"19"

1.9K 90 10
                                    

COLEEN's POV.

"Coleen."  Rinig kong tawag nito.



Agad akong tumayo at naghilamos. Inayos ko muna ang sarili ko bago lumabas ng banyo.

"Bakit ang tagal mo?"kunot noo nitong tanong habang nakataas ang dalawang braso na para bang nanghihingi ng yakap.






"Why? Namiss mo agad ako?" Ngising tanong ko dito at niyakap siya ng mahigpit.





Sinimulan ko nang magluto. Habang si Gabb nakaupo sa harap ng kusina at pinapanood ang bawat galaw ko.







Hindi ko maiwasang mailang dahil todo ngiti ito tuwing nahuhuli niya kong sumusulyap sa kanya.





"Wag mo nga ko tignan!" Reklamo ko.






"Bakit? gusto ko e." Nakangusong sagot nito.






"Di ako makapag focus sa niluluto ko oh."





Agad akong natapos magluto dahil nagrereklamo na tong babaeng to.
"Tagal naman niyan."

"Maghintay ka nga, kala ko ba hindi ka pa gutom?"






"Kala ko rin e." Ngising sagot niya.





Nilapag ko na sa mesa  yung sinigang na paborito niya na kanina niya pa nirerequest na lutuin ko.

"Sarap!" ngiting sambit niya pagkatikim nito.





"Kumain ka ng marami ang payat payat mo na oh." Sabi ko habang nilalagyan pa ng kanin ang plato niya. "Baka sabihin pa ng mommy mo di kita inaalagaan."







Pinagpatuloy na namin  ang pagkain habang masayang nagkwekwentuhan na para bang walang nangyari kanina.

"Ahhh!! Nabusog ako, thank you for the food!" Malakas na sabi nito at humalik sa aking pisngi kaya di ko maiwasang mapangiti.









"Anong balak mo bukas?" Tanong ko kaya napabuntong hininga muna ito bago sumagot.









"Hindi ko pa alam." Sagot niya bago yumakap ng mahigpit. Yayakap na sana ako pabalik ng biglang humiwalay ito.







"Ambaho mo na." Aniya.









"Letche, ikaw na nga lang nakikiyakap diyan!"






"Joke lang! Ambango mo kaya! Amoy Sun."





"Sunflower?"






"Amoy araw."






"Panindigan mo yang sinabi mo ahh, wag mo kong lalapitan." Pagmamaktol ko pero mas lalo lang ako nito tinawanan.






"Joke lang, anueba haha."tawang tawang sabi nito.





"Kanina ko pa gusto maligo ayaw mo ko payagan, tas ngayon nang aasar ka?"









"Ambaho ko na rin, Tara ligo tayo." Ngising sabi nito at tinignan ako ng nakakaloko.






"M-manyak! Manyak!" 







"Nagtitipid lang, Shower together can save to much water." Malanding sabi nito at binigyan ako ng malagkit na tingin.







"Stay with me" Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon