"10"

1.7K 85 3
                                    

COLEEN

wala sa sariling naglalakad ako ngayon kung saan. Hindi ko alam kung san ako pupunta.

Hangang ngayon wala pa rin paramdam si Gabb.

Diniinan ko ang hawak sa aking cellphone at walang ganang tinitigan ito. Ilang calls na ginawa ko pero hindi niya parin sinasagot. wala sa sariling binalibag ko ito.


"Ughhh!!!"



"Look who's here." isang pamilyar na boses kaya nilingon ko ito.

Dali dali kong dinampot ang phone ko sa sahig. Humakbang siyang papalapit sakin at pinitik ang noo ko. matangkad siya kaya di ako makaganti.

Sikmuraan ko na lang kaya?

"Bakit hindi ka pumasok?"

"Day off ko." iritang sagot ko.

"Wow? Ikaw lang yung estudyanteng may sariling day off."

Hindi ko na pinansin ang mga sinasabi nito habang pinupunasan ang phone ko.


"Tara kain tayo." aya niya.


Sumama na lang rin ako dahil hatak hatak nito ang kanang kamay ko. Huminto kami sa burger king na malapit lang dito.


"Eh ikaw bakit ka nandito?"tanong ko.


"Kakatapos lang namin magtraining."


Walang gana kong kinagat ang cheese burger na nasa harapan ko.
Tinitigan niya lang ako ng deretso.


"Okay ka lang?"takang tanong nito.


Nginitian ko lang siya dahil tinatamad akong magsalita.

"Minsan na nga lang tayo magkita puro ka pa cellphone." pagtatampo nito.



COLE's POV.

"Tampororot agad ang bestfriend ko." sabi niya habang nakatingin pa rin sa phone niya.

"Akin na nga yan!" Agaw ko dito.

Dali kong tinignan kung ano bang meron sa phone na to kung bat lagi niya tinitignan.

Pagka on ko lumabas lahat ng 121 calls niya kay Gabb na hindi sinagot. Imagine 121 misscall from Coleen Trinidad? Look how blessed you are Skribikin.


"Nakakaawa ka." sabi ko sabay hagis saknya ng phone niya. Agad niya naman itong sinalo at tinago sa bulsa niya.


Hangang ngayon nagpapakatanga ka pa rin kay Gabb, marami namang ibang nagmamahal sayo ng todo. Nandito naman ako.

"Nagaway nanaman ba kayo?" Tanong ko dito.

Ininom niya lang yung shake na nasa harapan niya para maiwasan ang tanong ko.


"Magsalita ka nga!"


"Ang ganda ng jacket mo, san mo nabili yan."


"Wag mo ibahin ang usapan! kukutusan kita diyan."


"Wala, nagkaroon lang kami ng onting problema." sabi nito at halatang nagsisinungaling siya.


Hindi siya tatawag ng ilang beses ng ganon kay Gabb kung maliit na problema lang yon.


Ako lang lagi tinatakbuhan niya tuwing nagaaway sila. Madalas na dahilan ng away nila ay yung pambabae ni Gabb.


Kilala ko pa naman si Coleen. Napakaselosa niyang lubos. Kaya palaisipan pa rin sakin kung pano nila napatagal yung relasyon nila.


Imagine selosa tas babaero haha.


Eh kung ako na lang pinili mo edi sana di ka nagseselos diyan, tanga.


"Cole, take a look." biglang sabi nito habang pinapakita ang picture ng isang babae.


"Who's that? Babae mo?"

"Shut up! That's Amy"


Tinignan ko ng mabuti ang picture. Maganda yung babae pero di ko siya bet. Pero maganda talaga siya.


Balak niya bang ireto sakin to?


"Alam kong nagagandahan ka sa kaniya, but I'm telling you she's literally a bitch!" Gigil na saad nito.

"Then, why are you telling me this?"


"I want you to play with her." seryosong sabi nito.


"Basketball? Volleyball?"


"Schewpid!"


"Woah, coleen kumalma ka, hindi madali yang pinapagawa mo."


"Gusto kong gantihan yung babaeng yon."


"So ako gagamitin mo para gantihan siya?"


"Ehh ikaw lang mahihingan ko ng tulong besides, single ka diba? Ito na chance mo magkajowa" Aww.

Yung nirereto ka ng crush mo sa iba. Hindi kaya masakit sa heart. Parang kagat lang ng dinosaur.


"Oo, s-single ako, pero hindi ako katulad ng mga ate na babaero."


"Teka nga muna? Bat anlaki ng galit mo diyan sa amy na yan?"


"I think she's trying to messed with me. Hindi niya kilala kung sino binanga niya."

Hindi ko alam kung anong tunay na nangyari pero mukhang may nagawa nga yung amy na yun. Dahil di naman magkakaganto si Coco ng walang dahilan.


"Okay fine."


"Really?"


Pasalamat ka...mahal kita kundi.


"Sino muna ang tunay na baby?"


"Ako!"


"Balakajan."


"Joke lang,eto naman! thank you, baby." malambing na pagkakasabi nito.


Nicole! Wag kang kiligin diyan. Paasa yan!






"MNL48 Cole"

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"MNL48 Cole"

"Stay with me" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon