"12"

1.9K 96 13
                                    

GABB

Tinanghali ako ng gising dahil napuyat ako sa kakaisip kagabi. Agad akong gumayak dahil mga apat na oras ang byahe dito pabalik sa manila.

Nagpaalam na ko kay mommy pati sa mga bata.

Biglang dumating si Nile kaya binaba ko muna yung bag ko na may lamang konting damit at uniform.

"Aalis ka na?" Tanong niya.


"Ahhh eh oo."


Buti na lang dumating ka kundi di nanaman ako nakapagpaalam.


Dali dali akong lumapit at niyakap ko ito ng mahigpit. Unti unti kong naririnig ang kaniyang paghikbi kaya hinarap ko siya.

"Babye na ule," sabi nito at pilit ngumiti.


"Wag ka na umiyak, babalik pa naman ako dito ee." sabi ko habang pinupunasan ang luha sa pisngi nito.


Umiling lang ito at dahan dahan akong niyakap pabalik.


"Babye."

"B-Bye."


"Atleast nakita na kita ulit bago ako umalis dito." sabi nito.


" teka? Aalis ka rin?"takang tanong ko.


"Oo, mag aaral na ko sa states."


"Bakit hindi mo sinabi!"


"Eh hindi ka naman nagtatanong e."


"Mamimiss kita uy!"


"Mas lalo na ko, di pa nga ko umaalis namimiss na kita e."


"wag mo ko kalimutan ahhh!"


"Engot ka, pano kita kakalimutan. e sinaktan mo ko ng sobra."


"Sinaktan?"


"Wala, wala."


"Ma'am aalis na daw po tayo." sabi ng bodyguard niya kaya nilingon niya ito.


"Just a seconds."

Muli niya akong hinarap, sinugod ako nito ng matinding yakap dahil sa gulat hindi ko naiwasang mapapikit.

I feel someting soft on my lips, weird?

Unti unti akong dumilat. Nanlaki ang mata ko , hindi ko nagalaw ang aking katawan ng makita kong nakahalik siya saking mga labi.mas diniinan niya pa ang halik at rinig ko ang mahinang tawa niya.

Dahan dahan niyang hiniwalay ang kanyang labi at binigyan ako ng napakagandang ngiti na ngayon ko na lang ulit nakita.


"That was my first kiss you know? apakaswerte mo!" Sabi nito at tumakbo na palabas.


Hindi pa rin ako makapagsalita dahil hindi ko pa rin maintindihan ang mga nangyayare.

Ilang minuto akong natameme sa kinatatayuan ko habang takang takang nakahawak sa bibig ko.


She kissed me?


"Oh Gabb? Anong oras na baka gabihin ka sa byahe." sabi ni lola kaya nabalik ako sa wisyo.

"Ay! Oonga pala! Bye po mommy."

"Mag ingat ka apo!"

"Opo."

"Stay with me" Where stories live. Discover now