"22"

1.7K 86 29
                                    

3rd p.o.v.

"Boss, duda talaga ako sa dalawang yun e." Sabi nito habang mariin na nagpupunas ng sahig.







"Ano na namang yang pinagdududahan mo?"






"Nakakapagtaka lang na ang babata pa nila nagtratrabaho na sila?"






"Ano namang kaduda duda don?"






"Atsaka kung mapapansin mo may mga itsura. Kung ako yun nag artista na lang ako."






"Malamang kaylangan ng pera, buti nga yang dalawang yan gumagawa ng paraan para mabuhay hindi tulad ng iba diyan nagawa pang pagchismisan yung ibang tao imbis na magtrabaho ng mabuti."






"Grabe ka naman boss, eto na nga oh. Magtratrabaho na."Labis pa rin ang pandududa ang sumasagi sa isipan ng lalaki.





"Gabrielle skribikin.." Kakaibang pangalan.





"Coleen trinidad..." Tunog mayaman.








"Good afternoon po." Salubong na bati ng dalaga kaya naudlot ang pagdududa nito.






"Good afternoon Gabb,  Asan si blaster?" Paghanap nito kay Coleen.






Sunod na pumasok rin ito ngunit nawala ang ngiti sa labi nito nung makita niya si bruno.






"Bakit bad mood to?"







"Wag mo nga ko pinagkakausap!"







"Uy, bagong gupit ka pala." Pagbabago ng usapan ni Gabb at hinaplos ang kalbong ulo ni bruno.






"Syempre, diba halata?"








"Mas bumagay sayo. Mas lalong nagmukhang lobo ulo mo. Tutal hangin lang rin naman laman niyan." Sabat ni Coleen.







Inobserbahan nito ang bawat galaw ng dalawang babae. Di niya maiwasang mapatitig sa nag gagandahang mukha ang meron sila.

"Bat di na lang sila nag artista? Mas mataas sahod nun kesa dito. "Bulong nito sa kaniyang sarili







"Gabb." Tawag nito. Sa cashier muna ang pwesto niyong dalawa."





"Bakit po?"






"May dadating kaseng tatlong mag papart time."





"Sige po." Ngiting sagot nito.

Hindi niya maiwasang mabighani sa ngiti ng dalaga kaya natampal niya na lang ang kanyang sarili para magising sa pag iilusyon.







GABB's POV.

"Halika dito tuturuan kita." Tawag ko kay Coleen,Ngiting ngiti itong lumapit sa akin.




"Bakit ngiting ngiti ka diyan?"





"Wala lang, feeling ko kase na promote tayo e."





"Promote?"





"Dibaa? Waitress napunta sa cashier."





"Hahahaha"




Sinimulan ko na itong turuan at mabilis naman siyang natuto.

Pagkabukas na pagkabukas ng resto dinumog na agad ng  customers.

"Stay with me" Where stories live. Discover now