"26 -"

1.8K 87 56
                                    

THIRD POV.


Basang basa itong pumasok sa loob.
Hindi niya na narinig ang pagtawag nila sa kaniyang pangalan at derederetsong naglakad.



Bawat hakbang ay hinihiling niya na sana hindi totoo ang lahat ng nakikita sa harapan.







Puyat, gutom, uhaw, at matinding pagod ang pisikal na bumabalot sa katawan ngunit hindi niya na ito maramdaman.







Bago makatungtong sa harap ng kabao. Tila ba nang manhid ang buong katawan nito dahil sa sobrang sakit ng kaniyang nasilayan.







Sinubukan niya ulit pumikit . At humihiling na sana panaginip lang ang lahat ng ito.









Ngunit sa kaniyang pagdilat walang nagbago. nasa harapan niya ang kaniyang pinakamamahal na lola na mahimbing ng natutulog sa kwadradong bagay na ito.







"L-lolaa." Tanging salitang lumabas sa kaniyang bibig.






ECKA's POV

Napakabilis ng lahat ng pangyayari. Mismo kami hindi namin matangap.





Pilit kong pinunasan ang mga luha sa mata ko at naglakad papalapit kay Gabb.






Walang buhay ang mga mata nitong nakatitig sa kabao.

"Gabrielle, Kumain ka muna, Hindi ka pa kumakain simula ng dumating ka dito."








"Hindi ako pumunta dito para kumain."mahinang sambit nito.

Basang basa ang damit nito dahil sa ulan pero parang wala lang sa kaniya.







"Magpalit ka muna ng dami-"






"Iwan niyo na lang ako." Dahan dahan itong lumingon sakin at tumitig sa aking mata.






"Gusto ko munang mapagisa."










Flashback.

"Mami lolaa!" Dali dali itong yumakap sa beywang ng kaniyang lola.





"Kamusta school?"








Inangat niya ang ulo niya ng may nakaukit na napakalawak na ngiti sa kaniyang labi.

"Okay naman po, alam niyo po ba nag try ako sumali sa soccer team." bakas sa boses nito ang pagkasabik.







"Oh bakit hindi ka pa sumali?"







Umupo ito para mapantayan ang tayo ng kaniyang maliit na apo.

"Sabi kasi nila daddy, bawal ako mag sports."





Dahan dahan niyang inangat ang kaniyang kamay papunta sa mukha nito para hawiin ang  buhok na nakaharang sa mukha ng batang babae.

"Hayaan mo sila, sundin mo lang ang gusto mo. Gawin mo lang yung mga bagay nakakapagpasaya sayo."








"Kahit basketball?"







"Oo naman, kahit anong sport pa yan."








"Eh pano po pag nagalit sila daddy?"





"Ako ng bahala."





"Stay with me" Where stories live. Discover now