"15"

1.9K 89 50
                                    

GABB.

"Dalian mo kumilos baka magstart na yung laban!" Tarantang sabi ni Coleen.


"Wait lang, masyado pang maaga."


"Anong maaga? 12:43 na? Dalian mo!"


"Tsk! 2:00pm pa naman start."
Agad kong hinarurot ang kotse dahil sobrang excited nitong kasama ko. maya maya lang ay nakarating na kami. Ang dami na agad taong nagsisigawan.

"Sabi sayo! dapat mas maaga! Ang hirap tuloy hanapin ng pinareserve na chairs para satin." Sermon nito.

"Coco! Gabo!" Malakas na Sigaw ni ate sheki.

Hinanap namin kung san nangaling ang boses buti na lang kumaway kaway si ate Sela kaya agad naming nakita.


"Bat ngayon lang kayo?" Salubong na tanong ni ate alice.


"Eto kasi ang bagal kumilos." Ani niya at inirapan ako.


"Guys!!" Sigaw ni ate Dana.


"Oh Dana!"


"Guys! Jowa ko nga pala." Ngiting sabi nito.

Biglang nanlaki ang mata ko sa babaeng pinakilala nito. Putek! Si ate jem! Mas nagulat ako sa isa pang kasama nito. Putek! Si Laney!


"Hello, jem nga po pala!" Pagpapakilala niya pasimple akong nagtago sa likod ni ate abby.

"Hi jem." Bati nila.

"Jackpot ka diyan! Danababes!" Ani ate abby.

"Oonga ee."

"Baka gusto mo rin ipakilala yung  kasama mo." Sabi ni daryll.

"Ay oonga pala, laney tara dito."


"Hello! I'm laney-"
Napatigil ito sa pagsasalita nung magkatitigan kami. Agad ko naman iniwas ang tingin ko.


Takte! Bat ba andito sila? Bat parang ang liit ng mundo namin?


"Hi! Daryll nga pala! Nice too miss you."
Banat ni Dada.

"Hehehe nice to meet you too." Naiilang na sagot niya.


Isa isa na silang nagpakilala. Pati si Coleen sumali na rin. Napakamot na lang ako sa batok ko.

Tae bat kinakabahan ako.


"Oh! Gabb! Bat nakatanga ka lang diyan?" Sigaw ni ate abby kaya nagtingin na sila sakin.


"Uhhmm -eehh hi! I'm Gabb." Naiilang na sabi ko.


"Eto naman parang hindi naman tayo magkakilala." Ate jem.


Paktay na! Pagnalaman nila ate Dana at Coleen na nakitulog ako sa bahay nila .


"Magkakilala kayo?" Parehas at sabay na tanong ni Coleen at ate Dana.

"Oo-"


"Are you ready guys!!!" Biglang Sigaw ng announcer kaya biglang umingay ang paligid. Puro sigawan at ingay ng tambol.

Agad naman umalis si ate Dana dahil sila na yung maglalaro. Kaya medyo nakahinga ako ng onti.


Nagsi upuan na kami at saktong umupo pa si laney sa tabi ko. Aaaaaackkk! Anong gagawin ko. chill. Gabb, chill.


"Huy! Okay ka lang? Pinagpapawisan ka?" Biglang sabi ni Coleen agad ko naman pinunasan ang pawis na tumutulo na pala sa gilid ng pisngi ko.


"Stay with me" Where stories live. Discover now