30

2.7K 115 54
                                    

       "The Night before the wedding."






COLEEN's POV

"Cheers guys! Eto na yung last day bago matali si Coco!" Malakas na sigaw ni Daryll at inangat ang pulang baso.






"Cheers!" Sigawan naming lahat.










Nandito kami sa rooftop. Naisipan na lang namin uminom ng kami kami lang  kaysa ituloy yung plano na bridal shower.

"Pero mas bet ko talaga yung bridal shower." Biglang sabi ni laney.








"Ihh ayoko, kadiri." Sagot naman ni Daryll.







"Anong nakakadiri dun?" Ani Laney.








"Puro abs lang naman ng lalake ew." Sabi ni daryll na may halong pandidiri ng tono ang boses nito.









"Nag aaway pa kayo? Kayo ba yung ikakasal?" Biglang sabat ni Gia.









"Mas maganda na rin 'to guys. Baka kase last na inom na rin natin tong magkakasama." Sabi naman ni Cole.







"Bakit aalis ka?" I asked.







"Hinde, syempre diba? Baka hindi kana payagan ng asawa mo." Sagot niya.





"Hinde ah! Pwede pa naman siguro, pero baka nga hindi na." Sagot ko.









"Ngayon na lang kaya tayo nagkita kita. Kung tutuusin, Parang reunion nga to e." Masayang sabi ni Gia.








"Hoy abby? Kanina ka pa diyan." Tawag ni Daryll.







Napalingon naman kami kay ate abby na kanina pa aligaga sa cellphone niya.

"Wait lang tinatawagan ko pa si Sela." Sagot ni ate abby.








"Oh hello, babe?" - ate abby. Mukhang kausap niya na sa phone si ate Sela.








"Oo, nandito kami. Sunduin pa kita?" Tanong ni ate abby sa phone.







"Sige mag ingat ka na lang." Huling sabi nito bago ibaba yung phone niya.
Agad itong bumalik sa amin at tinunga ang baso na may lamang alak.







"Malapit na raw sila." Ate abby.








"Sila?" Takang tanong ko.









"Andito na kami!" - Ate sela.

Agad kaming napalingon kung saan nanggaling ang boses ni ate sela.







Tila parang may pamilyar na tao na nagtatago sa likod nito.









Bigla akong nakaramdam ng kaba at pagkasabik sa hindi malamang dahilan.









Halos bumagal ang pag andar ng oras at parang walang hangin akong maibuga.









Hindi ako makapaniwala sa nakikita ko.









Bumibigat ang paghinga ko habang humahakbang ito papalapit sa amin.










"Gabo!" - Daryll.







"Stay with me" Where stories live. Discover now