"28"

1.6K 91 41
                                    

GABB's POV.

Hinarurot ko na ang kotse.
Hindi na ko nagdalawang isip pumasok sa bar na ito.






sumalubong sakin si Cole. Mapungay ang mata at namumula ang mukha. Bakas rin ang amoy ng matapang na alak.

"Cole! Asan si Coleen?"daling tanong ko pero tinawanan lang niya ako.






"Hinahanap mo?"






Hinawakan ko ang magkabilang braso nito at deretso siyang tinitigan. Namamaga ang mga mata niya na para bang kakagaling lang rin sa iyak.
"Nasaan siya? Please sabihin mo."








Inangat nito ang dalawang palad niya at umiling "Wala na."








Agad ko itong binitawan. Walang patutunguhan tong pagtatanong ko sa kaniya. Naglakad na ako papasok ng bar at baka sakaling makita ko si Coleen.





"Wala kang kwenta!" Biglang sigaw ni Cole.






Napahinto ako sa paghakbang.



"Ang sabi mo iingatan mo siya!"
Dahan dahan kong nilingon si cole at  dumadaloy na ang luha sa pisngi nito.



"Ang sabi mo hindi mo siya sasaktan."
Pinilit siyang naglakad papalapit sakin kahit na pagewang gewang pa ito.





"Ang sabi mo hindi mo siya ipapaubaya sa iba!"

"Pero anong ginawa mo?!"


"Gusto ko lang sabihin sayo. Napakawala mong kwenta!"










Bawat salitang lumalabas sa bibig niya deretsang tumutusok sa dibdib ko.

"Kung alam ko lang ganito gagawin mo kay Coleen. Sana hindi ko na lang siya pinaubaya sayo!"







"Lagi siyang umiiyak at ikaw lagi ang dahilan."






"W-wala kang alam samin."







"Oo wala akong alam! Pero alam kong nasasaktan siya dahil sayo!"







"nasaan si Coleen? Sabihin mo."






"Itigil mo na to , Gabrielle."

"Mas mabuti pang wag ka ng magpakita sa kaniya kahit kaylan."



THIRD POV.

"Uuwi na tayo? Baby ko?" Lasing na sambit ni Coleen habang nakakapit sa leeg ni josh.






Di naman nito maiwasan mapangiti ng tawagin siya ng ganoon ni Coleen.

"Hmm. Uuwi na tayo."






"Bakit mo ko binalik kay daddy? Diba sabi ko ayaw ko sakanya?" Lasing na tanong ni Coleen at yumakap pa lalo ng mahigpit sa  leeg ni josh.








Mas lumawak ang ngiti ni josh dahil ngayon lang niya naranasan ang mahagkan si Coleen.

Humiwalay na ito ng yakap at hinawakan siya sa magkabilang pisngi. Halos bumilis ang tibok ng puso ni josh at  Napapikit na lang  sa gulat.








"G-Gabb?"



Marahan niyang idinilat ang mata at Unti unting nawala ang ngiti sa kaniyang labi.






"Stay with me" Where stories live. Discover now