh? Ano yan?" Turo ko sa mata niya.

Agad niya naman pinunasan ng kamay niya at pilit na ngumiti ulit sakin.

"Pinagpapawisan lang eyeball ko."


Hinatak niya ko sa isa pang game na feeling ko siya lang nakakaalam.

Suki ba siya sa mga ganito?


Agad siyang umupo. Nung nagstart na Halos hindi niya na ko pansinin sa sobrang focus sa paglaro.


"Laney, bibili lang akong tokken ahh."
Sabi ko pero hindi manlang niya ko nilingon.

Naglakad na ko papunta sa bilihan ng tokken. Nadaanan ko nanaman yung toy machine. At nakita ko nanaman yung pinanggigigilan kong stuffedtoys na kanina ko pa hindi makuha.




LANEY's POV.

"Yes! Nanalo ako!" Malakas na sigaw ko.

Pag nandito talaga ako sa arcade kusang nawawala lahat ng problema ko. Feeling ko dito yung tunay na mundo ko kung saan puro saya lang.

"Stay with me" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon