7

1.8K 93 2
                                    

GABB's POV.

Nandito ako ngayon sa tapat ng bahay ng lola ko. Medyo madilim na rin dahil mag aalasais na ng gabi.



"Sino yan?" Narinig kong tanong nito, habang binubuksan ang pinto. Nakaramdam ako ng pagkasabik ng marinig ko ang boses nito.









"Mommy." naluluhang sabi ko, I miss her.










"Gabby?" Sabi nito habang inaayos ang kanyang salamin sa mata.







"Mommy!" Sinugod ko siya ng yakap.






"Jusko kang bata ka, Bat ngayon ka lang nabisita?" Tanong niya.










"Tara pumasok na tayo sa loob."

Agad kaming pumasok. Dalawang taon na ang nakakalipas nung huling dalaw ko dito.Hangang ngayon hindi pa rin nagbabago ang bahay na to. Maganda pa rin siya tulad ng dati. Si lola lang ang nakatira dito kasama ang dalawa niyang pang apo na si hanz at lexine.









"Nasan po yung makukulet?" tanong ko.








"Natutulog na, tumaas ka muna sa dati mong kwarto at mag palit ka ng uniporme mo." ani niya.







"Sige po." dumeretso agad ako sa dati kong kwarto. Nandito pa rin yung mga gitara ko, art materials, pictures, pati favorite unicorn stufftoys ko.







Agad akong nagpalit dahil may mga damit pa rin ako dito.

"Gabby, tapos ka na?"








"Pasok po kayo, mommy."
Pumasok si lola dala dala ang special dish niyang sinigang na baboy at mainit na kanin.








"Kumain ka muna."sabi niya.







"Dat hinintay niyo na lang po ako sa baba, napagod pa tuloy kayo sa pagdala niyan." Ani ko.











"Diyan ka na sa kama mo kumain para makapagpahinga ka agad." Wika nito.









"Thankyou mommy." Ngiting sambit ko.







"Welcome, ang Ganda ganda talaga ng apo ko." sabi niya sabay halik sa aking noo.









"Syempre po, mana po sayo." Biro ko kaya bahagya itong natawa.










"Oh siya bababa muna ako at may gagawin pa ako." Paalam niya.









"Sige po."

Dali dali kong hinawakan ang kutsara at nagsimula ng kumain. Ang sarap talaga ng luto ni lola, panalo!
Agad kong naubos ang pagkain. Binaba ko na yung pinagkainan ko dahil masyado na kong nahihiya kay lola.







"Tapos ka na?" Salubong na tanong nito.





"Opo." Ani ko.









"Maupo ka muna dito." sabi niya sabay abot ng isang baso ng hot chocolate.








"Thankyou po."
Umupo na rin siya sa tapat ko hawak ang kape niya.









"May problema ka ba? anak." biglaang tanong nito.








"Huh? W-Wala po?" Sagot ko.







"Stay with me" Where stories live. Discover now